Share

Kabanata 30

Kabanata 30

NAPATAYO si Alec kahit masakit pa  ang kanyang tahi nang marinig  niya ang tinig ni Caren. Nagtatatalak ito papasok ng presinto habang panay ang hampas ng mumurahing bag nito sa braso ng pinsang si Nero.

"Ang tanga! Ang tanga-tanga!" nanggagalaiting ani ni Caren sa pinsan na namumula na sa hiya rito.

Napakamot ng batok si Nero.  "Bunso, pasensya na eh kahit naman siguro ikaw ang makakita ng itsura nilang dalawa talagang iisipin mong siya ang gumawa no'n kay Lucy. Napangunahan lang ako ng pag-aalala, bunso."

Naningkit nang husto ang mga ngipin ni Caren habang nagngingitngit ang mga ngipin. "Sa itsurang iyon ni Alec tingin mo magagawa pa niyang manggahasa?! Eh halos maghubad ang mga babae sa Cagayan para lang mapansin niya!"

"Hoy, bunso may mga gwapo rin namang gumagawaa  ng karumal-dumal."

"Pero hindi si Alec! Diyos Mio patawarin ako ni lolo at ng lahat ng kamag-anak na nakikipag-chismisan na kay

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status