Share

Kabanata 4

Kabanata 4

ENGAGED.

Hindi bingi si Astrid at hindi siya bobo sa ingles para hindi maintindihan ang sinabi ni Croft. Engaged na ito. Malinaw pa sa tubig ang dagat ang pagkakarinig niya kaya gusto niyang tumawa. Wow. Should she walk towards them and congratulate him with a clap or a slap? Ayos ah? Kailan pa? Pagkatapos ba siyang indianin seven years ago?

Gago ka, Guevarra. 

She sighed as she pressed her lips hardly together. Bakit ba affected siya? Wala na sila hindi ba at may boyfriend siya! May boyfriend siyang mahal na mahal siya at kahit kailan hindi gumawa ng katarantaduhan behind her back, hindi gaya ni Croft na umangat lang, nalimutan na siya.

Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo niya nagawa pa rin siyang gaguhin?

Kumirot na naman ang puso niya kahit hindi naman dapat kaya bago pa madugtungan ni Croft ang sinasabi nito, tumayo na siya nilapitan ang direktor upang magpaalam na magbabanyo muna. Nasaan na ba kasi si Crude? Dapat kasi ay nakinig siya nang maayos sa sinasabi nito eh di sana ay okupado ang kanyang isip.

Nadinig niya pa ang hagikgik ni Mia habang nagmamartsa siya paalis sa set. Napailing tuloy siya habang nakasimangot. Engaged na nga 'di ba bakit may landi pa rin ang tawa?

She blew out heavily. Naikuyom niya ang kanyang kamao nang madinig din niya ang tawa ni Croft bago nito sinabing iimbitahin sila kapag kinasal na. Aba ang putanginang 'yon wala man lang sense ng pagiging sensitive?

Teka bakit nga naman kasi magiging sensitive? Hindi ba ay matagal na nga silang hiwalay at may sarili na rin siyang partner? Masama na talaga itong nangyayari sa kanya. Kung hindi lang siya nakapirma ng kontrata baka kahit lumangoy na lang siya pabalik ng Batangas makauwi lang ng Maynila.

Binilisan na lamang niya ang kanyang lakad patungo sa banyo. Nang makapasok,agad siyang nagkulong sa isa sa mga cubicle upang mahinang masampal ang sarili.

She sat on the toilet seat and sighed heavily. "What's wrong with you, Astrid? Akala ko ba ayos ka na?" She sadly asked herself while staring blankly at the door.

This isn't the response she expected from her heart. Pitong taon niyang hinanda ang sarili niya para kapag nakaharap niya na itong muli, masasabi niyang ayos na siya. Na pinatibay siya ng nakaraan at wala na siyang pagmamahal para rito, pero ngayon, ano bang nangyayari? 

Bakit pakiramdam niya, naninirahan pa rin sa kaibuturan ng kanyang puso ang mahinang bersyong Astrid?

Iyong halos mamatay na sa sakit dahil ang taong pinangakuan siyang sasamahan siya habambuhay, naglahong parang bula?

Pain clawed her heart once more when she remembered that day she spent more than eight hours standing at the same spot where she bid her goodbye to Croft. May bitbit pa siyang banner para rito. Sobrang excited siya kasi isang taon niya itong hindi nakita at tatlong buwan nang naputol ang communication nila. 

Iniisip na lang niya ay naging busy ito dahil sabi sa huling mensaheng naipadala nito sa kanya, nagkakaroon ng problema sa management kaya baka mailipat ito ng barko pero siniguro naman sa kanya ni Croft na ayod lang ito roon st sadyang miss na miss lang talaga siya.

Nang dumaong ang Lumiriana, halos magwala ang puso niya. Tinitigan niya ang bawat mukhang lumalabas, sinisigurong oras na makita niya ito, tatakbo siya agad patungo sa nobyo at yayakapin ito nang napakahigpit.

Galing pa siya ng isang shoot no'n para sa isang noontime seryeng nakapag-extra siya kaya wala pa siyang tulog pero wala siyang pakialam. She waited there with heart full of hope, pero anong nangyari? Naubos na at lahat ang mga tao sa Lumiriana, walang Croft na lumabas. Tinawagan niya ang phone nito pero hindi na ma-contact. Wala. He left without a word and she got broken by the man who promised her forever.

Mabilis niyang sininghot pabalik ang nagbadyang luha nang madinig ang mga pumasok na crew ng kanilang production team. Tatlong beses na niyang nakatrabaho ang mga ito at pamilyar na siya sa dalawang pinaka-chismosa sa lahat.

"Ang laki ng binayad para lang baguhin ang script." Dinig niyang ani ng bading na props man.

"Weh? Sure ba yan baka mamaya hindi parang yung chika mong buntis si Sandra."

"Oo nga pero hindi sinabi ni Ma'am Vanessa kung sino yung nagpabago sa script. Basta ang chika niya, malaki ang binayad para tanggalin ang lahat ng kissing scenes."

"As in lahat?"

"Lahat, girl."

"Naku mukhang ngangawa ang Astrude fans ngayon sa pelikulang ito."

