DAHLIA
Nakatayo ako dito sa may labas ng pintuan. Tahimik na umiiyak habang nakikinig sa kanilang dalawa. “Mahirap po ba talaga na pumunta sa Maynila, mom?” tanong ni Kuya Gavin kay mommy.“Bakit naman ako pupunta doon? Para ano?”“Mom, birthday po ni Dahlia. Kahit man po sana pakitang tao ay ginawa niyo.” saad pa ni Kuya.“Wala akong pakialam. Puwede ba hayaan mo ako!”“Ni minsan po ba ay hindi niyo talaga siya tinuring na anak?” Ramdam ko ang hinanakit ni kuya.“Ano na naman ito, Gavin?!” galit na tanong ni mommy.“Just answer my question, mom.” “Sa tingin mo ba talaga ay mamahalin ko ang bastarda na ‘yon?! Hinding-hindi ko siya mamahalin dahil siya ang nagpapaalala sa kataksilan na ginawa ng daddy mo!” sigaw ni mommy.“Pero mahal ka niya. Kahit na hindi mo siya mahal ay mahal ka ni Dahlia. Hindi mo ba puwedeng kalimutan ang lahat. Wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanan ang ginawa sa’yo ni daddy. Kaya sana mahalin niyo rin, kahit hindi na bilang anak. Kahit bilang tao na lang.”“Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Lumabas kana,” utos ni mommy kay Kuya.“Mom—”“Leave, now. Leave!” mula sa pagiging kalmado hanggang sa sumigaw na si mommy.Nanatili akong nakatayo dito sa labas ng pintuan. Hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko. At nang lumabas si Kuya ay nagulat siya dahil nakita niya ako. Sumenyas ako sa kanya na ‘wag siyang maingay. Habang puno ng luha ang mga mata ko. Hinila ako ni Kuya Gavin papunta sa may kwarto niya.“D–Dahli–”“K–Kuya, t–totoo ba ang lahat ng narinig ko?” naiiyak na tanong ko sa kanya.“Dahlia,” malungkot na sambit niya sa pangalan ko.“Totoo ba? Hindi ako anak ni mommy? Kuya, can you tell me the truth? Please,” sabi ko sa kanya. “Dahlia, listen to kuya. Kahit na ano pa ang sabihin ko sa ‘yo lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. At kapatid kita, ikaw ang kapatid ko.” umiiyak na sabi ni kuya sa akin.“Kaya ba hindi ako mahal ni mommy? Kaya ba galit siya sa akin? Sino po ba ang mommy ko?” sunod-sunod na tanong ko kay kuya habang umiiyak.“Patay na ang mommy. Nagpakamatay siya. Ang totoo kasi niyan ay ninakaw ka lang ni daddy at pinalabas niya na patay kana.” Hindi ko inaasahan ang malalaman ko. Ibig sabihin ay wala na pala talaga akong mommy.“Ano po ang pangalan ng mommy ko?”“Cathy Ballarta,” sagot niya sa akin.“Ballarta? Kaano-ano niya si Zio?” tanong ko sa kanya. "Pamangkin niya si Zio at si Mireya ang babaeng mahal ko." Malungkot na sagot sa akin ni kuya.“Kuya, promise me. Hindi mo sasabihin kay mommy na alam ko na ang totoo. Promise me,” umiiyak na sabi ko sa kanya.“Kung ‘yan ang gusto mo.” sagot niya sa akin.“Thank you, kuya. Thank you for loving and accepting me. Thank you so much.” umiiyak ako habang yakap ko si Kuya Gavin."I love you, bunso. Palagi mong tatandaan na mahal ka ni kuya." Sa sinabi ni kuya ay mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.Lumabas si kuya at hinayaan niya akong mapag-isa. Umiyak ako ng umiyak. Ngayon ko lubos na naiintindihan ang lahat. Kung bakit ganun na lang ang pagtrato nila sa akin. Si mommy at si Kuya Axel. Kaya pala galit sila sa akin. Dahil bastarda ako. Anak ako sa labas at sa babaeng kinamumuhian niya. Pinunasan ko ang luha ko. Kinuha ko ang bisikleta ko at pumunta ako treehouse na ginawa sa akin ni kuya Axel. Mula rito sa itaas ay natatanaw ang malawak na pagmamay-ari ng pamilya namin. Kahit pala ano ang gawin ko ay hindi talaga magiging sapat para kay mommy. Dahil hindi niya ako anak. Sa ngayon ay nais kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Gusto kong ilabas ang lahat para kahit na papaano ay gumaan naman itong dibdib ko. “Ano ba ang kasalanan ko?! Bakit ba ako?! Bakit?!” sigaw ko.