Share

Chapter 1

"Don't worry about me, Love. Okay lang ako rito and I assure you that I won't get bored here kasi kasama ko naman sina Julia at Delancy rito." I replied and smiled as if he was able to see my smile. "How about you? Have you already finished all the requirements you need to pass?"

[Not yet, Love. Ang dami ko pang kailangang tapusin. Para ngang hindi nababawasan. This is fucking torture.] He complained and I can feel that his face started to crease.

I laughed softly, making sure he wouldn't know that I laughed at him. "That's the consequence of you choosing your career. Kailangan mong panindigan 'yan, Love. Kaya mo 'yan." I cheer him up.

[This isn't funny anymore,] he said. [Mamaya na lang tayo mag-usap, Love. Tatapusin ko na 'to. Ingat ka riyan, huh? I love you!] He immediately ended the call without allowing me to answer his I love you.

Hmp! Sometimes he's being unfair. He's making me grouch.

But on second thought, I managed to draw a smile on my face. Ever since we've been in a relationship, palagi akong kinikilig every time na sinasabihan niya 'ko ng "I love you." Even though it's normal naman na magsabihan ng "I love you" ang isang couple, still, when it comes to Eli, hindi ko maiwasang kiligin kahit na dapat masanay na 'ko roon.

We've been together for almost one year --- and I didn't expect that our relationship would come that far. Parang kahapon lang no'ng sinimulan akong ligawan ni Eli, tapos ngayon almost one year na kami.

Woah, time flies so fast.

Anyway, I was here at the reception ng wedding ng Tita ni Julia. Delancy and I were invited to come here and dapat talaga ay kasama namin si Eli ngayon, but unfortunately, he was busy finishing a bunch of requirements he had to pass in order to passed the first semester.

Due to his career as a singer and an actor, he barely spends his time studying. Her Mom wants him to finish a degree. That's why Eli is working very hard to graduate, though it's quite tough because his time was too spent on showbiz. But I believe in him and will always support him no matter what happens.

"Sinabihan na naman siguro 'to ni Eli ng I LOVE YOU or kaya ng I MISS YOU kaya ganyan 'yang makangiti si Magi," I heard Julia spoke as she shook her head.

Akalain niyong lumabas na nga 'ko ng venue para hindi nila 'ko makita na may kausap at para na rin magkausap kami nang maayos ni Eli, pero ang lakas talaga ng pakiramdam nitong mga kaibigan ko, e. All I want is to have a private conversation with my boyfriend yet they can't stand to eavesdrop on us.

Wala talaga 'kong bagay na kayang itago sa mga 'to, e. Even my private life, they really want that to invade.

"Curious lang talaga 'ko, hindi ka ba napapagod na kiligin sa kanya?" Delancy suddenly asked.

Ang seryoso ng mukha niya kaya I assume na seryoso siya sa itinatanong niya.

"Kapag in love ka, hindi mo nararamdaman na pagod ka or mapapagod ka sa isang bagay kasi nakasanayan mo na 'yon, e." Maikling tugon ko.

I have nothing to prove to her, 'cause I believe she could be able to answer her question as she experienced being in love. That's how people learned, wherein they have to suffer the pain before learning the lesson. And of course, when you learn a lesson, that'll help you to grow but if not, I pity you.

Aaminin ko na hindi ang kagaya ni Eli ang tipo ko sa isang lalaki, at inaamin ko na umaasa pa rin ako na makikita ko ulit iyong first love ko. The first guy who taught me how to love at my young age. The guy who taught me what the word "love" really means.

Oo, gusto ko ulit siyang makita at makausap pero hindi naman ibig sabihin no'n, e kapag nagkita kami ulit ng lalaking iyon ay ipagpapalit ko na si Eli sa kaniya. All I want is to meet him once again to know how is he at kung ano ang pinagkakaabalahan niya. After all, mayroon din kaming pinagsamahan, so I thought of forgetting about him was too selfish decision.