Napakunot ang noo ni Astrid sa narinig. Astrude? They were referring to her and Crude's kissing scenes? At first akala niya ay iyong kay Mia dahil nang nireview niya ang script, may supposed kissing scene ito sa isang artista na kasama nila kaya nagtaka siya dahil ang kanila ni Crude pala ang tinutukoy.

May nagbayad para ipatanggal ang lahat ng iyon? Tama ba ang nadinig niya? Mukhang kailangan niyang tanungin ang kanilang manager tungkol doon. Hindi sila na-inform ni Crude.

Nang makalabas ang dalawa ay doon lamang binuksan ni Astrid ang pinto. Sandali siyang lumapit sa salamin at sinigurong maayos ang itsura niya bago siya lumabas ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang saktong paglabas niya ng pinto ay siya ring labas ni Croft mula sa banyong panlalake.

Biglang kumabog ang kanyang mga puso at ang mga tuhod niya ay nangatog. Diyos ko! Tinalo pa ang stage fright niya nang makitang tinitigan siya nito sa mga mata.

"Hey." The corner of his lips lifted a little. Ang makapal at natural na masungit na kilay ay bahagyang nagsalubong. "Did you like the soup I made?"

Hey at did she like the soup? Seryoso ito ang mga unang salitang madidinig niya mula rito pagkatapos ng ilang taong tinaguan siya nito?

Sumiklab ang inis ni Astrid. Ayaw man niyang magpakita ng kahit anong emosyon dito, hindi niya napigilang mapairap sa sobrang bwisit.

Nagmartsa siya paalis sa harap nito ngunit wala pang dalawang hakbang ay trinaydor siya ng kanyang sandals. Sa dinami-rami naman ng pagkakataon para madulas ay ngayon pa talaga!

Impit siyang napatili, ngunit mabilis na sinalo ni Croft ang kanyang likod. His toned arm held on her waist while his free hand grasped her hand. Ang braso niya, dumikit sa matigas nitong dibdib kaya nagwala nang todo ang kanyang puso.

Oh my goodness, his perfume is just so masculine, so...so sexy and—

"Careful, love." He said in a gentle and concerned tone.

Napalunok si Astrid. Bigla siyang nagbalik sa katinuan at agad na umayos ng tindig. Tinulak niya ito saka siya humakbang palayo. That's wrong. What happened is just freaking wrong!

Mariin niyang inigting ang kanyang panga at iniwas ang malamig niyang tingin mula rito bago siya tumikhim. "D—Don't call me that way, Captain Guevarra."

"Captain Guevarra?" He chuckled softly before he folded his arms in front of his chiseled chest. "And since when did I become restricted to call you that way?"

Naningkit ang kanyang mga mata at inis siyang natawa. "Gago ka? Naumpog ka ba at nawalan ng alaala? May boyfriend ako for your information at ayokong marinig ka niyang tinatawag akong..." 

Hindi niya maituloy nang naging makahulugan ang pagtitig nito kasabay ng pagtaas ng kilay nito sa kanya. "Boyfriend? Hmm." His brows furrowed, the corner of his lips curved upward in a meaningful way. "You mean the fake one? 'Cause clearly you ain't referring to me since—"

"Since hindi na kita boyfriend, remember?" Hindi niya napigilang putol sa sinasabi nito ngunit imbes yata matinag, kumislap pa ang mga mata nito.

Nagwala lalo ang dibdib niya nang gumalaw ang panga nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabilis kinain ng malaki nitong hakbang ang kanilang pagitan hanggang sa madama niya nang tuluyan ang palad nito sa kanyang likod, ang kanilang mga katawan ay lumapat sa isa't-isa.

"You're right." His penetrating pools darkened as it gazed down her parted lips. "I'm not. Matagal na 'di ba?"

She gulped. Nakadama siya ng kirot sa sinabi nito pero totoo naman, hindi ba? Matagal na silang hiwalay dahil iniwan siya nito nang walang pasabi.

He left her and broke her heart. She needs to remember that.

Tumalim ang tingin niya kay Croft. Sinubukan niyang itulak ang dibdib nito ngunit hindi man lamang ito nagpatinag. Para itong pader na walang balak umalis sa kanyang harap, at imbes na indahin ang pagtulak niya, kinulong pa nito ang kanyang baywang sa mga palad nito.

She gasged for air and held it in her mouth when he gently squeezed her waist. His eyes quenched a little as it twinkled with emotions she's so familiar with...at nasasaktan siyang mapagtantong kilala niya pa rin ang mga emosyong iyon.

His face lowered until there's no more enough space for her to breathe properly. Dumaplis ang tungki ng ilong nito sa kanyang namumula nang pisngi, at nang magpakawala ito ng  kaunting hangin, naglaro sa kanyang ilong ang mabango nitong hininga.

Her eyes suddenly drifted down his parted lips. Oh she's too knowledgeable of how soft those pair of lips are...and how fucking good those are when branding hers.

Bigla siyang napalunok nang makita ang pagguhit ng multong ngiti sa mga labi ni Croft bago nito nilapit ang mukha sa kanyang tainga.

"Tell Andrade I don't let other men enjoy what's mine." He squeezed her waist once more in a controlled but with a hint of warning way before he pecked one gentle kiss on the side of her face. Nagwala nang todo ang kanyang puso at ang katawan niya ay tila namanhid. 

"Your captain doesn't share..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status