“Mahirap ba akong mahalin?!”“Ano ba ang dapat kong gawin para tanggapin niyo ako?!”Minahal ko siya, iniintindi ko siya kasi ang buong akala ko ay mommy ko siya. Pero bakit? Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto niya. Pero kulang pa rin. Si Kuya Axel half brother ko lang siya. Alam nilang lahat at ako lang ang hindi nakakaalam.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iyak. Nagising lang ako dahil naramdaman ko na may tao dito sa treehouse. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Kuya Axel.“Bakit dito ka natulog?” tanong niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ako sumagot.“Dahlia, may problema ka ba? Umiyak ka ba?” tanong niya ulit sa akin.“Galit ka rin ba sa akin?” wala sa sariling tanong ko sa kanya.“Hindi, bakit ‘yan ang tanong mo sa akin?” Nagtataka na tanong niya sa akin.“Puwede mong aminin sa akin. Puwede mong sabihin na galit ka sa akin. Alam mo diba? Alam mo?” umiiyak na tanong ko sa kanya.“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.” tanong niya sa akin.“Kaya ba malamig ang pakikitungo mo sa akin. Dahil galit ka? At dahil hindi mo ako tanggap… Hindi mo ako tanggap bilang kapatid mo. Kasi iba ang mommy ko at isa akong bastarda?” may hinanakit na tanong ko sa kanya.Natigilan siya at alam ko na hindi niya inaasahan na malalaman ko ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko pero kaagad kong inilayo ang sarili ko sa kanya.“Let me explain,” aniya sa akin.“Don’t bother yourself to explain. Hindi na kailangan, kuya. I fully understand. Ako kasi ang dahilan kaya nasira ang pamilya niyo. Dahil anak ako ng kabit ni daddy. Anak ako ng isang baliw at anak ako ng babaeng minahal ni daddy. Mas ma-appreciate ko kung itatago mo na alam ko na ang lahat.” sabi ko sa kanya at mabilis akong bumaba sa treehouse namin.Sumakay ako sa bisikleta ko at umuwi na sa mansyon. Gusto ko ng bumalik sa Maynila. Gusto ko ng lumayo dito. Kahit ngayon lang.“Kuya Gavin, puwede mo ba akong ibili ng condo?” lakas loob na hiling ko kay kuya.Hindi ako mahilig magpabili ng kahit na ano pero ngayon ay alam ko na kailangan ko na ito.“Okay, kailangan mo na ba ngayon?” “Sana, kuya.” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Okay,” nakangiti rin na sagot sa akin ni kuya at ginulo niya ang buhok ko.Hindi na ako nagtagal sa hacienda. Bumalik na ako sa Maynila at doon na ako dumiretso sa condo na binili ni Kuya para sa akin. Simula ngayon ay magpapalakas na ako. Para kapag dumating ang araw na ako na lang mag-isa ay kakayanin ko. Dahil si Kuya Gavin lang naman ang meron ako. Siya lang ang nagmamahal sa akin.Sa mga sumunod na araw ay pumunta ako sa puntod ni daddy. “Hi, dad. Sorry po kung ngayon lang ako ulit nakapunta dito. Kakatapos lang po ng 18th birthday ko. Masaya siguro kung nandito ka. Dad, alam ko na po ang totoo. Hindi po pala ang tunay na anak ni mommy. Kaya pala iba nag treatment niya sa akin. Kaya pala mas malamig pa siya sa yelo. Diba dad, mahal mo ako? At mahal mo ang mommy ko? Kayong dalawa, hindi ko man lang kayo nakasama o nakilala. Kung buhay pa po kaya kayo ni mommy, magiging one happy family po kaya tayo? Nararanasan ko po kaya na mahalin ng isang ina?” tanong ko sa kanya.Marami akong tanong pero alam ko naman na hindi na niya masasagot. Gusto ko pa rin na sabihin sa kanya. Gusto kong bawasan ang mga tanong sa utak ko.