Unang kita ko sa kanya, naintindihan ko agad kong bakit gustong gusto ni Madam Anastasia na gawin siyang tunay na lalake. Mayaman, matalino, gwapo, nasa kanya na lahat, pero ang malamang bakla ito ay ibang usapan na.
Hindi ako makapaniwala na madami siyang napaniwala. Bakit niya nililihim kong ano siya? Bakit mas gusto niyang malaman ng lahat na isa siyang bakla?
Napakapit ako sa kanya nang kagatin niya ang labi ko para ipasok ang dila. Sinubukan ko siyang itulak, pero hindi ko alam kong bakit, imbes na tulak ay naging haplos ito. Lalo akong napakapit sa kanya nang iangat niya ako at paupuin sa lamesa.
Humiwalay siya at, pero malapit pa rin ang labi niya sa akin.
"Ang tapang mo noong sabihin mo na hahalikan mo 'ko, ngayon malalaman ko na.." ngumiti ito sa akin bago magpatulo
"Hi, Secretary Gillian, mag lulunch ka?" hindi natuloy ang lakad ko papasok sa elevator nang marinig ko ang pangalan ko. Lumingon ako sa taong iyon. Nanliit ang mata ko at inalala kong sino siya. Mabilis akong ngumiti nang maalala ko kung sino siya. Siya 'yung pumigil sa akin na pumasok sa office noong nandoon si Madam Anastasia kasi baka mapagbuntungan ako. "Hi," napahawak ako sa leeg ko. May mga kasama ito at lahat sila ay nakangiti, pero yung isa hindi gaano. "Oo mag lalunch na ako," tumingin ako sa relo ko at sinabing may isang oras pa ako para kumain. Madami akong ginawa kanina, tuloy tuloy ang meeting ni Sir, kanina ay galing kami sa labas kasi doon ginanap yung meeting. "Sabay ka na, pupunta din kami," sabat nang nasa likuran niya. Dahan dahan akong tumango at ngumiti. Mas maayos nga na sumama ako sa kanya, ilang beses na akong kumain mag-isa. Wala akang gaanong close sa office, ngayon lang may mag-aya. Isang restaurant malapit ang pinuntahan namin, nalalakad naman dahil ma
Gillian's POV "Jollibee!" natawa ako nang tumalon talon si Zaji nang sabihin ko na pupunta kami sa jollibee. May sahod na ako kaya gusto ko silang dalhin sa jollibee. "Papa, ayaw mo talagang sumama?" tanong ko kay papa na prenteng naka-upo at nanonood. "Hindi na anak, uwian niyo na lang ako," sambit nito. Napailing ako, laban kasi ng paboritong basketball team niya, kaya ayaw niyang sumama "Pupunta na kayo? Asan si Yunard?" tanong niya kaya napasulyap ako sa relo ko. Bago pa ako makasagot ay nakita ko na si Yunard na papasok. "Ang gwapo naman ni Kuya Yunard," hagikgik ni Nika sabay sulyap sa akin. Napairap ako. "Parang hindi nagwapuhan sa akin ang ate mo, binobola mo ata ako Nika," nanliit ang mata ni Yunard habang sinasabi iyon kay Nika. "Haist! Ewan ko sa inyong dalawa. Halika na at baka matraffic tayo," sambit ko at inabot ang sling bag ko sa upuan. "Bakit iuuwi mo pa? Pwede namang isama na natin silang mag grocery," sambit ni Yunard habang hinihintay namin ang order. "Bak
Tuloy-tuloy ang pag-ubo ko nang makita si Sir Zach sa mismong likod ni Yunard. Nakaramdam siguro si Yunard ng gutom kaya nag-aya siyang kumain. Habang kumakain ay napa-angat ang tingin ko kay Yunard, pero dahil agaw pansin ang titig ng nasa likod niya, doon dumeretso ang tingin ko. "Ok ka lang?" Inabutan ako ni Yunard ng isang basong may tubig nang hindi tumigil ang pag ubo ko, mabilis ko iyong kinuha at ininom. Nang makainom ay dahan-dahan ko iyong ibinaba at napapikit. Napaayos din naman ako ng upo at muli akong napasulyap sa likod ni Yunard, agaw pansin talaga ang lalakeng naka white polo at jeans. Seryoso itong nakatingin sa akin at walang bahid ng kabaklahan ang galaw nito. May tumitingin sa kanya at pasimpleng pinagbubulungan siya. Paanong hindi siya pagtitinginan, sa isang tingin pa lang ay makikita mo nang mahal ang suot nitong damit at ang kulay gold na relo nito ay kumikislap. Hindi ba siya takot sa masasamang tao na maaaring masilaw sa suot niyang relo? Ano bang ginaga
