Ang pink na diamond ay mahinang umilaw sa ilalim ng ilaw, pero ang kinang nito ay nakakabulag ng mata ng lahat sa function hall. Si Zane ay hindi makapagsalita sa gulat. Tinitigan niya ang pinko diamond sa kamay ni Anna at hindi makapaniwala. Sa oras na iyon, namanhid ang anit ni Zane. Paano nangyari ito?Paano ang isang lumang palamuti na binili ni Jasper na hindi gaano pinag isipan ay isang hindi mapepresyuhan na kayamanan?! Kahit na siya ay hindi mula sa jewelry industry, bilang isa sa mga mayayaman na pamilya, si Zane ay marami ng nakita na mamahaling gamit kaysa sa pangkaraniwang tao lang. Kaya, madali niyang masasabi kung may halaga ang isang gamit. Itong pink diamond na ito ay paniguradong hindi mababa ang halaga!Pakiramdam niya napakaraming sampal na hindi niya nakikita ang tumatama sa kanyang mukha na dahilan ng pamamaga nito. Nagngalit ang ngipin ni Zane habang namumula ang kanyang mga mata. Siya ay sobrang nagseselos na baka hindi niya na mapigilan ito. N
Alam ng lahat na ang pink diamond ay opisyal na nilagay sa auction, ito ay talagang mabebenta sa presyo na mas mataas pa dito. Ang tingin at ekspresyon ng lahat ay nagiba. Tumingin sila kay kay Jasper na para banb isang Diyos. Anong klaseng tao siya upang magkaroon ng kapasidad na akma at matalas na pagiisip? Paano niya nalaman ang sikreto ng Angel’s Heart? “Naibigay ko na ang diamond kay Anna. Hindi na ito binebenta,” pagsaad ni Jasper ng katotohanan. Sa pangungusap na ito, mariin niyang tinanggihan ang oportunidad na magkaroon ng kita na 200 milyong Harbor Dollars. Ang ekspresyon ng mukha ni Jasper ay napaka kalmado at walang bahala na para bang tumanggi sa isang itlog na ihahanda ng isang chef bilang almusal. “Ito ay talagang…sayang.”Bigo man ang puso, ang chairman ay binalik ang pink diamond kay Anna. Wala itong ibang pagpipilian. Kung si Jasper ay walang balak ibenta ito, imposible para sa kanya na agawin ito mula sa kanya, di ba? Nakatitig si Anna sa pink diamon
“Hahaha.”Si Michael Lane, na nakaupo sa lamesa ng mga big boss, ay tumawa ng malakas.“Zachary, si Jasp ay mahusay!”Pinakita ni Michael ang pagkamangha nito kay Jasper. Ang ibang mga boss ay nakatingin kay Michael ng masama. Si Michael ay laging kampi kay Zachary. Hindi na kailangan na umakto ito ng puno ng suporta sa kanya ngayon. Subalit, hindi nila maitanggi ang katotohanan na mahusay ang galaw ni Jasper. May maliwanag na ngiti sa mukha ni Zachary. “Ang batang ito ay laging ganito,” sabi niya. Kahit na ito ay nagsasalita sa kaswal na tono, ang kanyang pinili na mga salita ay nagpapakita kung gaano niya kagusto at pinapahalagahan si Jasper. Alas, ang pinuno ng Law family ay hindi basta basta tumatawag ng sino bilang ‘batang ito’. Ito ang tawag ng nakakatanda sa kanyang junior. Si Zachary at Michael ay maganda ang kalooban. Salungat kay Bob Lancaster at Kennedy Langdon na hindi kaaya aya ang ekspresyon ng mga mukha. Sila ay hindi nakisali sa palitan, pero kahit si
Umiling si Zachary at tumawa ng malakas. Sa sobrang pagkamangha, hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na kutyain si Kennedy Langdon. Sa inaasahan, dumilim ang ekspresyon ni Kennedy. Ang mga boss ay masayang naghagikgikan pagkatapos magka tinginan sa isa’t isa. Parehas na sitwasyon ay nangyari sa kalagitnaan ng auction na may kasamang labanan ng yaman. Gayon pa man, madaling makilala kung sino sa pagitan ni Mitch at Jasper ang mayroong upper hand. “Si Mr. Mitch Langdon ay may bid na 100 milyong Harbor Dollars para dito sa asul at puting porselanang mangkok. Going once. “Going twice.“Going thrice, it’s a deal! Con-Congratulations kay Mr. Mitch Langdon,” anunsyo ng host. Hindi na tinangka pa tumingin ng host kay Mitch, na may bakas ng pagkamuhi sa mukha nito. Sinimulan na nito mag auction ng susunod na gamit pagkatapos madaling tapusin ang mga proseso. Paunti ng paunti ang mga gamit na isuction. Hindi na nagbid muli sa Jasper pagkatapos noon. Sa itsura na bakas na m