Marami na rin kaming napagsamahan ni Eli kaya hindi gano'n kadali sa 'kin na bitawan siya. I considered him as my true love and the only man I wished to see in front of the altar while waiting for me as I walked on the aisle.

"Tiyaka ano ba namang klase ng tanong iyan, Delancy? Malamang ay kikiligin ka kasi ikaw ba naman ang sabihan ng gano'ng salita, 'di ka ba kikiligin?" Halata sa boses ni Julia ang frustration. "Jusko, Delancy niyo pagod na."

"Nagtanong lang naman ako for clarification, tyaka paano ko naman kasi malalaman iyon, e hindi pa nga 'ko na-i-in love, e!" Depensa ni Delancy.

"E ano sa 'yo ang kapatid ko, ha?"

"Alam mo---"

"Hoy, ano'ng mayroon sa kapatid mo at kay Delancy? Bakit hindi ako updated sa mga ganyang bagay, ha?" I confusedly asked.

Grabe, sabi pa ng dalawa na 'to, e dapat wala kaming secrets na itinatago sa isa't isa tapos malalaman ko 'to? Ni hindi man lang nila ako isinasali sa chismis-an nila, ayon pala may na-missed na 'kong chika. I suddenly felt na parang hindi na 'ko belong sa friendship na 'to.

"Hindi ka updated kasi puro ka na lang Eli! 'Yong quality time nating tatlo sana, e ipagpapalit mo lang diyan kay Eli kaya huwag mo kaming sisihin kung hindi ka updated. Kasalanan mo 'yon, Magi." Sabi ni Julia at mukhang nagtatampo pa.

"Huwag mo nang sakyan iyong pagdadrama ko, Julia. Basta sagutin niyo na lang ako, ano'ng nangyayari, ha? Is there something I have to know?"

"Crush ko kasi 'yong kapatid niya," si Delancy na ang umamin. "Pero magkaiba naman kasi 'yong CRUSH sa IN LOVE, 'di ba?"

Nagulat naman ako nang malaman ang balita. Woah, ang Delancy namin ay in love na pala. Why did I let myself didn't know about this? I felt guilty. Maybe what Julia said was right; I think my attention was too focused on my boyfriend, neglecting the fact that my friends also need me.

I didn't expect na mangyayari 'to. Siguro it's normal lang naman na minsan ay mawalan ako ng time sa kanila, 'cause I'm already in a relationship. Obviously, my time for them wasn't the same for now 'cause I have him na, e. What I'm trying to say is that my time wouldn't revolve only with my friends.

"Kapatid ni Julia ang crush mo?" Paniniguro ko. "Sino ba 'yang kapatid ni Julia na 'yan? Bakit parang hindi ko pa yata nakikilala?"

"Sa states nag-aaral 'yong kapatid ko, pero nag-decide rin naman siya kaagad na umuwi na lang ng Pilipinas, kasi malamang hirap na 'yon kaka-english, tapos wala pa siyang matinong kausap o kaibigan doon kaya hindi na nakatiis.

Miss niya na rin tiyak sina Israel kaya umuwi na ang gago."

"Wait, what? Belong sa DWEIYAH ang kapatid mo? Kaibigan din siya ni Eli---"

"Hindi mabubuo ang DWEIYAH without him," ani Delancy. "Among them, silang dalawa ni Eli ang magka-vibes since same age din sila."

Napatango ako at naisip na mukhang makakasundo ko siguro 'yon since si Eli nga, e naging close friend ko rin noon kaya siguro siya rin ay makakasundo ko. I am friendly type of person naman, maliban na lang kung kasalungat ng ugali ko ang lalaking 'yon. If that guy possesses those traits that I hate the most in one's personality, ligwak 'yan.

At para na rin malaman ko kung ano bang nagustuhan ni Delancy sa taong iyon. Kahit man lang sa ganitong bagay ay makabawi ako kay Delancy.

