“Talagang sisiguraduhin ko na isang propesyonal ang maghahawak ng overall system. Subalit, bukod sa aking mga magulang at sa’yo, wala akong ibang pinagkakatiwalaan na humawak ng mga pananalapi.” Marahan na umingit si Wendy. Siya ay masaya dahil pinagkakatiwalaan siya ni Jasper katulad ng pag tiwala nito sa kanyang mga magulang, pero, sinabi niya, “Nanakawin ko lahat ng iyong pera kapag hindi ka nakabantay!” “Kung ano ang pagmamay ari ko ay pagmamay ari mo din,” sagot ni Jasper ng naka ngiti. Namula ng bahagya ang mukha ni Wendy. “Wendy, tara, gumawa ako ng sopas para sa’yo. Humigop ka na habang mainit pa. Dinalhan ako ng matandang manok mula sa bayan at ito ay maganda para sa’yo.”Sa puntong iyo, lumakad si Sally na may dalang mangkok na may sopas. Agad lumapit si Wendy upang kunin ito sa kanya. “Salamat, Sally,” malambing na sabi ni Wendy. Namatay ang kanyang ina noong siya ay bata pa lamang, kaya siya at si Dawson ang magkaagapay sa buong panahon na ito. Kahit na siy
Nilagay ni Wendy ang kanyang braso paikot sa leeg ni Dawson at sinabi, “Dad, ikaw talaga ang pinakamagaling.”Tinapik ni Dawson ang likod ng mga kamay ni Wendy na naka krus sa harap ng kanyang katawan at sinabi, “Ikaw ang nagiisa at natatanging anak ko. Para kanino ko pa ba ginagawa ang lahat ng ito, kung hindi para sa’yo?”“Ang shares ng JW Real Estates ay nasa pangalan mo na. Sa hinaharap, ipagkakatiwala ko sa’yo ang management team ng buong real estate company sa’yo.“Pero tama ba ito?” Pagdududang tanong ni Wendy. “Ibibigay ko ito sa’yo bilang regalo, kaya ito’y nararapat lamang. Matalinong tao si Jasper, naiintindihan niya ang aking mga intensyon.”Nag isip saglit si Dawson at nagpatuloy, “Napakahusay na binata ni Jasper. Ang kanyang hinaharap ay hindi malilimita sa probinsya lang na ito. Ang buong bansa, o sa mas malaki na entablado-doon siya patungo. “Gusto ko samantalahin ang oportunidad na ayusin ang malaking ireregalo ko sa iyong kasal para kahit ano kahinatnan ni Jas
“Maari bang iabot mo ang aking pasasalamat sa old master,” taos pusong sinabi ni Jasper kay Anna. Kahit na ang mga Laws ang tumawag sa kanya, trinato nila ito na may sapat na respeto kahit saang aspeto. Hindi si Jasper ang may pinakamalaking opinyon sa kanyang abilidad. Nirespeto niya si Old Master Law at ang mga salita nito ay galing mula sa puso. “Ikaw dapat ang magsabi mismo nito old master,” sabi ni Anna ng nakangiti. “Osige, Little Sis. Sinundo mo na ang lalake, ako ay aalis na.” Kinuha ni Henry ang oportunidad na sabihin ito habang si Jasper ay papasok sa sasakyan. Kumunot ang noo ni Anna at sinabi, “Si Lolo ay gusto imbitahan si Jasper maghapunan sa bahay mamayang gabi. Saan ka pupunta?” “Oh shucks, alam din ni Lolo na hindi ako mahilig sa mga ganitong klaseng okasyon. May mga nagawa na akong plano kasama ang aking kaibigan, kaya mauuna na ako umalis.” Pagkatapos na sabihin ito ni Henry, agad siyang umalis. Napabuntong hininga si Anna. Tumalikod ito at pumasok sa
“Jasper, nagkita tayong muli.”Lumapit si Zachary na may malakas na tawa nang makita niya si Jasper na bumababa mula sa sasakyan.Habang siya ay nagsasalita, lubusan itong ngumiti habang mahigpit na nakipag kamay kay Jasper at tinapik ang balikat nito gamit ang kanyang libreng kamay.Ngumiti si Jasper at sumagot, “Pasensya na naistorbo ko kayo sa aking pagdating sa Harbor City ng ganitong oras.”Si Zachary ay ngumiti din at sinabi, “Hindi ito istorbo. Ito ay responsibilidad namin na maging punong abala bilang may ari ng lugar na ito.”Dahil dito, ginabayan ni Zachary si Jasper papasok ng manor. Sabi nito habang lumalakad, “Kamusta ang tanawin ng Harbor City mula galing airport?”Nagisip saglit si Jasper at taos pusong sinabi, “Nakita ko ang pag unlad papunta dito. Marami din akong nakitang oportunidad.”Malaman na sinagot ni Zachary, “Ang mga kabataan ngayon ay puno ng sigla. Ang iyong bisyon ay talagang kakaiba.“Tara, ang old master ay nasa likod. Nakausap ko na siya tungkol
