“Good morning!” Iyan ang masayang bungad sa amin ni Ferry nang pumasok siya sa bahay. “Gosh! I can’t believe na magiging magkapitbahay na tayo.” Iginala niya ang tingin pagkuwa’y inilapag ang dalang pagkain sa lamesa. “Are you sure you don’t want me to help here?”Umiling ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga cover sa sofa.Isang linggo na ang nakakaraan nang tuluyan kong ipakilala si Enver kay Millie. At sa loob ng mga araw na iyon ay walang ginawa ang dalawa kundi ang mamasyal kaya naman nag-file muna kami ni Enver ng leave sa trabaho at hinayaan si Mikea na asikasuhin ang mga trabaho sa opisina.At habang may libreng oras ako ay sinimulan ko na ding asikasuhin ang mga gamit na kakailanganin namin para sa bahay na nabili ko.Ngayong araw ang tuluyan naming paglipat dito. Nauna lang ako dahil pinapalitan ko ang mga cover ng mga gamit sa bahay habang si Enver naman ang sumundo kay Millie sa park kung saan ito naglalaro dala na din ang mga damit namin.Ang bahay na ito ay katapat l
“Alam mong kasal na si Ferry?” tanong ko kay Enver nang dumating sila ni Millie.“Oh, yeah.” Ibinaba niya ang mga dalang maleta at ipinasok iyon sa loob ng bagay. “His husband is one of my father’s investors. Kaya nakarating din sa akin ang balita kahit iniiwasan ako ng kaibigan mo.”“Is he a good person?” Nakasunod lang ako sa kanya habang abala siya sa mga maleta namin. “Okay ba siya kay Ferry?”“You know him, Milan.” Tumuwid siya ng tayo at hinawakan ako sa braso. “Hindi pa ba nasabi ni Ferry sayo kung sino ang napangasawa niya?”Umiling ako. “Sinabi lang niya na kasal na siya at fixed marriage ang nangyari pero hindi niya sinabi kung sino.”Bumuntong hininga siya. “They should have told you about this but I guess, they don’t want you to worry about them when you still have things to work out.”“So? Sino ang napangasawa niya?”“Si Lainz.”Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?”Muli siyang bumuntong hininga. “Iyong detective mong kaibigan ang napangasawa niya. Alam mo naman na nasa secu
Tumigil sa pangungulit ang pamilya ni Enver na makilala si Millie at nabigyan ako ng pagkakataon para mabantayan ang mga kilos nila kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Pero dahil kilala ko naman ang mga iyon ay hindi ko pa din hinahayaan na tuluyang makampante sa galaw nila.They are too desperate to have a granddaughter and I am sure, they are going to do everything they can do to get what they want.Lalo na ngayong nagsimula na sa pagpasok si Millie sa kanyang eskwelahan at abala kami ni Enver sa trabaho. Hindi imposible na pumunta sila sa pinapasukan nito.Kaya napagkasunduan namin ni Enver na mag-hire na ng bodyguard para sa kanya. Syempre, sa agency na ako ni Lainz kumuha para sigurado na hindi ito maiimpluwensiyahan ng pamilya ni Enver.Si Castiel naman ang tumulong sa akin para sa mga nakuha naming kasama sa bahay.“Hindi ba parang masyado kang paranoid?” ani Ferry nang makita niya ang tatlong kasama namin sa bahay. “Lahat ng iyan ay kinuha mo para lang kay Millie?”B
We already set everything in our lives. Nasiguro ko na ang sitwasyon ni Millie at hindi na ako mangangamba na bigla na lang magpakita sa kanya ang magulang ni Enver.Kaya naman nagsimula na akong mag-focus sa trabaho ko.Unang bumungad sa akin pagbalik ko sa trabaho ay ang expansion project ng Raiden.“Seryoso ito?” tanong ko kay Enver matapos makita ang proposal ni Lucien. “Hindi ba parang masyado namang mabilis ang desisyon na ito? Kakaumpisa pa lang ng partnership natin with Anox.”Bumuntong hininga siya. “Wala pa talaga sa isip ko ang pagdadagdag ng mga bagong branch pero dahil sa resulta ng partnership na iyon ay dinudumog ang mga existing shop ng Raiden at hindi naa-accommodate ang lahat ng client.”“Nauubusan na din ng spot ang ibang car brand na partner ng Raiden,” sabi ni Lucien. “Kaya mas makakabuti na magbukas na ng bagong branch.”Sa ganda ng promotion ng Anox para sa mga partner nilang dealer, sa promotion ng isang tulad ni Ferry na sikat na Arch Fend racer at sa tulong n