"Teka, bakit ba ayaw niyong mag-name drop?"

"Hinihintay lang talaga namin na magtanong ka," natatawang sabi ni Julia. "Dylan ang pangalan niya, ang panget, 'di ba? Malayong-malayo sa sobrang ganda kong pangalan."

'Actually, mas maganda nga 'yong pangalan na Dylan kaysa sa Julia, e.' I whispered.

"Alam niyo, ang daldal niyo. Pumasok na lang tayo sa loob, 'no? Para tayong tanga rito, e. Ano? Naghihintay lang na may lumabas na server para bigyan tayo ng wine?" Sarkastikong sabi ni Delancy.

"Mauna na kayo, pupunta lang akong restroom." Paalam ko sa kanila.

"Sure kang sa restroom ang punta mo, ha? Baka mamaya makita ka na namin na kasama na naman si Eli habang tumatakas kayo rito.

Aba, baka sapakin ka na talaga namin. Friendship over na talaga kapag 'yan nangyari!"

Pinalo naman siya ni Delancy, "Ang OA mo! Hindi naman porket iniiwan ka ng mga nakaka-M.U. mo, e ibig sabihin no'n ay iiwan na rin tayo ni Magi.

Ang nega nito masyado."

"At saan ka nakakuha ng lakas ng loob na magsalita nang ganyan sa 'kin---"

Hindi ko na sila pinakinggan pa dahil patago na 'kong um-exit sa kanila para magpunta ng restroom. Kanina pa kasi ako naiihi at kung papanoorin ko lang sila na mag-away, e baka maihi na 'ko sa suot kong skirt. Hindi pa naman ako girl scout ngayong araw.

My eyes are tired of seeing people fighting with each other. Alam niyo 'yon, 'yong maliit na issue ay palalakihin pa? Argh! Ganitong war lagi ang nangyayari sa aming tatlo kaya immune na 'ko. Doesn't mean I'm immune, e 'di na ko napapagod.

Kung alam niyo lang.

Nang matapos ako, papindot na sana 'ko ng flush nang may nakita akong picture na nakalagay roon. Bakit may picture dito sa banyo? Naiwan ng photographer? Isa ito sa mga picture ng kuha ng Tita ni Julia at ng asawa na nito. Ang ganda ng kuha nila rito at bakas ang saya sa mga mukha nila.

Who wouldn't be happy if you finally found the one na makakasama mo habambuhay, 'di ba? People tend to love and risk love just to secure their future to have a happy family. We taught how to love someone without learning it --- but through experience. Hindi naman kasi kailangang pag-aralan ang pagmamahal para matutunan. That is a precious asset we have in this world, pero ang iba ay kung ibigay na lang 'to sa taong kakakilala lang nila ay wagas.

Maswerte ka kung matino ang mapunta sa 'yo, but if not, you seem like your life is a living hell. We tend to love others to have a complete family, which some of us aren't have the chance na maranasan dahil sa sobrang lupit ng tadhana. And I belong to them, hindi ipinaranas sa 'kin ng mundo na magkaroon ng isang buong pamilya.

Either my mother or my father, hindi ako nagkaroon ng chance to meet them. Right after my mother gave birth to me, she immediately left me and passed away. However, my father is missing in action. I didn't know where he was. I desire to find him, but I don't know where to start.

I felt the true definition of "family" in the arms of my grandmother. In the absence of my parents, she was there to take good care of me. She didn't let me think that my family is incomplete --- not even once. She always reminds me na hindi man buo ang pamilya ko, that's not enough reason for me to feel despair:.. 'cause I have her.

She's the only one I have now. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala. Yeah, she's getting old pero sana maging fantasy na lang ang kwento ng buhay ko so I could live with my grandmother as long as I want.

"Ang haba yata ng naging monologue ko, nakalimutan ko nang i-flush ito." Iiling-iling na sabi 'ko.