“Hahaha, ito ay sobrang nakakatawa. Tingnan mo ang mukha ng g*gong iyon. Mukha siyang sinipa sa mukha ng isang donkey. Hahaha…”Nang naging matapang si Henry Law, wala na siya pakialam kung si Zane ay anak ni Bob Lancaster o ng iba pa. Ito ay walang awa niyang binastos. Pagkatapos marinig ang kanyang sinabi, nag iba ang ekspresyon ng lahat. Gusto nilang tumawa pero walang nagtangka. Kahit na hirap silang pigilan ang pagtawa. Sa sobrang galit ni Zane siya ay malapit ng sumuko ng dugo. Ngunit, hindi ito nagtangka na may gawin kay Henry Law. Kaya niya lamang pigilan ang kanyang galit at tumingin kay Henry at Jasper. Ang auction na malapit ng matapos ay nagtapos na pagkatapos nitong gambala. Subalit, ang lahat ay nakaramdam ng pagkainip sa natitirang parter ng auction. Isa pa, pinanuod lang nila si Jasper na kalabanin si Mitch at Zane sa dalawang pasiklaban. Ang lahat ay balewala kung ikukunpara dito. Pagkatapos matapos ng auction, ang host ay nagmadaling bumaba ng stage na pi
“Makakasiguro ka na lahat tungkol sa iyong gawain sa Harbor City, Mr. Rogers. Lagi namin binabantayan ang pinakamayayamang pamilya sa Harbor City. Wala naman kakaiba base sa kanilang pagkilos. Ngunit, ang isang Mainlander na nagngangalang Jasper Laine ay sumanib sa mga Laws nitong nakaraan…”Pagkahalata sa alinlangan sa salita ni Kennedy, sumimangot si Rogers. Binaba niya ang kanyang baso ng wine at sinabi, “Sabihin mo sa akin ang iyong pagaalala, Langdon. Ang plano na ito ay masyado malaki. Ang mga kadahilanan na hindi natin kontrolado ay hindi dapat umiiral.” Si Kennedy ay nagsimula ng magpaliwanag, “Nito lang, ako at si Bob ay may nalaman tungkol sa Laws na may natatagong malaking pera. Wala kaming ideya kung saan napunta ang pond. Ito ay mukhang nangyari noong dumating si Jasper Laine.” Dagdag ni Bob, “Subalit, ang mga Laws ay laging may negosyo sa real estate industry. Bukod sa financial crisis tatlong taon ng nakalipas, bihira nila ibilang ang sarili nila sa capital sector.
Ngumiti si Zachary. “Wag mong pigilan ang iyong sarili na magsalita kung kailangan mo ng tulong. Ang Law family ay maraming kayamanan.” Iniangat ni Jasper ang kanyang tasa at humigop. Ngumiti siya. “Sa tingin ko ay hindi na kinakailangan ito… May naihanda bang pondo ang Law family?” Naging matapang ang ekspresyon ni Zachary. “Bigyan mo akong ng ideya. Magkano ang kailangan ko?” “Mahirap sabihin sa ngayon.” Naisip ni Jasper ang United States stock market na kanyang sinusubaybayan nitong mga nakaraang araw at sumimangit. “Ang United States stock market ay nasisira sa kakaibang bagyo. Napansin ko na mayroong sumusubok hawakan ang market at may tinatakpan itong malaking parte ng stocks din. Ito ay isang sugal na hindi bababa ng trilyong dolyar.” “Trilyon!” Nahirapan si Zachary paniwalaan kahit na nakita ang ambag niya na pera. ‘Paggamit ng trilyon bilang base unit…‘Tanging GDP ng bansa ang may ganitong kakayahan! ‘Tanging GDP ng bansa ang may halaga upang sukatin ng trilyon
Kinabukasan ng umaga, buong gossip magazine ng Harbor City ay naglabas ng balita na parang may sumabog na naganap. ‘Misteryosong Mainland Youth Dinurog ang Son of Plutocrat sa Charity Dinner sa Harap ng Lahat na Mayayaman sa Harbor City!’‘Misteryosong Mainland Youth nagtapon ng 300 Milyon, Nakuha ang Pabor ng Prinsesa ng Law Family!’‘Bagong May Ari ng Gladness Entertainment Movies, Misteryosong Mainland Youth Binili ang Apat na Pinakamalaking Film Company ng Harbor City sa Halagang 1.5 Bilyon!’ Lahat ng gossip magazines ay binahagi ang parehas na bida, at ito ay ang misteryosong Mainland youth. Ang mga paparazzi ay nakuhang magkaroon ng litrato na nakatagilid si Jasper. Ang litrato na ito ay ang magkahawak na kamay nila ni Anna, at silang dalawa ay mga ngiti sa mukha habang sila ay naguusap at naglalakad sa red carpet. Itong misteryosong taga Mainland na ito ay mayaman, gwapo at puno ng karisma. Ang pangalan ni Jasper ay mabilis kumalat sa buong Harbor City. May ilan