Share

Chapter Eighteen

NAGISING ako na nakahiga ako sa sariling kama. Naalala ko si Andrew. Pinagbuksan ko siya ng pinto kanina. Panaginip lang ba iyon? Napahawak ako sa ulo ko. Parang binibiyak iyon sa sakit. 

Subalit sa kabila ng nararamdaman ay pinilit kong bumangon. Lumabas ako ng kwarto. Natigilan ako nang marinig ang ingay sa kusina. Dumating na ba si Carlos? 

Umiling ako. No. Noong huli siyang tumawag sa akin ay sinabi niya na kasasakay lang niya sa cruise. That was only a week ago. 

Naalala ko ang nangyari kanina bago ako nawalan ng malay. Si Andrew. Naabutan ko siya sa labas ng unit ko. Natigilan ako. Possible kaya na… 

Naglakad ako papunta sa kusina. Tama nga ang hinala ko. Naabutan ko roon si Andrew. I looked at him. Nakaputing t-shirt siya at cargo shorts

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status