"Tristan, ako na."
Nagpalipat-lipat ng tingin ang lalaki sa kanilang dalawa ni Rafael matapos ng sinabi ng huli, nakapaskil na ang ngiti sa mukha nito. Sinulyapan pa siya ng lalaki at kinindatan bago tinapik qsa balikat si Rafael at umalis na."Three thousand five hundred pesos," wala sa sariling nasabi niya nang balingan ng tingin ang lalaki.Nakita niya ang pagdukot nito ng wallet sa bulsa ng suot nitong black pants, at ang pag-abot sa kaniya ng isang libo.Halos batukan niya ang sarili nang makita ang panginginig ng kamay niya habang inaabot ang pera. Kahit nahihirapan dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan, pinilit niyang lumunok habang nakatuon ang atensiyon sa ginagawa."Give me your number."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Huh?""I said, give me your cell phone number," ulit nito na parang nauubusan ng pasensiya.Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago nagbuga ng malalim na hangin. "Wala akong cell phone."Nagsalubong ang dalawang kilay nito sa sinabi niya. Tinitigan siya na parang tinatantiya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.Inirapan naman niya ito. "Naiwan ko iyong cell phone ko sa kotse ni Papa noong araw ng aksidente. Nasira na iyon," pagpapaliwanag niya rito sabay abot ng sukli nito.Ilang segundo siyang tinitigan nang masama ng lalaki. Nang makuha nito ang pera, walang sabi-sabing tinalikuran siya nito at umalis.Sinundan niya ito ng tingin. "Walang hiyang lalaki talaga kahit kailan!"Lumipas pa ang oras na wala siyang ibang ginawa kundi ang isipin si Rafael. Ang hitsura nito nang magtama ang mga mata nila kanina nang pumasok ito sa coffee shop, pakiramdam nga niya, nag-slow-mo ang paligid niya habang nakatitig sa mga mata nito. At nang hawakan siya nito sa braso para hilahin papunta sa labas, kahit kumikirot pa rin ang braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito, hindi niya magawang magalit o mainis.Pakiramdam niya, lahat ng sakit at galit na mayroon siya para sa lalaki, nagagawa nitong pawiin sa simpleng mga titig lang nito."Nababaliw ka na, Hannah." Mariin niyang kinagat ang kaniyang ibabang labi.Paano kaya kung makipag-deal na lang siya rito? Tatanggapin niya ang inaalok nitong pera, at pagkatapos ay aalis na agad siya sa bahay nito. Para matapos na ang paghihirap ng kalooban niya, at para hindi na rin mangyari ulit ang kahibangan niya noo.Inangat niya ang kaliwang braso upang makita ang oras sa suot niyang wristwatch. Alas-dose na ng tanghali.Nakipagpalit na sa kaniya ng puwesto si Cassandra. Ganoong oras kasi ang break niya. May tatlumpung minuto siya para kumain at magpahinga.Matapos nilang mag-usap sandali ni Cassandra, dagli pa siyang napalingon sa labas ng coffee shop, at ganoon na lang ang pag-awang ng bibig niya nang makita ang taong nakatayo sa kabilang bahagi ng kalsada. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa kotse nito at nakatingin din sa kaniya."Rafael?" Ano na naman kaya ang ginagawa nito rito?Agad na siyang nagpaalam sa babae at nagmamadaling lumabas. Nang makalabas ng coffee shop, matagal niya rin tinitigan si Rafael mula sa kinatatayuan niya. Baka kasi hindi siya ang pakay nito, mapahiya pa siya kapag nilapitan niya.Pero ganoon na lang ang pagliliwanag ng mukha niya nang makita itong sumenyas na lapitan niya. Sandali pa siyang nag-isip bago nagsimulang humakbang palapit sa lalaki. Napansin pa niya ang pagkunot ng noo nito nang malapitan niya nang tuluyan."Bakit namumula ka?" Mataman siya nitong pinagmasdan sa mukha.Namimilog ang mga matang nag-iwas siya ng mukha. "W-wala! Bakit ka ba nandito?"Hindi ito sumagot pero ilan sandali pa siyang tinitigan. Makikita ang pagkalito sa mga mata nito. Maging ang makakapal nitong mga kilay na hanggang ngayon ay magkasalubong pa rin."Bakit ka nga nandito?" Umiirap siyang nag-iwas ng mukha. Nahihirapan siyang huminga dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.Lumipas pa ang ilang minuto, may kinuha ito sa loob ng kotse nito bago inabot sa kaniya ang maliit at kulay itim na paper bag.Bumuntong-hininga siya bago iyon tinanggap. Kunot-noong kinapa niya ang laman niyon nang hindi tinitingnan ang loob. Nang tuluyan niya itong mailabas, halos mamilog ang mga mata niya