Share

66.1 - Lagnat

"Hindi! May papa ako!" Bumagal ang lakad ko nang madatnan ang anak ko na sumisigaw. Nadurog ang puso ko nang madatnan ang anak ko na sinisigaw ito sa mga kaklase niya.

"Palagi mo na lang sinasabi yan. Aminin mo na! Wala ka talagang papa!" Isa sa kaklase niya.

"Kawawa siya! Wala siyang papa!" Pambubully pa nila kay Zacky.

"Meron nga! B-Babalik rin siya. May papa ako," si Zacky sabay hagulgol na.

"Wala kang papa! Kung may papa ka dapat nandito siya. Dapat hinahatid ka niya, pero kahit kailan wala kang kasamang papa." Isa sa mga kaibigan niya.

"M-May P-Papa ako," humihikbing sambit ni Zacky.

"Sinungaling ka! Wala kang papa!"

Mas binilisan ko ang paglakad papunta sa kanila. Pansin ko ang pagpipigil ni Zacky na huwag umiyak, pero hindi nito mapigilan. Pinupunasan nito ang mata habang paulit ulit na sinasabing may Papa siya.

"Zacky!" Tawag ko.

Nang sumulyap siya ay tuluyan na ulit itong umiyak. "Mama!" Umiiyak na sambit niya sabay takbo papalapit sa'kin.

Nang makita naman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status