"I don't want to stay here anymore Mom, please let's go back to Canada." He said. His eyes are almost begging and it is too painful for me to see that. "I don't want to see you cry anymore."Nararamdaman ko na ang paninikip ng aking dibdib. Caius shouldn't be suffering like this pero kapag bumalik kami ng Canada at hindi hinarap ang mga problema hindi ito matatapos. Darating ang araw na muli itong babalik sa amin kaya ngayon pa lang gusto ko nang tapusin lahat ng 'to. Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magtatago at lalayo. Kailangan ko nang harapin ang lahat ng mga taong involved dito para makapamuhay na kami ng tahimik. Running away won't help us. Lalo lang hindi mareresolba ang problema. Inabot niya ang kamay ko. Nangilid ang mga luha ko nang maramdaman ko ang mainit nyang palad na marahang pumisil sa akin."I don't want o see you hurting again, Mommy. We can stand without him, right? We are okay even before we came here." May kasalanan ang tatay niya sa akin pero meron
Sa nanginginig kong mga paa walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kanya. Una kong tiningnan ang vitals nya. He is unconscious but I can still feel his pulse. I am shaking but I have to stay calm and attend to him. Hindi ako pwedeng mataranta."We need air, please move everyone." Mahina kong sabi na narinig naman ng kapatid niya kaya ito ang sumigaw sa mga taong gustong makiusyoso."Move away people!" Malakas nitong sabi na kulang na lang ay itulak ang mga taong nakapalibot sa amin. May mga lalaking nakaitim ang syang humawi sa mga tao. Tiningnan ko kung saang parte ng katawan nya nanggaling ang dugo. Maingat ko syang ginalaw. May tama sya ng baril sa tagiliran at sa bandang hita. I need handkerchief to stop the bleeding. "Kuya, panyo." Sabi ko kay Kuya Gustavo. May kinuha itong panyo sa bulsa niya at yun ang binigay sa akin. Tinanggap ko pero maliit ang panyo. Naalala ko ang panyo ni Caius na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito at yung ang pinandugtong ko para pantali sa hita niya.
Pauwi na kami ng anak ko. Parehas kaming dalawang tahimik sa loob ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi pa dumating ang mga kapatid na lalaki ni Kuya Gustavo nung dumating sila ni Kuya William at Kuya Ethan. Si Kuya Gaston lang at ang mga tauhan nila ang nandun. Lumabas daw si Cleo kasama ang bodyguard nya para bumili ng pagkain. Si Kuya Gaston hindi naman nakakita hindi niya alam na nandun ang anak ko. Nagtanong lang daw ito kung bakit may bata at sinagot lang nila Kuya William na anak ng kaibigan nila. Halos takbuhin ko na ang distansya namin kanina ni Caius nung sinabi nitong nakatingin sya sa tatay niya. Tama nga dahil pagdating ko doon nakatayo ito ilang dipa mula sa kanyang ama. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Galit pa rin ako sa kanya pero may parte sa puso ko na naawa nung nakita ang angyari sa kanya.I hope he's fine."He is okay Mom, right?"Malayo na ang tinakbo ng sasakyan pero ngayon lang nagsalita ang anak ko. Tumingin ako sa mga mata niya
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Nagising ako sa marahang haplos sa noo ko at sa nag-aalalang boses ni Caius. "Mommy, please wake up." My son said softly. "She's going to be okay, Ody." Narinig kong sabi ni te Chichay. "The doctor said she just passed out.""This is why I don't want my mommy to cry. I don't want to see her like this again."Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata at ang nag-aalalang mukha ng anak ko at ni Ate Chichay ang bumungad sa akin. "Mommy!" Agad na yumakap ang anak ko sa akin. Si Ate Chichay ay tinulungan din akong maupo. Niyakap ko lang si Caius at Ate Chichay. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang mga kapatid niya at nakatingin lang sa akin.Muli na naman akong naiyak, naalala ko naman ang kalagayan niya. Ang sabi ng doktor maayos naman sya nung umalis kami ah, bakit bigla na lang naging ganito. "Ate Chay, A-ate, si Ford Ate."Para akong batang yakap si Ate. Natatakot bumitaw at kumukuha sa kanya ng lakas. Umiiyak din si Ate pero