Enver immediately went and talk to the owner of the target land where they want to build the next branch of Raiden. Siniguro niya na ibebenta iyon sa kanya at nang pumayag ay agad na silang gumawa ng kontrata.Matapos noon ay nagkapirmahan na at nagbayaran. Siya na din ang umasikaso ng paglilipat ng titulo sa pangalan ko, maging ang mga taxes papers nito.At nang masigurong nasa akin na nakapangalan ang lupa ay doon naman nila inasikaso ang pagpapatayo ng bagong branch.Si Mikea na ang pinatrabaho niya doon dahil abala naman siya sa ibang kailangang pirmahan sa opisina niya.“You really rush this, huh,” naiiling kong sabi habang nakatitig sa titulo ng lupa na binili niya. Akala ko ay aabutin pa ito ng apat hanggang anim na buwan ngunit magta-tatlong buwan pa lang mula nang ipa-transfer sa pangalan ko ang titulo ng lupang binili niya. “Talagang siniguro mo, noh.”“Of course,” he said. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Baka bigla pang magbago ang isip mo kaya pina-rush ko na.”Napailin
“Mommy!” Agad yumakap sa akin ni Millie nang makita ako sa labas ng eskwelahan niya. “What are you doing here?”Dito na ako dumeretso pagkatapos ng meeting ko kay Engineer Lucas para sunduin si Millie at Reid, tulad ng plano.“I promise to cook for you and Reid today, right?” I said. “So, I got out of my work earlier than usual.”“Hello, Misis Andrius,” bati sa akin ni Reid.“You are so formal, Reid,” natatawa kong sambit. “Just call me Tita, okay?”Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin ngunit tumango din naman siya.“Anyway, I am here to pick you up and to meet Reid’s parents.”Pareho silang natigilan at tumitig sa akin. There was a hint of worry in their eyes, then they looked at each other.“What is it, guys?” I asked.“Mom…” Hinawakan ni Millie ang kamay ko. “Reid’s mom is very mean. Especially to people she doesn’t like.”“And you are saying that because?”Bumuntong hininga si Reid pagkuwa’y tumingin sa akin. “My mom doesn’t want me to
We hired a lot of new sales associates and that helped us with the overwhelming amount of customers in the shops. At dahil doon ay bahagya kaming nakahinga sa dami ng trabaho na kinaharap namin nitong mga nakaraan.At bilang pambawi sa ilang buwan na halos required ang overtime sa lahat ng empleyado ay nag-schedule kami ni Enver ng isang buong araw na company outing.Biglaan lang naman iyon kaya hindi na kami masyadong lumayo pa. Sa isang beach na hindi kalayuan sa city ang pinili naming location. At agad ko din naman naasikaso ang sasakyan namin, maging ang cottage na gagamitin namin pagdating doon.And of course, we let the employee bring their family. Para naman kahit paano ay mabawi iyong mga araw na hindi nila makasama ang pamilya dahil kailangan nilang mag-stay ng mas matagal sa trabaho.“Yah!” malakas na sigaw ni Mikea nang makababa na kami sa sasakyan. “I can finally have a day to relax.”“Are you sure it is okay for us to be here?” tanong ni Castiel sa akin. “This is a compan
Everyone settled to their room at dahil mamayang hapon pa naman magaganap ang ilang event na hinanda namin para sa lahat ay hinayaan muna namin sila na magkanya-kanya sa pag-e-enjoy sa magandang beach.Habang kami ni Enver ay nasa restaurant ng hotel na hindi kalayuan sa dagat at tinatanaw sina Millie at Reid na masayang nakikihalubilo sa ibang bata na kasama ng ibang empleyado.“We finally had time together.” Hinila ni Enver ang baywang ko palapit sa kanya pagkuwa’y ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko. “Sana pala ay noon pa natin ito naisipang gawin, noh?”“Masyadong maraming trabaho nitong nakaraan dahil sa magandang feedback ng partnership natin sa Anox at sa pagla-launch ng bagong payment,” sabi ko. “Mabuti nga at nagawan agad natin ng paraan para mai-organized ang pagdating ng mga bagong kliyente bago pa matapos ang fourth branch ng Raiden.”Maliban sa mga sales associates, nag-hired din kami ng mga sales agent at nag-set up ng mga display sa iba’t-ibang mall para mas lumawa