Napapikit ako nang bigla niyang ibinagsak ang mga papeles na hawak niya. "What are you thinking, Secretary Gillian?! Mr. Hernaez is one of the most important person in the company!" Hinilot niya ang magkabilang noo at tumayo. "S-Sabi mo po kasi na huwag muna ako tumanggap ng ibang nagpapa-schedule," hindi ko maiwasang mautal habang sinasabi iyon. "Sana sinabi mo muna sa akin! Nakakahiya kay Mr. Hernaez! 'Yan na nga lang ang trabaho mo, hindi mo man lang magawa ng tama!" Pinilit kong huwag ma-iyak dahil sa sigaw niya. Pagkarating ko ay mainit na ang ulo niya. Kanina nga may nagsabi sa akin habang papasok na may sinesante siya. Tumahimik siya at ilang segundong hindi nagsalita kaya napa-angat ang tingin ko. Bigla niyang iniwas ang tingin niya nang magtama ang tingin namin. "Leave," sambit nito at bumalik sa pagkakaupo niya. Huminga ako nang malalim bago tumalikod. Pagkalabas ko ay natanaw ko ka-agad ang kapatid ni Zeyo. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda niya. Ang ganda niyang
"Secretary Gillian!" Tawag nito sa akin, pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon nang hindi nauutal. Bigla akong naging proud sa sarili ko dahil nasabi ko iyon kasi sa totoo lang, kinakabahan ako sa paraan ng tingin niya sa'kin. Nanghihina ako sa paraan niya ng pagtitig sa labi ko, pero nasabi ko iyon. Bakit ba kasi siya ganoon? Pagbalik ko, nadatnan ko ang magkapatid na nag papanic. Mabilis nilang inaayos ang gamit nila. Napasulyap ako kay Ma'am Nheya na ngayon ay suot na ulit yung suot niya kanina. "I hate you, Kuya! Dapat sinigurado mo!" Inis na sambit ni Ma'am Nheya kay Zeyo habang inaayos ang buhok niya. "Bakit? Anong nangyare?" mula sa likod ko ay nagsalita si Sir, gaya ko ay mukhang nagtataka rin ito sa pagmamadali ng magkapatid. "Ghad! Amoy alak ako!" Tarantang sambit ni Nheya at kinuha ang tooth brush sa bag niya. Naayos na ni Zeyo ang gamit niya kaya siya ang sumagot sa tanong ni Sir. "Papunta na si lolo sa bahay. Kailangan nami
Hindi ako makapagsalita, naalala ko 'yung sinabi niya noon. 'Yung gusto niya daw bumili ng motor. Akala ko nagbibiro lang siya, hindi ako makapaniwalang bumili nga siya kahit may kotse naman siya.Napatitig ako sa kamay ko nang hawakan niya iyon. Hinila niya ako papalapit sa bagong bili niyang motor. Isang tingin pa lang ay agaw pansin na, isang tingin pa lang ay alam mong mahal na. Malayong malayo sa motor na ginagamit ni Yunard.Wala ako sa sariling sumakay doon. Imbes na sa bewang ay sa likod ng motor ako humawak, sinulyapan niya ako dahil doon."Come on, Baby. Noong nakita kitang nakasakay sa motor niya nakayakap ka naman sa bewang niya ah! Hindi naman ako mahabo," nakasimangot na sambit niya."Si--""Yayakap k
Hindi ko alam kung saan na pumunta si Manager Rizza. Ibinilin na lang niya kay Judy na samahan ako sa pagtingin ng mga pagkain habang si Sir ay dumeretso na sa VIP room."Narinig ko na sinesante ka ni Manager noon. Buti at nakahanap ka ng mas magandang trabaho," si Judy habang pinapakita sa akin ang mga pagkain.Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko masabi kung magandang trabaho ba ang trabaho ko ngayon. Natanggap lang naman ako dito dahil kay Madam Anastasia at dahil sa kasinungalingan."Kamusta ka? Kayo?" pag-iiba ko ng usapan."Eto, maayos naman, pero simula noong umalis ka parating dikit sa akin si Jake para itanong kung anong nangyare sayo, eh, malay ko ba diba? At dahil dikit nang dikit sa akin si Jake, sa akin naman ngayon nagmamaldita si Mana
Nakatagilid na siya, habang ang mukha ko lang ang nakatagilid. Naramdaman ko ang hawak niya sa bewang ko, pinadausdos niya iyon hanggang sa likod ko. Nahigit ko ang paghinga ko nang hilahin niya ako papalapit sa kanya. Mabilis ko siyang tinulak dahil sa gulat sa ginawa niya. Mabilis akomg bumaba sa harap ng kotse at napakagat sa labi ko. "Sir, sumusubra ka na ata. Oo at hinayaan kitang halikan ako ng ilang beses, pero ibang usapan na ngayon na alam ko at ramdam ko na may namamagitan sa inyo ni Ma'am Nheya, kaya please lang, Sir. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon niyo," sambit ko nang hindi tumitigin sa kanya. Nagulat nanaman ako nang hinila niya ang kamay ko at isinandal sa kotse. Dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko napansin na bumaba na rin siya "Yes. Aaminin ko na tama ka. Nheya and I had something, but I want to stop it. She's not my girlfriend, at hindi ako nag gigirlfriend, Secretary Gillian," sa sinabi niya ay tinulak ko ulit siya, pero kaunting distansi