”Mahigit apat na bilyon…”Ito ay isang pigura na nakaka taas ng dugo at nakaka putok ng ugat. Naramdaman ni Jack na namanhid ang kanyang anit ng makita ito. Kahit na ang kasalukuyan niyang boss ay si Charles Granger, ang pinakamayaman sa mundo, at ang apat na bilyong dolyares ay maliit na bahagi ng kanyang yaman, ito ay dahil amo niya si Charles. Bilang professional manager, ang taunang sahod ni Jack ay kinokonsidera na isa sa mga pinakamalaking sahod sahod na trabaho sa bansa. Ngunit, natuyo ang bibig ni Jack nang makita niya ang kagimbal gimbal na pigura. “Kung mayroon ka pang pagdududa, Mr. Tanner, maari ka sumama sa akin sa Commercial Bank para makasigurado,” Ngumiti na lamang si Jack sa hiya at naramdaman ang suntok sa salita ni Jasper. “Sapat na iyan. Alam kong wala kang rason para mag biro ng ganito, Mr. Laine.”“Totoo. Ang ating oras ay mahalaga para sa ganyan.” Sinenyas ni Jasper ang upuan kung saan umupo si Jack. Naiintindihan ang ibig sabihin ni Jasper, umupo muli
“Alam kong naniniwala ka sa akin, at pinapangako ko na tutuparin ito. Gusto ko nandoon ka kapag nangyari ito.”Humagikgik si Jasper, habang ang isang kamay ay naka hawak sa manibela at ang isa naman ay humawak sa kamay ni Wendy. Hawak ang kanyang kamay, nilagay niya ito ng dahan-dahan sa kambyo. Mayroon siyang magandang pasahero sa upuan ng kanyang magarbo na sasakyan habang siya ay nagmamaneho. Ito ay isang eksena na pinapangarap ng mga lalake. Sa oras na iyon, si Jasper ay patungo na sa kanyang tagumpay. Ang pinaka importante sa kanya ay si Wendy ang magandang pasahero. Ang kanyang pinaka iingatan at malambot na kamay ay nanginig sa mga palad ni Jasper dahil sa kahihiyan, at sa kinis ng kanyang balat ay ayaw ng pakawalan nito. Hindi inaasahan ni Wendy na kikilos ng ganun kabilis si Jasper. Buti na lang madilim sa loob ng sasakyan. Ang kanyang namumulang pisngi ay makikita lamang pag ito ay dumaan sa mga poste ng ilaw. Bumilis ang tibok ng puso ni Wendy at naramdaman
Ilang negosyo ba ang mayroon sa loob ng bansa na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong dolyares?Pag isinantabi ang pang national, mayroong mababa pa sa isang daang bilang ang pang pribadong negosyo sa loob ng bansa na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong dolyares. Ibig sabihin nito sa oras na marehistro ang kumpanya ni Jasper, magiging kabilang ito sa top hundred na negosyo sa bansa. “Ibang klase kang lalake, Jasper.” sabi ni Mr. Ziegler na may kasamang pagkamangha sa kanya. “Salamat sa pagtulong sakin, Mr. Ziegler, kung hindi ang buong proseso ng pagrehistro ay aabutin ng mas matagal.” Magalang na pagpapasalamat ni Jasper. Tumigil ang pag kaway ni Mr. Ziegler. Ngayon na ang lokal na gobyerno ay nagsisimula na manghingi ng puhunan, ang mga mayayaman na kagaya ni Jasper ay kinokonsidera na VIP kahit saan sila mag punta. Walang rason para hindi siya umasta ng mataas at malakas. “Masyado kang mabait. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ano gusto mo ipangalan sa kumpanya mo pala?
