Share

37 - Luha

Napasulyap ako kay Sir nang hiramin niya ang gitara ng isang empleyado. Tulad ng iba ay nakainom na rin kami, ngunit hindi naman ganoon karami para mahilo ulit ako. Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang mamangha dahil palagi ko siyang nakikita na ballpen, laptop lang ang hawak niya, pero ngayon ay isang gintara na. Hindi ko alam na bagay pala niya ang humawak ng isang gitara. Napakurap kurap ako nang mapasulyap siya sa akin at makita ang titig ko sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin, pero naibalik din agad sa kanya nang marinig ang mahinang pagtawa niya.

"Marunong ka?" wala sa sariling tanong ko na lang para matakpan ang hiyang nararamdaman.

"I'm not sure if I still know, but because I want to sing a song for you, then..." mahinang sambit niya, pero tumigil din naman at hindi niya tinuloy ang sasabihin. He just bit his lips at malinaw sa akin ang ginawa niyang pagpasada ng tingin sa labi ko. Halos mamula tuloy ang buong mukha ko.

Napatikhim ako nang mapansin ang ilang mata
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status