Share

Chapter 100

OH, hija, hindi ka pa ba matutulog?”

Muntik nang malaglag ang hawak na cellphone ni Sahara nang marinig ang tinig ni Manang V at makitang nakatayo na ito sa kanyang harapan at may kung ano’ng kulay puti sa buong mukha, nakasuot ng mahabang pantulog na may disenyong maliliit na bulaklak. Madilim na ang kabuuan ng penthouse maliban na lamang sa maliliit na ilaw sa mga sulok niyon maging sa lampshade sa kanyang tabi.

“Alas diyes na at ako’y mauuna na sa iyong matulog ha?”

Tumango siya. “S-sige po.”

“Bakit kasi hindi mo pa tawagan o kaya i-text si Armando. May numero ka naman niya, hindi ba? Nang malaman mo kung ano’ng oras siya uuwi.”

“Hihintayin ko na lang siya Manang,” sabi niya. Umayos siya ng upo at muling tiningnan ang cellphone, nagbabakasakali na mayroong mensahe mula kay Mr. Tantoco, na imposible namang mangyari dahil hindi naman nito alam ang numer

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status