Share

Chapter 2

"Gaga ka talaga Sky tingnan mo nagalit si Pogi."

Saglit pang nagloading ang utak ko pero nang makita kong naglalakad na si Pogi palabas nang kainan bigla akong nahimasmasan. Sa lagay ba aalis na lang siya nang hindi ko man ang nakilala? Aba'y! Hindi pwede! Hindi ako papayag na basta na lan siya aalis, kaya ang ginawa ko ay hinabol ko ito.

"Sir! Sir! Wait lang!" Hinawakan ko ang kamay niya pero masungit itong tumingin sa akin. Nakataas pa ang isang kilay. 

"Woi! Grabe ka naman, sobrang seryoso mo po. Sorry na, load po ba hanap niyo? Meron po akong load dito." Dali-dali kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko kahit hindi pa ito sumasagot. Magkasalubong pa rin ang kilay nito pero hindi ko na pinansin. "Number po? At magkano?"

Hindi ito sumagot, sa halip nalipat ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"Let go." Malamig nyang sabi.

Sungit naman! Para hawak lang eh. 

Pero agad ko ding binitawan ang kamay niya at baka umigkas ito at mabigwasan ako. Mukhang legit pa namang yung pagka masungit niya. 

"Sorry po." Maliit akong ngumiti sa kanya pero hindi nagbabago ang tingin nito sa akin. 

"Para makabawi ako sayo libre na lang kita ng kikiYum ko. We have special offer here, Kiki-Yum overload with fish and vegetable balls of your choice and unli bj."

"What!" Masungit niyang tanong sa akin. 

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Buboy kaya pilya akong ngumiti sa kanya. 

Uy si pogi dirty minded!  Hmmm.

"Hindi yun yung bj na nasa isip mo, bj yun for fresh buko juice, ikaw ha." Mahina kong tinampal ang braso niya pero mukhang hindi niya ito nagustahan dahil lalo lang itong sumimangot. 

Ang hirap naman pasayahin ni pogi. Ang mahal ng ngiti. 

"Tara pasok ka muna, I swear hindi ka magsisisi. Masarap ang kiki-Yum ko, ako mismo ang nagtitimpla nyan. Tsaka fresh from the coconut tree yung buko juice ko, ako din kumuha nyan."

Nakatingin lang ito sa akin. Ang kulay asul niyang mga mata ay salat sa emosyon. Nakatikom na ang bibig na lalong nagpapadepina sa kanyang panga. 

Gwapo talaga. 

Mukhang foreigner. Pero teka nakakaintindi ba ito ng tagalog?

"Senyorito, sit down." Si Kuya Buboy na ang sumalo sa akin. 

Para naman makabawi ako, dali-dali akong pumwesto sa food cart ko kung saan ako ngluluto ng kikiYum. Gusto ko mainit yung esi-serve ko na kikiYum sa kanya. Pambawi.

"Kuya Buboy, libre ko na 'to para sa Senyorito mo." Nakangiti kong sabi kay Kuya Buboy at nagsimula nang magluto. Tumayo naman ito at pumunta harapan ko. Hinili niya pa si Pogi para tumingin sa niluluto ko. Syempre ako naman, nagpakitang gilas. 

Pakitang gilas eh, nagprito lang naman ng kikiYUm! Pero syempre nagluto na rin ako ng fishball. 

Simple lang itong mga niluluto ko pero dinarayo ito dito sa amin. Ako ang may timpla niyan, may secret recipe ako para dyan kaya binabalik balikan. 

Ilang minuto lang ang paghihintay nila at naluto ko na ang kikiYum at fishballs. "Kuha na Kuya Buboy. Eat all you can. Kayo na din bahala sa sawsawan na gusto niyo."

Tiningnan ko si Pogi, bagamat hindi ito nagsasalita kita kong nakatingin ito sa kikiYum na nasa harapan niya. Si Kuya Buboy ay nagsimula nang kumuha.

 "Senyorito, get."

Alanganin itong tumingin kay Kuya Buboy. Mukhang ito ata ang unang beses na makakain si pogi ng kiki-

"Senyorito, taste."

Hindi na ako nakatimpi at ako na ang kumuha ng kikiYum sabay bigay sa kanya. 

"Malinis 'to, ako ang  gumawa."

Kita ko ang pag-aalangan niyang tanggapin ang kikiam na hawak ko kaya ako na ang umikot para ilagay sa kamay niya. 

"Try my kikiYum, promise you won't regret it." En-ingles ko na at mukhang hindi ata siya gaanong nakakaintindi ng tagalog. 

"C'mon, Sir." I said urging him. Kumuha pa ako ng isa sabay subo sa bibig ko at nakangiting ngumunguya nang nakatingin sa kanya. "Mmmm, masarap." 

Saka pa nito tinanggap ang kikiam na hawak ko. Tiningnan niya pa itong maigi bago ito kumuha at sumubo. 

Excited akong makita ang magiging reaskyon niya pero poker face pa rin ito. Pero kahit ganun, gwapo niya pa rin tingnan. Yun bang kahit ang sungit ng mukha niya, apaka pogi pa rin. 

