Share

Chapter 15

TING!

Marahang lumabas si Leighana sa elevator nang huminto iyon sa palapag kung saan naroon ang unit ni Ziv. Pakiramdam niya ay babagsak na siya sa antok at pagod. Halos ay dalawang oras lang ang pagitan ng dalawang operasyon na isinagawa niya kahapon, na natapos kanina lamang alas-sais ng umaga ang huli. Wala pa siyang tulog at sa natatandaan niya'y kumain lang siya ng chicken sandwich kahapon bago magsimula ang pangalawang operasyon, na ni hindi naman niya naubos. Nakakadalawang kagat pa lamang yata siya ay binitiwan niya na ang kinakain. Parang ayaw tanggapin ng sikmura niya ang kinakain niya.

Napahagod siya sa balakang niya dahil pakiramdam niya ay nananakit iyon dala ng pagkangalay sa halos maghapon at magdamag na nakatayo siya sa harap ng operating table. Gustong-gusto niya nang ilapat ang katawan niya sa malambot na kama at kumuha ng kahit na kaunting tulog. Patang-pata talaga ang pakiramdam niya.

Wala siyang naka-schedule na operasyon sa ara
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leah Fontelo
ay bakit ganun inulit lng chapter 16 and 17
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status