Did he really think na may time pa akong makipagboyfriend? Hindi nga pumasok o sumagi man lang sa isip ko na makipagrelasyon.
Nakasimangot akong tumalikod. Maglalakad na sana ako pabalik sa rest house, kaya lang nagulat ako nang bigla niyang hinigit ang braso ko at isinandal sa puno ng Niyog.
Nagtama ang tingin namin sa isa't isa.
"What?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang lumunok habang nakatingin sa kanya.
Kitang kita ko ang nangungusap nitong mata. Anong ibig sabihin nang paraan mo ng pagtitig? Gusto kong tanungin kong para saan ang titig na 'yun, pero hindi ko na lang itinuloy.
Sinubukan ko siyang itulak nang lumapit siya sa'kin, kaya lang tulad ng inaasahan hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para makawala.
"Ano ba," sambit ko sa kanya.
Halos mapapikit ako at mapahawak sa dibdib ko. Nasasaktan ako kasi nasasaktan ang anak ko. Nag-init ang mata ko. Nagsasaktan ito kasi wala itong matawag na papa at alam kong dahil iyon sa'kin, dahil sa naging desisyon ko noon kaya niya iniisip ngayon na wala siyang ama.Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paglabas nila Dexie sa Dining Area, mukhang narinig nila ang iyak ni Zacky."Zacky, listen," sambit ko at lumuhod na sa harap niya. Hinawakan ko ang kamay niya dahil patuloy ito sa pag-iyak."W-Wala akong Papa," sambit nito ulit."Meron kang papa, Zacky. Listen to Mama, okay?" tinignan niya ako gamit ang basa nitong mata.Sumulyap ako kay Zachary. Nang makita ang titig ko ay lumapit siya sa amin. Napatingin si Zacky sa kanya nang makita si Zachary. "Hush, don't cry,
Napahigpit ang yakap ko kay Zacky at mas lumapit sa kanya habang nakapikit. Ngunit napamulat ako nang mapansing parang lumaki agad si Zacky.Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni Zachary. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya, ngunit hinila niya ang kamay ko at ibinalik sa katawan niya, kung saan nakalagay ang kamay ko bago ako magising.Napasarap ang tulog ko at hindi ko napansin na hindi na pala ang anak ko ang kayakap ko. Napasulyap ako sa bintana at hindi pa naman sumisikat ang araw."Bitawan mo nga 'ko," mahinang sambit ko at sinubukang lumayo. Gusto ko siyang bulyawan, ngunit baka magising si Zacky."Let me sleep," sambit niya at mas hinila pa ako sa kanya.Ngayon ay nakahara
Literal akong napatalon nang naramdaman kong may h*****k sa pisngi ko habang nagluluto. Sa gulat ko ay muntik ko nang ipinalo ang hawak kong sandok sa taong 'yun. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang singhab nila Dexie at Yunard na nasa likod ko, naghihiwa kasi sila ng karne at mga gulay na gagamitin ko sa pagluluto. Hindi ako nakapagsalita nang makita si Zachary sa tabi ko. Tinitignan na niya ngayon ang niluluto ko. Hindi ko na nga nagawang ibaba ang kamay ko na may hawak na sandok sa ere. Nang mapansin ang tingin ko sa kanya ay hinarap niya ang ulo sa'kin. "Goodmorning," nakangiti nitong sambit at tumalikod na para bang wala itong ginawa. Napahawak ako sa dibdib ko, nagulat ako sa ginawa nitong paghalik sa'kin at mas lalong n
Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko kung paano napaso ang labi ni Yunard habang tinitikman ang niluluto. Nahulog pa niya ang sandok na hawak sa gulat sa sinabi ko.Si Dexie naman ay hindi na makatingin, ngunit nakita ko sa mukha niya ang pamumula."A-Anong sinasabi mo! Nagpapatawa ka ba? Oh, come on, Gillian! S-Stop talking nonsense!" Utal na sambit nito sabay tuloy sa ginagawa nito paghihiwa ng gulay.Sa huli nasa akin ang huling halakhak. Ang lakas ng loob nilang mang-asar, sila naman itong may ginagawang milagro. Well, hindi ako sigurado, pero sa nakita kong reaksyon nila.... mukhang meron nga.
Napakagat ako sa labi ko nang hindi ko na kayang pigilan ang paglabas ng ngiti sa labi ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.Ang sabi ko lang naman ay mainit sa labas at baka umitim si Zacky, bakit iba ang sinabi nito? Bibili siya ng pampaputi? Para saan? Para sa sarili niya?Gusto ko nang tumawa ng malakas na malakas. Hindi naman kasi siya maitim! Tanned skin lang siya."Pampaputi? Bibili? Nagpatatawa ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko at hindi na nagawang pigilan ang kaunting tawang nararamdaman ko."Then what's your problem about maitim? What if umitim ang anak na'tin?" Kunot noo pa rin ang siya nang tanungin iyon.Napahawak ako sa sintido ko at huminga ng malalim. Ang weird niya.&
"Mama! Maligo ka rin!" Halos umirap ako nang marinig ko ang boses ni Zachary.Oo, hindi si Zacky ang tumawag sa'kin nang mama, kundi si Zachary. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpaypay ng niluluto kong barbecue."Mama raw. Tawag ka ni Papa," inis kong sinulyapan si Dexie nang mang-asar ulit siya.Parang kanina lang ay nahihiya ito, ngayon ay balik pang-iinis nanaman. Nakaupo siya sa sun lounger habang naka suot ng manipis na blazer, kitang kita ang kulay pulang bikini nito.Binitawan ko ang pamaypay nang makita ko ang damit nila Zacky sa gilid na nahulog.
Mabilis ang naging lakad ko nang masulyapan sila Zachary."Malalim na diyan! Zachary, hawakan mo ng maigi si Zacky!" Sigaw ko kila Zachary nang madatnan na malayo na sila.Yakap-yakap siya ni Zacky habang may goggles siyang suot. Sumulyap sila sa'kin nang sumigaw ako. Napansin ko ang pagtagal ng tingin sa'kin ni Zachary. Kumunot pa ang noo nito habang nakatingin na sa'kin.Ano nanamang tingin 'yan? Kunot noo ko rin siyang tinignan."Mama!" Sigaw ni Zacky at sinabayan pa niya ng pagkaway sa'kin.Pinanood ko silang lumapit. At halos yakapin ko ang katawan ko nang makitang hindi tinatanggal ni Zachary ang ti
Lalagpasan ko na sana at lulusong na nang tinawag niya muli ako. "Remove your blazer, Gillian. Plano mo bang maligo ng ganyan?" Saka ko lang naalala na suot ko pa rin pala ang blazer. Kinagat ko ang labi ko at sinulyapan muli ang suot. Sunod ay napasulyap ako kila Dexie na ngayon ay busy sa pagkain. Nahagip naman ang tingin ko si Zeyo na naliligo mag isa.