Share

Kabanata 8: PREGNANT

Enver’s POV

Inalis ko na sa isipan ko na baka nga kabit ng Daddy ko si Sayna. Pero sa tuwing nakikita ko na nag-aalala siya at iba ang tingin kay Sayna, bumabalik lahat ng galit ko at mas lalo kong gustong agawin sa kanya ang lahat. Inaasahan ko na may importante siyang sasabihin sa aming dalawa, pero hindi ko alam na iyon lang pala. Gumagawa lang siguro siya ng paraan para makasama ang asawa ko. O baka may iba pang dahilan ang pag-uusap na ito dahil alam niyang sa oras na mapikon ako, alam ni Daddy na aalis ako at walang mapaghihinalaan kung maiwanan silang dalawa.

“Mr. Clinton, iniisip pa rin talaga ni Enver na may relasyon tayo. Hindi pa rin pala nawawala sa isipan niya ‘yon,” problemadong tinig ni Sayna.

Kaya naman hindi ako umalis. Nagtago ako sa likod ng pader at balak pakinggan ang kanilang usapan para malaman ko na kung anong tinatago nila sa akin.

“I’m so sorry, Sayna. Pero hindi ko alam kung bakit niya iniisip ‘yon. Malamang sinasabi niya lang ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status