nang makita ang naka-sealed na kahon ng isang cell phone."Pumapayag na akong magtrabaho ka rito," mabilis siyang bumaling dito dahil sa sinabi nito. Kumurap-kurap pa siya upang siguraduhing hindi ito imahinasyon.Bakit parang bumait yata si Rafael?"Umuwi ka mamaya sa bahay. May sasabihin ako."May ilang segundo niya pa itong tinitigan. Halata sa mga mata niya ang pagdududa sa ipinapakita nitong kabaitan. "Sabihin mo na ngayon."O baka naman palabas lang ito? Nagbuga siya ng hangin nang maisip iyon. Ano na naman kaya ang pinaplano ni Rafael? Bakit bigla-bigla na lang itong nagpapakita ng kabaitan sa kaniya?"Mamaya na sa bahay. I want you home exactly at seven in the evening." Mataman siya nitong tinitigan sa mukha. Walang halong galit o ano pa man ang mukha nito. "Huwag nang matigas ang ulo, Hannah."Matapos sabihin iyon, sumakay na ito ng kotse nito at umalis na.Sinundan niya ng tingin ang sasakyan nito hanggang sa tuluyan iyong makalayo. Naiiling siyang bumalik sa coffee shop. Ginugulo na naman ni Rafael ang isip niya . . . at maging ang kaniyang puso.———MAHIGPIT niyang hinawakan sa kamay ang babae at nagsusumamong tinitigan ito. "Sam, please . . .""No!" sigaw ni Samantha at padabog na ibinaba ang maletang hawak. "Hindi pa ba sapat na pumayag akong pakasal ka sa matabang babae na iyon! Was it still not enough? Do you really need to do this, Rafael!"Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa kaniya. Halata sa mukha ang inis na hindi kayang itago.Naipikit niya ang mga mata. Napaka-ikli ng pasensiya ni Samantha. Ito ang dahilan ng madalas naming pag-aaway noon pa."Babe, please, limang buwan na lang at magiging malaya na rin ako." Pilit niya itong pinahaharap sa kaniya ngunit nagmamatigas pa rin ito."I said, no! Kaya lumalaki ang ulo ng ambisiyosang baboy na iyon! Masiyado kang mabait sa kaniya!" Marahas nitong itinapon ang hawak na pouch at tinalikuran siya.Mula nang sabihin niya rito kanina ang binabalak niyang gawin, tila naka-plaster na sa pagmumukha nito ang pandidiri. Nagbuga siya ng hangin bago ito niyakap mula sa likuran nito."Samantha, baby, five more months. Just five more months, ang kompanya ng pamilya ko at ako, magiging iyo lang." Kinuha niya ang kamay ng babae at dinala iyon sa mga labi niya.Narinig niya ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga bago siya muling hinarap. Nakangiti at malambing nitong pinasadahan ng palad ang pisngi niya."Promise me one thing." Napangiti siya bago ito tinanguan."Anything for you, baby," he said as he took her hand to his lips.Umarko ang mga kilay ni Samantha. "Don't have sex with her."Natigilan siya bigla sa narinig. Nagtataka niya itong tinitigan sa buong mukha. "Are you serious? Why would I even do that?""Because I know you, Rafael! Malambot iyang pesteng puso mo! What if you fall for that pig? I can't even imagine that happening! Nandidiri ako!"Hindi siya nakasagot sa mga sinabi nito. Magkasalubong ang mga kilay niya sa pagtataka habang tinititigan ang magandang mukha ng babaeng matagal na niyang mahal."Oh, bakit natahimik ka? Don't tell me, may balak kang pumatol sa baboy na iyon!""Wala!" matigas niyang tugon. Mariin siyang napapikit bago dumistansiya sa babae. "Ano bang pinagsasabi mo, Samantha?" Unti-unti na naman siyang nawawalan ng pasensiya rito."Tell me you won't have sex with her, Rafael! tell me!""I won't!" mariin niyang tugon. Mataman na nakatitig sa mukha ng dalaga.Bigla naman nagbago ang ekspresiyon sa mukha ni Samantha. Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi nito bago umangat ang kamay at marahan siyang hinawakan sa pisngi.Tila nang-aakit na naglakbay ang mga daliri nito sa braso niya, pababa sa kaniyang katawan hanggang sa maabot ang zipper ng suot niyang pants.Kumislap ang mga mata ng babae matapos maibaba ang zipper ng suot niya. Saka naman nito isa-isang hinubad ang suot na damit. From her black wrap top branded blouse to her red fitted mini skirt—wala itong itinira ni isang saplot sa katawan.Pinagmasdan niyang umikot sa harap niya ang babae habang nakahubo't h***d. Mula sa malalaki nitong hinaharap, hanggang sa mabilog na puwet. Nang-aakit itong humiga sa kama at nakatingin sa kaniya na may ngiti sa mga labi.Napangisi siya sa nakikitang ginagawa nito. Napaka-liberated na babae ni Samantha, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit niya ito nagustuhan.Umungol ito nang nang-aakit. Dahan-dahang itinaas ang kamay at iginalaw ang hintuturo na waring sinasabi na lumapit siya.Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Hinubad niya ang suot na damit at matulin na lumapit dito.Bumangon ang babae at masuyo siyang hinalikan sa mga labi. "Have s*x with me, Rafael. F*ck me. I want you to f*ck me. Hard. Now."Siniil niya ito ng halik bilang tugon. Ilang minuto pa ay pareho na silang nakahiga sa ibabaw ng kama habang marahas na gumagalaw."Tell me you're mine, Raf," he heard her whisper as he thrust deep into her."I'm yours . . . Samantha."BIGLA siyang natigilan sa paglalakad nang makita ang lalaking kumakaway mula sa malayo. "Bullet . . . "Mabilis siyang humakbang hanggang sa makalapit dito. Hindi na siya pumasok pa sa huling subject niya dahil malapit nang mag-alas-siete ng gabi. Balak niyang umuwi nang maaga dahil kay Rafael. Baka kasi magalit na naman ito kapag sinuway niya ang utos nito.Heto na naman siya, nagiging masunurin sa lalaking iyon. Hangal ba talaga siya?"Ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong niya nang makalapit dito. Kumurba sa malapad na ngiti ang mga labi nito bago binuksan ang pintuan sa passenger's seat ng sariling sasakyan. "Hindi ba sabi mo, kailangan mong umuwi nang seven? Ihahatid na kita."Bigla niyang naalala, kanina kasi, t-in-ext niya ito gamit ng cell phone na bigay ni Rafael. Nasabi niya rin dito na uuwi siya nang maaga. Hindi niya naman alam na pupunta pala ito rito."Hindi mo naman kailangan gawin ito, Bullet."Sa
"Hannah . . . hey, wake up. We're here."Naalimpungatan siya dahil sa mahihinang tapik sa kaniyang pisngi. Unti-unti niyang minulat ang mga mata, at ang nakangiting mukha ni Rafael ang siyang unang bumungad sa kaniya."Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka pala," sabi pa nito bago tumawa nang mahina. Binuksan na nito ang pinto sa driver's seat at lumabas.Mabilis siyang bumangon nang mapagtantong nakatulog siya sa loob ng kotse ni Rafael. Bigla niyang naalala, alas-otso na ng gabi sila nakaalis kagabi. Nangako pa man din siya sa sarili na hindi matutulog dahil nahihiya pa rin siyang kasama si Rafael.Hindi niya mapigilang hindi magkagat ng ibabang labi. Ang awkward lang kasi at ang weird. Honeymoon? Ano bang nangyayari sa lalaking ito?Naramdaman niya ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang pisngi. Saka pa lang niya napansin na nasa tabing-dagat pala sila. Namangha siya nang makita ang malawak na karagatan sa harap ni
NARINIG niya itong mahinang tumawa kaya para na namang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya. Gusto niya itong murahin pero ayaw niyang muling makita ang makasalanang tanawin."Paabot naman ng bag ko," rinig niyang sabi nito mula sa malalim na boses.Napalunok siya bago mabilis na kinuha ang bag nitong nasa ibabaw ng luxury sofa sa tabi ng kabinet, saka inabot iyon dito habang pilit pa rin iniiwas ang paningin."Thanks, Hannah," he said in a husky voice.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi nang sa isang kisap-mata, bumilis ang pintig ng puso niya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makapasok ulit ito sa banyo at marinig ang rumaragasang tubig mula sa loob ng shower. Dapat siguro hindi na lang siya pumayag na sumama kay Rafael. Paano kung bigla na naman itong magalit sa kaniya? May mga napapanood siya noon na namamatay dahil sama nang sama kung kani-kanino."Kani-kanino," sambit niya nang maalalang hindi lang kung sino an
NAPAPIKIT siya nang mariin habang nasa loob ng shower at hinahayaang dumaloy ang malamig na tubig sa buo niyang katawan.Hindi mawaglit ni Hannah ang sinabi ni Rafael kanina. Is he serious? Ano na ba ang nangyayari sa lalaking iyon? Una, bigla na lang naging mabait ito sa kaniya. Pangalawa, dinala siya nito sa napakagandang lugar na iyon para daw mag-honeymoon. At pangatlo, ang mga sinabi nito.Umiling siya bago pumikit at bahagyang tumingala sa shower. Aaminin niya, tumitibok nang malakas ang puso niya dahil sa mga bagay na sinabi nito. Lalo siyang naiinis sa sarili dahil kahit halata nang ginagago lang siya ni Rafael, natutuwa pa siya.Pero can anyone blame her? May nararamdaman siya noon para sa lalaking pinakasalan niya. Hindi malayong bumalik ang feelings niya rito lalo pa't bumabait na ito.Kahit na alam niya kung ano talaga ang mayroon sa kanila, kahit na alam niya kung ano talaga ang gusto nito—kung sino talaga ang gusto nito, hindi niya p