"Senyorito, good?" Tanong ni Kuya Buboy sa kanya. Hindi man ito sumagot pero nakita ko ang simpleng pagtango niya. Hindi ko na napigilan ang muling mangiti sa kanya. 

Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at kinunan sya ng picture. Hindi ko alam kung napansin niya ba pero kita ko ang pagsimangot nya. 

Pati picture damot pa rin? 

"I told you, it's good. That's my special recipe." Pagyayabang ko sa kanya. Dinagdagan ko pa ang kikiam na nasa lagayan niya pero dedma pa rin tio sa akin. 

"What's your name Sir? It's the first time I see you here. You are Senyor Gideon's son?" Palakaibigan kong tanong sa kanya, matamis pa akong ngumiti pero wala pa rin itong reaksyon. 

Mukhang china-challenge ako ni Sir pogi ah. Hindi niya ata na persistent ako. 

"By the way my name is Sky. Isang hi naman dyan Senyorito. Pwede niyo po bang bigyan ng review ang kikiYum overload ko at unli bj for 69 pesos?"

He took a glanced with one brow shut, then he continue eating like he didn't hear anything from me. 

Ang sungit talaga pero di bale, ganyan yung mga gusto kong lalaki. Yung tipong gwapo na masungit at tahimik. Mga tipong hard to get pero easy to use.

Wala pa akong boyfriend pero marunong akong kumilatis. At itong si Sir pogi sigurado akong type ko. Yung mga tipo nya ang gusto ko. Kahit pa hindi ito mayaman. 

"Smile naman dyan Sir. Libre po ang ngumiti." Hindi siya umimik. Nagpatuloy lang sa pagkain pero nanatiling nakasampok ang mga kilay niya.

"Wag na nga lang pala kayong ngumiti. You look more handsome when you frown." Masungit niya akong tinaasan ng kilay pero pilya ko lang syang kinindatan. 

Ako pa ba? Si Sky ata 'to, ang batang hindi basta basta sumusuko. 

"And hotter when you smirk." I added and I saw how his mouth parted. Muntik pa itong mabulunan sa hirit ko. 

Si Kuya Buboy naman ay di na mapigilan ang matawa dahil sa kakulitan ko. 

"The heck are you saying woman?"

 Gusto kong mangiti. Pero syempre pinigilan ko na baka makulitan sya sa akin at totohanin niya ang pag-walk out. 

Hindi ko na siya kinulit, kumuha ako ng buko juice at binigay sa kanila. "Unli Bj for you Sir.  Especially made for you. I'm sure you'll like it."

Si Kuya Buboy at pangiti ngiti lang sa akin. Yung uri ng ngiti na may halong panunukso. Syempre ako din kinikilig pero si pogi deadma pa rin. 

Hindi na ako bumalik sa kusina, dito na ako nagluto sa foodcart ko. Maya maya lang darating na ang mga suki kong mga driver kailangan may mga nakahanda na akong kikiam para sa kanila.  

Tiningnan ko ulit ito, mukhang nae-enjoy na niya ang pagkain ng kikiYum ko. Kumuha pa ito ng fishballs at sinubukan ang mga sauce na may secret recipe ko din. 

Bigla kong naalala na gusto niya pa lang magpa-load kaya kinuha ko ulit ang e-loader ko sa aking bulsa. Pero syempre ang dahilan talaga ay gusto kong makuha ang number niya. Mindset ba!

"Sir, you want load?" Pinakita ko ang cellphone sa kanya. 

"Load?" Tumingin ito kay Kuya Buboy. Si Kuya Buboy naman at nagpaptulong na tumingin sa akin. 

Oh, ano nga bang tawag ng load sa kanila?

"Prepaid? Recharge? Data? I don't know what you call this but here in the Philippines we call this load."

Hindi niya ako sinagot pero bigla itong tumalikod at may kinuha sa loob ng sasakyan nya.

Doon naman nabaling ang tingin ko sa pang-upo niya. Ilang beses akong napakurap. Woah! Ang sexy ng pang-upo ni Kuya. Bakat na bakat sa pantalon niya. 

Sana ol pantalon! 

"Salamat Sky ha, lisod kaayo storyahon ni si Senyorito uy, englis man gud. Pero kahibaw man daw ni siya magtagalog gamay ra." [Salamat Sky, ang hirap kasing kausapin ni Senyorito, english kasi. Pero marunong naman daw itong managalog konti.] 

Ngumit lang ako kay Kuya Buboy. Hindi din naman kasi ako ganun kagaling mag-ingles. Nakakapagsalita lang pero hindi matatas. Sakto lang para makasagot kapag tinatanong ako.

"Suplado ra na siya tan-awon pero buotan baya na. Di pa jud na dalo. Ning-anhi ra na siya kay gusto daw magbakasyon kadyot. Sunod semana mubalik na pud na sa Amerika, wa pa hibaw-e ug kanus a na pud siya mubalik." [Suplado lang yan tingnan pero mabait yan saka hindi madamot. Umuwi lang yan dito para magbakasyon. Uuwi din yan sa Amerika sa susunod na linggo. Baka matagalan bago makabalik yan dito.]