“Kung hindi lang dahil sa imbitasyon na lagi kong natatanggap mula sa mga malalapit na babae kong kaklase, hindi ako pupunta,” paliwanag ni Wendy.“‘Wag kang mag alala, hindi ko ito masyadong iniisip. Sariling problema ni Ivan ‘yan kung gusto ka niya ligawan. Napakaraming tao diyan na naghahabol sa’yo. Subalit, dahil siya ay magpapakita sa harapan mo, gusto ko sabihin sa kanya na ‘wag niya na niya pangarapin pa,” hagikgik ni Jasper. “Ang iyong mga salita ay madaling magbigay ng ibang kahulugan sa relasyon nating dalawa,” bulong ni Wendy. “Hindi magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Totoo ang aking sinasabi, at alam mo din iyon,” siguradong sagot ni Jasper.“Hey! Hindi ka pa nga handa! Ikaw… paano mo nasasabi iyan?!”“Ano kailangan kong paghandaan? Ang ibig kong sabihin dapat tutok ka sa trabaho mo sa akin imbes na nag iisip ka tungkol sa mga relasyon. Bilang amo mo, ayoko ng isang sekretarya na laging nag iisip ng ibang lalake.”“...Punta ka sa impyerno!” ......Ala singko
Ang agad na matalik na pagkilos ni Jasper ay ikinagulat ni Wendy. Ngunit, hindi niya ito pinakitaan ng hindi pagsang ayon at hinayaan niya lamang na humawak ito sa kanya. Alam niya na bilang isang babae, kailangan niya ipakita ang buong suporta sa lalakeng nasa tabi niya. “Paano kung hindi ako bumitaw?” Kalmadong tanong ni Jasper. Lalong nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Ivan. Ngumisi ito. “Ayaw mo na sigurong mabuhay!”Napansin na lahat ay magkakagulo, hinila ni Quinny si Ivan papalayo. Humagikgik siya, “Ivan, lahat tayo dito ay magkaklase. ‘Wag mo masyadong pahirapan ang sitwasyon. ‘Di ba, sabi mo may gusto kang irekomenda na stock sa amin? Magsabi ka tungkol dito para maliwanagan kami mga dati mong kaklase.”Tinuro ni Ivan si Jasper at ngumisi, “Pinapakita lang ni Wendy na naawa siya jan sa lalake na ‘yan katulad mo. ‘Wag mo masyadong seryosohin at mataas ang tingin sa sarili. Ipapakita ko sa’yo ang kaibahan sa pagitan natin dalawa.”Dahil dito, inayos ni Ivan ang ka
”Lahat kayo ay masyadong mabait,” nakangiting sabi ni Jasper. Alam niya ang magandang intensyon sa likod ng mga aksyon ni John. Si John Jackson at ang mga kasama nito ay mabilis makakuha at mga intelihyenteng tao. Madali nilang masasabi kung ano ang nangyayari sa isang tingin pa lang. Masasabi nila na hindi kanais nais ang atmospera sa loob kwarto. Ang ibang tao sa kwarto ay hindi ka lebel nila upang makipag inuman at ang atmospera ay hindi maganda. Dahil doon, si John at ang iba ay nag clinked ng kanilang mga baso kasama si Jasper at umalis na doon. Wala rin interes si Jasper na mag tagal pa doon. Sumunod siya kanila John patungo sa Orchid Chamber sa taas. Sa kabilang dako, hindi nakaalis si Wendy dahil siya ay agad napalibutan ng kanilang mga kaklase. “Wendy, ang lahat ng tao na iyon ay nandito upang hanapin si Jasper Laine?”“Mukhang napakagalang nila tratuhin ito.”“Anong klaseng tao si Jasper ngayon? Paano siya nakakapag hapunan kasama ang mga sikat na tao?”Naii
Sumimangot si Wendy at tumingin kay Ivan. Galit niya itong tinanong, “Mayroon pa?”Nagiba ang ekspresyon ni Ivan. Ang kanyang arrogante at mayabang na kilos kanina ay nawala. Siya ay isang simpleng talunan ngayon. “Dahil si Jasper ay mayroong napakaraming pera, may gusto akong ipasabi sa kanya? Tulungan mo ako. Lahat tayo ay magka klase. Hindi mo ko hahayaan na bumagsak ng ganito, ‘di ba?” Nakakaawang tanong nito. “Tama iyan. Dahil siya ay sobrang yaman, dapat magbigay siya sa atin.”“Kahit na kumita siya ng ganun kalaking pera, hindi niya kaya gastusin lahat ito. Paano niya kakayanin makita na magdusa tayo?”Nang magsalita na si Ivan, ang ilang mga mababaw na tao ay nakisali na din. “Ang karamihan sa inyo sa totoo lang… ay wala ng pag-asa!” sigaw ni Wendy. Siya ay hindi makapaniwala kung gaano ka walang hiya ang mga tao na ito. “Hindi gusto magpakitang gilas ni Jasper. Kaklase man o hindi, wala siyang pakialam. Tanungin niyo ang sarili niyo. Noong panahong tayo ay pumapasok
”Wala ako dapat itago sa iyo”, tawa ni Jasper. Naramdaman ni Wendy na lumalagpas sa kawalang hiyaan ang kanyang salita. Ngunit, kung ito ay iisipin, iyon ang katotohanan. Kung ang isang tao ay mayroong ilang milyong dolyar, may mga tao na maaring lumapit na may ibang pakay at makagawa ng hindi maganda. Subalit, sa mukha ng isang mayaman na lalake na may net worth na isang bilyong dolyar, sino ang magtatangka na may gawin sa kanya? ......Makaraan ang isang linggo, si Jasper ay lumipat mula sa bayan papunta sa Thorton Park sa syudad. Ang bahay ay may na maayos na pagkakagawa at ang pagkaka disenyo, upang si Jasper ay makalipat na kahit anumang oras. Kaya lang, tinawagan ni Jasper ang renovation team at sinabihan na gawin na din ang renovation ng dalawang ibang villas sa loob ng parehas na linggo. Itong dalawang villas ay gagamitin na pansamantalang workspace ng JW Capital. Ang mga computers, printers, at network office supplies ay kailangan maihanda at maiayos na din.