NAKARATING sila sa isang maliit na isla hindi kalayuan mula sa beach resort. Pero dahil bangka ang sinakyan nila, halos kalahating oras ang itinagal bago nila narating ang isla.Ayon kay Rafael, maraming turista ang dumating sa resort, kaya lahat daw ng de makinang bangka, gamit. Iyong bangka lang na pasagwan-sagwan ang natira at puwede nilang sakyan. Pagkababa pa lamang nila mula sa puting bangka, agad na siyang namangha sa islang bumungad sa kaniya. Sulit naman pala ang pagtatawag niya sa lahat ng santo, kamangha-mangha ang isla at masarap sa mga mata ang tanawin!Lumingon siya sa buong paligid hanggang sa maabot ng kaniyang paningin ang sinakyan nilang bangka kanina. Ang bangkero, nagsasagwan na palayo! "Oh! Ba't umalis si Mang Ben!" nanlalaki ang mga matang tanong niya."Babalikan niya tayo mamaya. Why are you so afraid, Hannah? It's not like I'm going to bite you," tumawa ito matapos sabihin iyon. "Unless, you want me to."
HINDI siya magsisinungaling. Masarap sa pakiramdam ang lahat ng kabutihan na ginagawa at ipinapakita ni Rafael, pero alam niya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Kaya kahit na masaya siya, mas mabuti pang itigil na.Kompanya lang naman ang dahilan ng lahat ng ito at tanggap na niya iyon. Ayaw na ulit niyang masampal ng reyalidad, na kung kailan sanay na siya sa mga kabaitan nito, saka naman siya iwan ng lalaki sa ere. Buong akala niya, kaya niyang sakyan itong pagpapanggap ni Rafael, pero mahirap pala. Lalo na't puso niya ang nakataya. Mataman niyang tinitigan sa mga mata si Rafael upang malaman ang reaksiyon nito. But his face was emotionless. Walang ni katiting na emosiyon ang makikita sa mukha at mga mata nito.Ibig niyang tumawa. Mukhang kahit kabutihan na ang gusto niyang ipakita sa lalaki, wala man lang itong pakialam. Sabagay, ano ba kasing inaasahan niya? Ang magpasalamat ito? Ang magbago ang puso nito at kahit na papaano, lumambot para sa kaniya?
"You're so hard to seduce."Ilang ulit siyang napakurap-kurap habang nakatitig sa seryosong mukha ni Rafael."Ano?" bulalas niya. Sigurado siya sa narinig. Hindi naglalaro ang isip niya, talagang narinig niya ang salitang 'seduce'!Tumawa ito nang bahagya. "Wala." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wala? E, ni hindi nito magawang tumingin sa kaniya.Umiirap niyang binawi ang paningin at mariin na pumikit. Sa bawat paglipas ng oras, mas lalong nagiging weird itong si Rafael.Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bigla siyang mapasinghap sa malakas at malakas pagkulog at pagkidlat. Sinabayan pa ito ng malakas na bugso ng hangin. Para bang bumabagyo na sa labas.Tumingala siya at pinakatitigan ang pagbuhos ng ulan sa loob ng kuweba mula sa malaking butas sa itaas. Kulang na lang ay manginig siya habang dumadampi ang malamig na hangin sa kaniyang balat.Bata pa lang ay takot na siya sa malakas na pag-ulan. Hangg
NAG-IWAS agad siya ng paningin at ilang ulit na napalunok. Ayaw niyang makita ni Rafael na apektado siya, pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na masaktan.Matagal na tinitigan ni Rafael ang cell phone nito. Napansin pa niyang sumeryoso ang mukha ng lalaki. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam ito sa kaniya na sasagutin lang ang tawag at mabilis na lumabas ng cottage.Naiwan siyang mag-isa. Tahimik na nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Rafael.Ito ang reyalidad. Ito ang totoo. Na kahit anong kabaitan pa ang ipakita sa kaniya ng lalaki, sa huli, si Samantha pa rin ang nagmamay-ari dito. At kahit kasama pa niya ito ngayon, sa paglubog ng araw, babalik at babalik pa rin ito sa babaeng iyon.Nanatili siyang nakaupo at walang imik. Binibilang ang bawat segundong dumadaan habang wala pa ito. Matapos ng mahabang minuto, muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Rafael. Mabilis naman siyang nag-iwas ng mukha."Bakit hindi ka pa