“I love you, dad.” saad ko sa puntod niya bago ako umuwi sa condo ko.Simula nang nalaman ko ang totoo ay hindi na ako gaanong nakikipag-usap sa kanila. Nilayo ko na rin ang sarili ko kay mommy at Kuya Axel. At sa mga araw at buwan na dumadaan ay nasanay na lang rin ako. Nasanay na ako na ganito ang buhay ko. Para hindi maghinala si mommy ay nag-aaral pa rin ako. Balak ko pa rin tapusin ang kurso na nais niya para sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Kuya axel. Hindi ako nakikibalita kay Kuya Gavin.Pauwi na ako ngayon at nag-aabang ako ng masasakyan.“Hatid na kita, Dah.” sabi sa akin ni Ryan.“Naku, ‘wag na maabala pa kita.” nahihiya na sabi ko sa kaklase ko.“Hindi naman, doon rin naman ang daan ko.” sagot niya sa akin.“Okay po, ikaw ang bahala.” sagot ko sa kanya.Hinayaan ko na ihatid niya ako. Mabait si Ryan at matagal ko na siyang kilala. Simula high school ay magkakilala na kami. Habang nasa daan ay nagkukwentuhan kami kaya hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa place ko.“Salamat sa paghatid, ingat ka sa pag-uwi.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“You’re welcome, Dah.” nakangiti na sabi niya kaya ngumiti rin ako.Hinintay ko muna na makaalis na siya bago ako pumasok sa loob ng building. Pero natigilan ako dahil nasa harapan ko si Kuya Axel na madilim ang mukha. Alam ko na galit siya, nakakuyom ang mga palad niya.“May boyfriend ka na ba?” seryoso na tanong niya sa akin.“Wala po, kuya. Kaibigan ko lang po siya.” sagot ko habang papasok kami sa loob ng elevator.“Kaibigan huh?” “Hindi mo kailangan maniwala kung ayaw mo.” hindi ko alam pero bigla na lang uminit ang ulo ko. Alam ko na hindi siya naniniwala sa akin. At ayoko ng mag-explain pa. “Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa ‘yo na hindi ka puwedeng magka-boyfrien—”“Puwede ba, hayaan mo na lang ako sa buhay ko. Hindi rin naman ako nangingialam sa ‘yo. Hindi ako robot na puwede niyo na lang kontrolin. May sarili rin akong buhay. Gusto ko rin maging masaya!” sigaw ko sa kanya.Kitang-kita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa akin. “Mahal kita, kuya. Pero kailangan kitang mahalin sa sarili kong paraan. Dahil hindi tayo puwede. Dahil kapatid kita at alam ko na mali itong nararamdaman ko para sa ‘yo.” umiiyak akong nakatingin sa kanya at hindi ko kayang isatinig ang nasa isipan ko.“Dahlia–” “Please, hayaan mo akong maging masaya sa buhay ko.” saad ko sa kanya at mabilis akong lumabas sa elevator.DAHLIANapasandal na lang ako sa likod ng pintuan ko pagpasok ko sa loob ng unit ko. Bakit ba ganito siya sa akin? Bakit ba siya ganito? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan hanggang ngayon. Alam ko na half brother ko siya pero bakit mas mahigpit pa siya kaysa kay Kuya Gavin.Nagpalit na ako ng damit ayoko na maging apektado sa kapatid ko. Gusto ko na talaga siyang kalimutan. Dahil mas lalo pa yata akong nagkakagusto sa kanya kapag pinabayaan ko ang sarili ko. Pagkatapos kung mabihis ay kumain at nanuod muna ako ng k-drama. Nang matapos ko na ang limang episodes ay tumayo na ako para magpahinga na.Papasok na sana ako sa room pero may nagdo-doorbell ng paulit-ulit sa pintuan ko kaya lumabas ako. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nakayuko ko na kapatid. Sinalubong ako ng malakas na amoy ng alak.“Are you drunk?” naiinis na tanong ko sa kanya.“No, I’m not.” mabilis na sagot niya sa akin habang sinisinok.“Bakit ka ba nagpakalasing?” tanong ko sa kanya at
