“Milan!” Nilapitan ako ni Dashiel at agad na niyakap. “I can’t believe that I will be able to see you here.”Alanganin akong ngumiti kahit ang totoo ay naiilang ako.Well, hindi ako close sa mga kaibigan ni Enver noong nagsasama kami. Nakikihalubilo lang ako sa kanila kapag nasa bahay sila pero maliban doon ay hindi na kami nabigyan ng pagkakataon para makapagharap.Pero ang lalaking ito ay feeling close talaga kaya naiilang ako sa tuwing yayakap siya sa akin kapag bumabati.“It has been a long time, huh?” Kumalas siya ng yakap sa akin. “The last time I heard about you is that you left Enver.”“Yeah,” sagot ko. “Have a seat.” Mukha naman kasing hindi niya ako tatantanan kaya hahayaan ko na siyang magtanong kung ano ang gusto niyang itanong at magkwento. “May kasama ka ba na pumunta dito?”Umiling siya pagkuwa’y naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko. “I am alone today.”“Oh, great.” Iniabot ko sa kanya ang tablet. “It looks like we will be staying here for a long time so order some
At habang nag-eenjoy kami ni Dashiel sa dessert ng restaurant na ito ay naisipan ko nang mag-order para sa take out na ibibigay ko kay Castiel.Siguradong sa mga oras na ito ay nagta-tyaga lang iyon sa light snacks dahil hindi pa siya makakakain sa dami ng trabaho niya.“You are still not full?” tanong ni Dashiel matapos kong pumili ng ite-take out. “Ang dami na ng nakain mo dito ah.”Natawa ako. “That is not for me,” sabi ko. “It is for Cas. Siya ang nagturo sa akin sa restaurant na ito at ibinigay niya sa akin ang reservation niya dahil marami siyang trabaho.”“Oh.” Tumangu-tango siya at napatitig sa akin na ikinakunot ng noo ko.Para kasing may kahulugan ang titig niyang iyon. Iyong parang may bigla siyang na-realize.“Dash?” tawag ko sa kanya. “May dumi ba ako sa mukha?”Ngumiti siya at umiling. “I just realized the real accomplice of fate.”Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. “What do you mean?”Muli siyang umiling-iling. “Nothing. I was just talking to myself.”“O-okay.” Well,
Enver Andrius’ Pov“I feel like I was living in the past,” mahina kong sabi habang nakatingin kay Milan na abala sa kanyang pakikiusyoso sa mga nagtu-tune up ng makina ng isang sports car. “Hindi mo ba talaga pinlano ito?” Bumaling ako kay Dashiel na nasa tabi ko at nakatingin din kay Milan.“Ilang beses ko bang sasabihin sayo?” aniya. “Hindi ako ang nagplano nito. Ang tanungin mo ay si Castiel dahil siya ang tumawag sa store para mag-place ng reservation at siya din ang nagbigay ng reservation na iyon kay Milan.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Si Casty?”Tumangu-tango siya. “Though, I was thinking that she only gave that reservation to Milan in the hope that she would meet Lancelot there and not me.”Sina Ferry at Castiel lang ang kaibigan ni Milan. At ginawa ng dalawang ito ang lahat upang itago sa akin ang babaeng iyan.Nandoon pa ngang ginamit ni Ferry ang pangangailangan ko ng malaking halaga para maitayo ang Raiden upang siguruhin na hindi ako gagawa ng kahit ano para hanap
“Dash!” Hinila ko si Dashiel papunta sa isang car booth na natanaw ko, hindi kalayuan sa pwesto namin kanina at napangiti ako nang makita ang emblem ng Anox. “Doon tayo.”Nakita kong sumunod naman sa amin si Enver kaya hindi na ako nag-abala pa na hilahin siya.Sa totoo lang ay na-miss ko talaga ang pakiramdam na magpunta sa ganitong lugar.Kapag nagkakaroon ng libreng oras si Enver noon ay sa mga car racing event kami nagde-date dahil iyon ang pareho naming pinagkakasunduan.May mga pagkakataon pa noon na kasama namin sina Ferry at Dashiel na talagang sumasali pa sa racing. Habang si Castiel ang kumukuha ng mga litrato namin.Now that I realize that, everything changed when Enver decided to stay and handle their family business that was only stationed here.Hindi lang ang relasyon namin na nasira nang dahil sa ginawa niya. Maging ang pagkakaibigan namin.Natigilan ako bago pa man kami tuluyang makarating sa booth ng Anox.“Milan?” Tumayo sa harap ko si Dashiel kaya napatingin ako sa