Parang bigla akong nalungkot sa sinabi ni Kuya Buboy. Mukhang wala atang chance na mapansin niya ako dahil uuwi din pala siya agad sa kanila. 

Hindi rin nagtagal bumalik si Sir pogi  sa amin. Kinuha niya pala ang cellphone at pitaka niya sa sasakyan nila. 

"Silpon number Senyorito." 

Binuksan nito ang iphone niya at pinakita ang numero nya sa akin. Ako naman, syempre matik na! Autosave agad ang phone number niya. Pero syempre yung hindi halata. Pwede naman sigurong textmate kami o di kaya phonepal diba? 

Pagtingin ko sa kanya nakatingin din pala ito sa cellphone ko. Nakita niya  kaya na ni-save ko ang number niya?

"How much, Sir?"

"Five hundred." 

Ay wow! Bongga naman ni Sir Pogi magpa-load. Agad kong nilagay ang amount at napangiti ako ng tumunog ang phone niya. Hudyat na natanggap niya na ang load.

"Thanks." Dumukot ito ng card at binigay sa akin. 

Card? Anong gagawin ko sa card? Naguguluhan akong tumingin sa kanya. 

"I don't have cash, take the amount from here including the payment for the food." Nilagay niya ang card sa harapan ko.

"Ay wala kaming para sa card dito, Sir. Cash la--"

Pero hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil nakita kong humawak ito sa tiyan niya.

 "Fuck!"

Sunod kong nakita ang namumuong pawis sa kanyang noo. Magtatanong sana ako kung may masakit ba sa kanya pero biglang tumunog ang cellphone nya. 

"Yes Kuya." Bungad nito sa tumawag. Ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa tiyan niya. Mas dumami na rin ang butil ng pawis sa noo nya. Ang huling kikiYum na kinain niya ay hindi niya na naubos. 

Pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko na yung stick na hawak niya ay nandun sa binababaran ko ng sandok. 

"Senyorito, okay?"

"O-ouch! My stomach." Narinig kong tumunog ang tiyan niya. 

Pagtingin ko kay Kuya BUboy nakita din nito ang kikiYum na naka babad sa babaran ng sandok. Parehas kami ng iniisip. 

"Patay na Sky!"

Bakit naman kasi sa dinami daming pwedeng sawsawan yung, sa babaran ng sandok pa talaga ang sinawsawan niya?

"Wait Kuya, my stomach hurts."

Gosh! Mukhang sensitive ang tiyan ni pogi. Pero malinis naman itong niluto ko, tsaka lahat ito bago. 

Sa pagkakataong ito hindi niya na maitago ang sakit ng tiyan niya.

"We're leaving now? I'm with Buwboy."  Sagot nito sa kausap pagkatapos nakita kong nagbago na ang reaksyon nito. Mukhang lalong sumakit ang tiyan nito dahil namimilipit na ito sa sakit at kulang na lang ay umupo.  Pagtingin ko sa braso niya nanayo na ang mga balahibo doon. 

Alam ko yung pakiramdam na ganun, yung naje-jebs ka na at kulang na lang ay lalabas na ang etats sa wetpu mo. 

"Sir, okay ka lang? Naje-jebs ka ba?"

Hindi niya ako sinagot pero masungit niya akong tinapunan ng tingin.

"May CR kami di--"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tumalikod na ito. 

"Wait for a bit Kuya, I'm coming. Buwboy, let's go." 

Pagkatapos nagmamadali at halos takbuhin na nito ang pagpasok sa loob ng sasakyan nila nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. 

"Anong nangyari doon Sky? Ba't nagmamadali?" Pati si Lotlot ay lumapit na din sa akin. Ang mga taong kumakain ay napalingon din sa sasakyan nila. 

"B-bye, senyorito." Kumaway pa ako kahit alam ko namang hindi ito nakatingin sa akin. Pinaharurot ni Kuya Buboy ang sasakyan nila at ilang minuto lang ay nawala na ito sa paningin ko. 

Kahit wala na ang sasakyan nila nakatingin pa rin ako sa kalsada. Unang crush ko pa lang na heart broken na agad ako. Ang saklap naman. 

Hindi man lang siya nagpakilala sa akin. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Kahit sana pangalan man lang. Sayang. 

Malungkot akong bumalik sa cart ko pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang card niyang naiwan doon. 

Kinuha ko ito at binasa ang pangalang nakalagay doon. 

HUNTER COLE SANDOVAL

__________________________

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Carlyn Samillano
hahahaha sa dami ng sawsawan doon kapa talaga sumawsaw sa pinagbababaran ng sandok hunter.
goodnovel comment avatar
Lhaine🤎💖🤎💖🤎💖
hunter naman kasi bat dun sa pinagbababaran ng sandok ka sumawsaw?? haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status