DAHLIAMaaga pa akong pumasok sa office. Pero mas maaga pa sa akin ang bagong secretary ni Kuya Axel. “Good morning, Miss Dahlia.” mahinhin na bati sa akin ni Flor."Good morning." Nakangiti rin na bati ko sa kanya.Si kuya mismo ang pumili sa kanya bilang bagong secretary. At isang linggo na lang ako dito sa company. Wala namang problema sa akin kung dumito ako. Kung puwede nga na ako na lang ang maging secretary niya ay gagawin ko. Pero ganun talaga may mga bagay na kahit na gustuhin ko ay hindi puwede. Wala naman akong masabi kay Flor dahil magaling siya sa trabaho. Maganda siya at sexy. "You know what I like, Flor. Sa tingin ko ay maayos naman siya bilang secretary ko." Sabi sa akin ni Kuya Axel habang nasa biyahe kami pauwi sa condo ko."Yeah, you're right. Mabilis lang siyang turuan at wala akong naging problema sa kanya." Sagot ko rin sa kanya.“I like her also as my—”“Stop it, kuya! You’re so gross,” naiinis na sabi ko sa kanya.“Single naman ako,” nakangisi na sabi niya sa
DAHLIA (PARIS, France)“Wala pa bang balak na umuwi dito?” malungkot na tanong sa akin ni Kuya Gavin.“Sa ngayon, kuya ay wala pa.” Sagot ko sa kanya.“Bakit?” tanong niya sa akin.“Na-miss mo na ba ako?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Of course, lalo na si Alec. Miss kana niya,” sagot niya sa akin.“Miss ko na rin siya, kuya.” “Bakit hindi ka lang umuwi? Nakahanda na ang pinagawa mong shop.” tanong niya sa akin.“Thank you, kuya. Sasabihan kita kapag uuwi na ako. Don’t worry hindi ito magtatagal.” sabi ko sa kanya.“Okay, ingat ka diyan.” sabi niya sa akin.“I will, kuya. I miss you and I love you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Love you too, bunso.” Marami ang nangyari sa pamilya namin. Lalo na kay Kuya Gavin. At sa loob ng panibagong anim na taon ay walang nagbago sa nararamdaman ko. Mas pinili ko na ilayo ang sarili ko kay Kuya Axel. Mas gusto ko siyang maging masaya sa buhay niya. At gusto ko rin na maging okay ang buhay ko.Nandito ako ngayon sa Paris. Dito ako nag-aral
DAHLIA Nang nakabalik na ako sa Maynila ay hindi na kami nagkikita ni Kuya Axel. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko na siya dahil ayoko nang maging hibang sa kanya. Alam ko na nagtataka na siya sa akin dahil nakatanggap ako ng maraming text message mula sa kanya. Marami akong inaasikaso ngayon dahil binuksan ko na ang boutique ko. Kaya wala na akong time para sa ibang bagay. Masaya ako dahil naging maganda ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ko. Masaya ako na bumalik na si Ate Mireya. Gusto ko siyang makita ulit pero alam ko na hindi pa puwede. “Miss Dahlia, may bisita ka po.” sabi sa akin ng staff ko. “Sin—” “Me,” walang emosyon na saad ni Kuya Axel. “K–Kuya?” nauutal na sambit ko. “Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” tanong niya sa akin. “Hindi naman kita iniiwasan. Busy lang ako sa trabaho ko.” sagot ko sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa ginagawa kong sketch ng wedding gown. “Really?” tanong niya sa akin na alam kong naiinis siya sa akin. “I’m sorry, kuya. Hindi kasi ma
