Share

One Night with the Boss - Chapter 12

One Night with the Boss - Chapter 12

PARANG ibinabad sa suka si Winnie Sena dahil sa sobrang pamumutla. Hindi magkandatuto sa pagpupumilit na ngumiti at magpatay-malisya. Huling-huli na kasi sa akto.

“G-g-good morning, Sir Liam. N-nandiyan na pala kayo…” Hiyang-hiya at walang kumpiyansa ang tono ng matapobreng babae.

May ibang pintuan ang pribadong silid ng company president kaya marahil nakapasok si Liam nang hindi namalayan ni Abigail.

“Say your apologies to Miss Santos—then get out!” Paasik ang utos ng big boss.

Awang-awa naman si Abigail dahil parang mahihirinan si Winnie.

Sa sobrang dami ng mga insulto at panlalait ng ka-opisina sa kanya sa loob ng nagdaang tatlong taon, siguradong magkaka-indigestion ang pobre.

“I-I-I’m s-sorry, Miss Santos…” Halos hindi marinig ang pabulong na apology.

“I can’t hear you. Repeat it, dammit!”

Sabay uling napaigtad sina Abigail

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status