Share

40

Dali dali akong tumayo at lumabas kaagad sa madilim na selda na 'to. Hindi pa man ako nakakalayo sa paglalakad ay kaagad na tumulo ang luha ko. Parang nasaksak yung puso ko dahil sa mga nalaman ko ngayong araw. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Naghalo na sa sistema ko ang sakit at emosyon sa aking dibdib. Kaagad kong pinahid ang luha ko. Hindi ko na inisip ang itsura ko. Masyado akong nilalamon ng sakit.

Madilim ang paligid. Kasabay non ay siyang pagdilim ng puso ko. Masyado akong naiinis. Masyado akong nasaktan. Kahit anong pilit kong alisin sa isip ko na huwag umiyak ay kusang pumapatak ang luha ko.

Hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na yung taong nagkunwaring tumulong ay siyang may kasalanan ng lahat ng 'to. Hindi ko masikmura ang mga nalaman ko. Ang akala ko ay hinahanap niya si Papa pero mukhang malabo. Tanginang panot na 'yan!

Napasigaw ako sa inis. Nasabunutan ko ang sarili ko at napaluhod sa sahig.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status