Share

KABANATA 69 “FINAL PLEA”

“IYAN lang ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta dito? Dahil gusto mong pakiusapan kami ng Tatay mo na tanggapin ang pagpapakasal mo sa babaeng iyon bukas?”

Mapait at puno ng kalamigan ang bawat katagang sinambit ni Aurora.

Magkakaharap sila noon sa sala ng kanilang bahay. Ang bahay na alam niyang hindi maglalaon ay mawawala na rin ng tuluyan sa kanila. Dahil nga sa desisyon ng nanay niyang ibenta iyon.

“Buo na po ang desisyon ko. At sa tingin ko ay makabubuti kung tatanggapin na lamang ninyo ang pasya ko, Nay,” aniya sa mababang tono ng boses.

Kung alam lang marahil ni Aurora kung gaano kasakit sa kanya ang lahat ng ito. Na ang sitwasyon nila ngayon ang nagbibigay ng hindi mahimbing na pagtulog sa kanya sa gabi. Pero hindi niya iyon pwedeng sabihin dito. Dahil may palagay siya na oras na gawin niya iyon ay lalo lamang lalakas ang loob nitong hadlangan ang pagmamahalan nila ni Mia.

“At talagang kinalimutan mo na kami na nagpalaki sa iyo mula pagkabata, ganoon ba?” bakas ang matinding
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status