Enver Andrius’ PovWala kaming nagawa ni Dashiel kung hindi ang sumunod na lamang nang hilahin ni Ferry si Milan papunta sa kung saan.Inaasahan ko na naman na narito siya dahil nga hilig niya talagang sumali sa mga ganitong klaseng event pero mukhang hindi niya inaasahan na makikita niya dito si Milan.Nang makarating sila sa loob ng tent ay hindi niya kami pinayagang pumasok. Importante daw ang pag-uusapan nila and it has nothing to do with either of us.Hindi naman ganoon katagal ang naging pag-uusap nila. Nakita ko lang ang mga sandaling pagkainis ni Ferry ngunit sa huli ay niyakap niya si Milan na para bang matagal din silang hindi nagkasama.“That is my fault, right?” sabi ko kay Dashiel habang nakaturo sa dalawa na para bang miss na miss ang isa’t-isa.Walang pagdadalawang-isip na tumango ang kaibigan ko. “Kung hindi mo binabantayan ang kilos ni Ferry or Castiel, malaya sana nilang nakakasama si Milan kung saan mang lugar siya nagtatago.”Napakamot ako ng ulo. “Can they blame m
Enver Andrius’ PovWe are currently at the restaurant just outside the Arch Fend and Adze chose to reserve the whole place to make sure that no one will get inside as long as we are here.Two years ago, nang malagay sa alanganin ang buhay ni Lancelot dahil sa isang bagay na nilikha niya. Maraming tao ang naghangad nito at ang ilan nga ay pinili na kitilin ang buhay niya.Ang mga taong iyon ay nagbayad pa ng mga hired killer para siguruhin na mamamatay ito.Kaya naman ganoon na lang karami ang mga bodyguard na kasama nito tuwing nagpupunta ito sa mga lugar na masyadong maraming tao.Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit sobrang ingat nila sa mga nakakahalubilo nito.“So?” Tumaas ang kilay ni Adze pagkuwa’y itinuro si Milan at tumingin kina Ferry. “This woman is your friend.”Agad tumango sina Dashiel at Ferry.“And she admires Lance because of the cars that he creates,” paglilinaw pa niya na muling tinanguan ng dalawa. “And she is not interested in him? She just hugged him because she
I do not come from a poor family. Both of my parents had their own job and they gave me everything I needed. Hindi naman nila napapabayaan ang bills sa bahay at hindi kami nauubusan ng pagkain. At kapag may extra ay ibinibigay nila iyon sa akin para ipunin kung sakali man na may gusto pa akong bilhin para sa sarili ko.But mostly, they only focus on things that are a necessity for our daily lives. They never bother to think of having their own car so they don’t have to commute to their work.Well, because they think that it is just another liability for them and they will only waste money to keep maintaining it.Iyan ang kinalakihan ko.Kaya nang mawala sila at naiwan akong mag-isa, with only enough funds for my college and bills, I also think about what is necessary to spend every money that I have.Hindi ako gumagastos para sa mga bagay na alam kong hindi ko naman kailangan. Kahit na gaano ko pa kagustong makuha ang isang bagay.At nang magsimula akong magkainteres sa mga sasakyan a
“What are you doing here?” tanong ko kay Adze.Prente na siyang nakaupo sa mahabang sofa habang si Lancelot naman ay bumati pa at nakipagkamay kay Enver bago naupo sa tabi nito.“As I said, we are here for your proposal,” walang gana ni Adze.“But—”“You already have it, right?” Inilahad niya ang kamay sa harap ko. “Let me see it.”Nagdadalawang-isip ako kaya bumaling ako kay Lancelot at tumango lamang ito kaya wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at ibinigay sa kanya ang tatlong folder na naglalaman ng mga ideya na siyang gagawin ng Raiden para mabenta ang mga kotseng isu-supply ng Anox sa amin.“Sorry about him being this kind of demanding,” sabi ni Lancelot habang hinahayaan si Adze na basahin ang laman ng folder. “Naka-leave kasi siya sa trabaho niya at hindi sanay na walang ginagawa kaya siya ang umaasikaso ng trabaho ko.”“And you are letting him do that?”Tumango siya at bumaling kay Adze. “What is mine is his so I don’t mind him getting involved in decision-making for