Sa puntong iyon, ang Old Master Law ang ngumiti at sinabi kay Jasper, “Sa totoo lang, maiintindihan mo kung paano maging tao matapos mo mabuhay ng matagal. Ang prinsipyo ay pareho sa pagpapalaki ng gulay. “Mula sa pagbubunkal ng lupa at pagtatanim ng buto, paglalagay ng pataba at pagdidilig, pagtapos ay ang paghintay na mamulaklak at magkaroon ng bunga; bawat proseso ay dapat gawin ng maingat at sa tamang pamamaraan. “Ang mga problema ay maaring mangyari sa bawat yugto. Kung ang kalidad ng lupa ay hindi ganun kaganda, hindi tutubo ang mga buto. Pag nasobrahan sa pataba ang mga ugat ito ay masusunog, pero pag konti ang pataba sila ay malalanta. Sobrang tubig, ang mga gulay ay malulunod, pag konti masyado ang tubig sila ay matutuyo. Lahat ay dapat nasa tama.”Tumango si Jasper sa pagsang ayon nito. “Ang pinakamaliit na piraso ng lupa ay hindi lalagpas sa isang square feet, pero ito ay mayroong magandang kaalaman.”Magalak na sinabi ni Old Master Law, “Narinig ko mula kay Zachary na
“Jasper, narinig ko na nagsimula ka ng investment company sa Mainland?”Pagkatapos umakyat ni Old Master Law sa taas upang magpahinga, dinala ni Zachary si Jasper na maglakad sa backyard at kaswal na tinanong ito.Hindi nasurpresa si Jasper na alam ni Zachary ang tungkol dito. Isa pa, ang pag iimbestiga sa kanyang kilanlan ay napakadaling trabaho para sa Law family at sa kanilang kapasidad.“Ang aking kapasidad ay limitado at hindi ko magawa ang partikular na trabaho, kaya ako ay nag lalaan ng pera at hinahayaan ang mga propesyonal na gawin nila ang kanilang pinakamahusay,” sabi ni Jasper at ngumiti. Tumawa si Zachary at sinabi, “Ang lower-class ay nagtatrabaho gamit ang pagsisikap, ang middle class ay nagtatrabaho gamit ang talento, ang upper-class ay nagtatrabaho gamit ang tao.”Humagikgik si Jasper at sinabi, “Sa totoo lang, ang aking opinyon, tayo ay nasa gintong panahon, lalo na sa Mainland kung saang ang mga oportunidad ay nagkalat. Magsimula ka lang ng mas maaga at magk
“Bakit hindi kayo manatili muna dito at magpahinga sandali? Lalabas lang ako saglit,” bulong ni Zachary. Humigop ng kape si Jasper galing sa kasambahay. Ang purong Blue Mountain coffee na ginawa sa Jamaica ay isang masarap na kape na mahirap matagpuan sa ibang ordinaryong coffee shops. Ganun pa man, namimiss na ni Jasper ang kanyang pangkaraniwang tsaa na nagkakahalaga ng 50 dolyar mahigit isang pound. Hindi nabigla si Jasper sa mga konsiderasyon na nabanggit ni Zachary. Siya ay nakabuo ng alyansa sa mga Laws. Kahit na kinikilala ng mga Laws ang kanyang estado at abilidad, at pagkonsidera ng crude oil futures…Ito ang unang pagkakataon na may kasamang isang bilyong pondo. Walang may kayang panagutan ang responsibilidad kung magkakaroon ng pagkalugi. Bilang person in charge ng mga Laws, kailangan maging maingat ni Zachary. Pagkatapos lumabas ni Zachary sa study room, siya ay diretsong umakyat at kumatok sa pinto ni Old Master Law. “Pasok.”Ang boses ni Old Master Law a
Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, bumalik si Zachary.“Jasp, gagawin mo ba ang mga sinasabi mo, pero kailangan mong gabayan ang ating traders.”Dumiretso na si Zachary sa kanyang punto.“‘Wag na tayo magaksaya ng oras at dumiretso na sa ating gagawin,” sabi ni Jasper.Tumango si Zachary at agad nagutos ng tao upang ayusin ang system. Kung kaya, nagsimula ng video conference si Jasper kasama ang mga traders ng Law sa study room ng Zachary.“Ito si Mr. Laine. Mula ngayon, kailangan niyo sundin ang aking mga utos ng walang alinlangan.”Pagkatapos magsalita sa mga traders, tumabi si Zachary.Ang mga traders ay nagtinginan sa isa’t isa, halatang medyo naguguluhan.Isa sa mga lalake na mukhang manager ay nag-aalangan na nagtanong, “Mr. Law, hindi ka ba nasisiyahan sa ating sosyo?”Sabi ni Zachary, “Wala dapat ikadismaya. Ang ating investment strategy ay nagiba na, gawin niyo na lang kung ano ang sasabihin ko. Makukuha niyo pa din ang inyong mga commission.”Matapos sabihin it