WARNING MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS R18+. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK!!DAHLIAHindi ko alam kung paano kami nakarating na dalawa sa condo unit niya. Alam ko na lasing si kuya dahil hindi man lang niya ako nakilala. At ako naman ay nawala na ang pagkalasing ko sa halik na pinagsaluhan namin sa loob ng kotse. Bago kami bumaba ay hindi niya tinantanan ang labi ko. Pagpasok pa lang namin sa loob ng unit niya ay siniil niya ako ng isang maalab at mapusok na halik. Na siyang tinugon ko ng buong puso.Aminado ako na wala akong gaanong karanasan pero sinabayan ko ang bawat galaw ng labi niya. Ayoko na isipin niya na hindi ako marunong. Binuhat niya ako habang hindi naghihiwalay ang mga labi naming dalawa. Nakakapit ako sa leeg niya.Matagal ko ng pinangarap na mahalikan niya at ngayon natupad na. Naging mas agresibo pa ang bawat galaw niya. Nababangga namin ang mga gamit dito sa loob ng unit niya pero wala kaming pakialam at patuloy lang kami sa paghahalikan.“Kan
DAHLIA Alam ko na naging disperada ako kagabi. Pero tapos na at wala na akong magagawa. Kusang loob kong binigay ang sarili ko kay Kuya Axel. Ipinagkaloob ko ng walang pag-aalinlangan. At wala akong pagsisisi na naramdaman. Mahal ko siya at kahit sa isang gabi lang ay maramdaman ko ang pagmamahal niya. Nagising ako kanina na masama ang pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin bumangon kahit na masakit ang nasa pagitan ng hita ko.Halos isang oras rin akong nagbabad sa warm water dito sa bathtub ko. I do my research at nakakatulong daw ang maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit at pamamaga. Pakiramdam ko ay nalamog ang buo kong katawan. Lumabas na ako sa silid ko dahil dumating na ang pagkain na pina-deliver ko.“K—Kuya,” nauutal na sambit ko dahil nasa tapat siya ng pintuan ko.Kaagad siyang pumasok sa loob at hindi man lang ako pinansin. Hinayaan ko na lang siya. Sakto rin na dumating ang pagkain. Pagpasok ko ay nakahiga siya sa sofa ko.“Kumain kana ba, kuya?” Tanong ko sa kanya
DAHLIASimula noong nakaraan ay hindi na kami nagpapansinan ni Kuya Axel. Kahit na nagkaka-salubong kami sa daan ay hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Minsan ay gusto ko siyang batiin at kausapin pero hindi ko magawa. Naging busy ako sa trabaho ko. Kaya hindi ko na namalayan ang mga araw na dumaan na ganito kaming dalawa.At hindi ko talaga namalayan na halos isang buwan na kaming hindi nag-uusap. Kahit na ngayon ay magkasabay kaming dalawa sa loob ng elevator.“Yes, babe. I’m on my way there,” rinig ko na sabi niya sa kausap niya.Sino kaya ang girlfriend niya? May sineseryoso na kaya siya? Tanong ko sa sarili ko.Biglang nagvibrate ang phone ko kaya sinagot ko ito kaagad.“Hello, Ry. Nasa elevator na ako. Okay, see you,” sabi ko at lumabas na ako noong bumukas ang pinto ng elevator.May lakad kami ni Ryan dahil balak ko na magbukas ng isa pang boutique at siya ang napili ko na architect. Nakita ko na siya kaya kumaway ako sa kanya. “Hi,” bati sa akin ni Ryan.“Hi,” nakangiti rin
AXEL LUIS (PRESENT TIME)Sobrang sakit para sa akin na isang kasinungalingan lang ang naging buhay ko. Na kasinungalingan lang pala ang buong pagkatao ko. So, all this time ay hindi ako isang Santillan. Nagsisisi ako dahil sinaktan ko pa ang kuya Gavin ko. At higit sa lahat si Dahlia.Palabas na ako sa unit ko dahil gusto ko na lang lumayo. Ayokong maging puppet ni mommy. Kaya mas pipiliin ko na lang na lumayo kaysa masaktan ko pa sila. I booked a flight abroad. Pero palabas pa lang ako unit ko ay may biglang humataw sa akin dahilan para mawalan ako ng malay.*****Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Bumukas ang pintuan ang pumasok si mommy.“Mom, what's the meaning of this?” Tanong ko sa kanya.“Alam ko na alam mo na hindi kita anak. Tinatanong mo kung bakit ko ito ginagawa? Simple lang dahil gusto ko na ipakita sa ‘yo na ang mga taong balak mong kampihan ay walang pakialam sa ‘yo. Isa ka ring traydor katulad ni