" Y-yes Mom, I w-want to m-meet h-him. I want to meet my, Dad."Hinawakan ko ang aking anak at dahan-dahan ko siyang pinihit paharap kay Ford na ngayon ay punong-puno na ng luha ang mga mata. Another set of tears pooled in his eyes but I saw happiness as he looked gently at Caius. Marahan kong hinaplos ang likod ng bata."Cai, he is your father." Mahinahon kong sabi sa kanya.Hindi siya gumalaw ngunit mataman siyang tumitig sa mukha ng ama niya. Ang mga luha ay patuloy pa ring nahuhulog sa mga pisngi niya. Isa-isa niyang tiningna ang bawat bahagi ng mukha ng daddy niya. Mula buhok, mata, ilong, labi hanggang sa muli itong humikbi. Kasunod nito ang dahan-dahang paggalaw ng kanyang balikat habang umiiyak. "I'm so sorry if it took me this long to introduce you to your dad, anak." Hindi ko na rin mapigilan ang mga hikbi ko. Ibinalik ng anak ko ang kanyang tingin sa akin. " I'm so sorry if Mom took time to find the courage. I hope that you can forgive me on this Cai. I hope you will not
"Si Apollo nasa emergency room."Para akong napako sa kinatayuan ko pagkarinig sa sinabi ni Kuya Derick. Pagtingin ko kay Ford ay naguguluhang ang mga mata nitong palipat lipat ang tingin sa akin, kay Caius at sa dalawang batang buhat ni Kuya Gaden at Kuya Nate. Ang ibang kapatid niya ay nagulat din. "Mommy!?Mom!" The two kids are crying. Sinalubong ko silang dalawa pero di na sila binigay ng mga Kuya sa akin. "Puntahan mo nalang muna si Apollo."Sabi ni Kuya Gaden. Si Caius naman ay agad na nilapitan ang mga kapatid. Sya na ang nagpatahan sa dalawa. "Hey stop crying, Kuya' s here." "Bakit anong nangyari kay Apollo Kuya?" Tanong ko. Ang kaba ko ay di ko na mawari. "Nakagat si Apollo ng bubuyog.""Oh God." Natataranta na ako. "Nasa labas silang tatlo naghihintay na bumalik kayo, kasama si Nana Selma nang bigla na lang umiyak si Soleil. Namumunga kasi ngayon ang mga mangga kaya madaming bubuyog. Hindi ko alam na pati si Apollo ay allergic din pala. Mabuti na lang at narinig namin
Warning: Contains sensitive scenes. Please read responsibly."Is this how you want us to end up, P-pangit?" Agad na nabasag ang boses ng anak ko pagkasabi ng mga salitang yun. Nandito kami sa silid ni Ford dahil muli na naman itong nawalan ng malay. Kaming dalawa lang dahil ang mga kapatid niya ay kinuha ni Ate Chichay at Kuya Gustavo. "You're so pangit. You're so weak. That's not how I pictured you in my brain. I imagined you as someone strong, hard, determined. Someone who is tireless, patient, insistent and most of all stubborn."Tuluyan na itong umiyak. Inabot niya ang kamy ng daddy niya at maingat itong hinawakan. Nung nawalan ng malay si Ford kanina at kinuha ng mga doctor labis itong umiyak."I've waited for years to see you because I am mad at you but why like this? Why are you giving up that easy? You want to give up without putting a good fight for all of us? You will just give up just like that? Are you just making this drama so you can get away with my questions?""I ha
Kuya Mackoy didn't show up after that day. Tumawag lang ito sa akin para ipaalam na saglit siyang mawawala dahil may aasikasuhin sya. Hindi na ako nagtanong dahil ganun naman talaga si Kuya, nawawala tapos bigla na lang magpapakita. Wala din akong balita sa kung anong nangyari kay Doc Ralph at kay Aurora. Basta ang sabi lang sa akin ni Kuya Gustavo siya na at ang mga kaibigan ni Kuya Mackoy ang bahala sa lahat. Hindi na umalis ang mga bata sa tabi ng daddy nila. Si Apollo bagamat hindi masyadong nagsasalita ay hindi na rin nagsusungit. Nung magising si Ford nag-usap na sila na silang dalawa lang. Nung tinanong ko si Apollo kung ano ang napag-usapan nila ng Daddy niya ayaw niya naman sabihin sa akin. Alam na rin ng mga magulang niya ang tungkol sa mga bata. Nakilala na rin nila ako pero hanggang doon na lang muna. Busy ang lahat ngayon sa paghahanda para sa operasyon ni Kuya Gaston sa mata. Hindi pa nakakalakad si Ford. May nurse na nag-aasikaso sa kanya pero sinusungitan nya ito. K