F-in-lush ko na nang madalian iyon at iniwan ang picture kung saan ko 'yon nakita bago ako lumabas ng cubicle. Humarap muna ko sa salamin para saglit na ayusin ang sarili ko before I went outside the restroom---

"AAAAAAHHHH! Bastos ka!" I shouted habang pilit na ibinababa ang skirt na suot ko upang hindi niya ko masilipan.

Sino ba naman sisigaw nang ganoong kalakas kung may makikita kang isang lalaki na nakaupo sa harap ng pinto ng restroom at mukhang lantaran siyang naninilip sa mga kababaihan! Of all places, dito niya pa talaga naisipang gawin 'yon? He's so disgusting!

"Hayop ka, manyak ka!" Sigaw ko at sinipa-sipa ko siya.

Kita ko namang tumayo siya, and finally nagkita na rin ang mga mukha namin. Nabigla pa 'ko nang makita ko ang itsura niya.

Gwapo siya, singkit at maputi pero wala akong pakialam. Gwapo man siya o hindi, manyak pa rin siya!

"Ano bang sinasabi mo?" Maang-maangan niyang tanong.

"Gago ka pala, e! Lantaran ka na ngang manilip tapos i-de-deny mo pa!"

"Sinisilipan kita? Are you sure?" At mukhang wala pa rin siyang plano na umamin, e huling-huli na nga siya sa akto!

Grabe 'to, wala siyang konsensya!

"Unang-una, naabutan kita na nakaupo sa harap ng pintuan ng restroom na 'to at sakto namang lumabas ako.

Ngayon, kaya mo pa bang i-deny na hindi mo talaga 'ko sinisilipan?! Do you still deny na hindi ka naninilip? Come on!"

Nakita kong humakbang siya papalapit sa 'kin hanggang sa maging malapit na talaga ang pagitan ng mga mukha namin. Gustuhin ko man na lumayo sa kaniya o sipain ang bayag niya, e hindi ko 'yon magawa dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko. I felt like my body was trembling.

'Teka, bakit nga ba 'ko kinakabahan?'

"Miss, nagtatali lang ako ng sapatos at hindi naninilip, okay? Masyado yatang malawak iyang imagination mo at kung saan-saan na nakarating."

Nang masabi 'yon ay agad rin siyang lumayo at tuluyan na 'kong tinalikuran para umalis. Habang ako naman ay iniwan niyang mukhang tanga rito at patuloy na in-a-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya.

"Nagtatali raw siya ng sapatos kaya ko siya naabutan na nakaupo? Ano'ng kagaguhan iyon? Reason niya bulok!" I blurted out of frustration before started walking.

"Ate, why do you seem mad?"

Pabalik na sana ko ng venue nang may madaanan akong isang batang babae. She was looking at me wearing her puppy-like eyes. She's so cute but the curve on her lips is mirrored.

Lumuhod ako upang maka-level ko siya. "Nothing," I answered at bahagyang natawa. "How about you? Why are you sad?"

"I'm lost," she uttered and started crying. "I can't see where my Tito was!" Her sobs become louder.

Dali-dali ko siyang niyakap at sinubukang patahanin. "Don't cry na. I will try to help you find your Tito, alright?" I said as I faced her. "So stop crying na. Let's find your Tito, instead."

"R-Really?"

I nodded. "Can you describe what your Tito looks like?"

"He told me that if someone ask about his physical appearance, ang sabihin ko raw ay gwapo siya." She answered.

Hindi naman mahangin ang Tito nito, 'no? Sana hindi siya mahawa sa kayabangan. Tsk.

"Aside from that, what else?"

"Hmm, he is---"

"Bea?"

When I heard someone talking behind me, I felt like that voice seemed familiar. I turned around to meet him---

"Why are you here? Sinusundan mo ko, no?!" I said nang makita ang lalaki na nanilip sa akin kanina. Ayaw pang umamin, pero ini-i-stalk ako.

"I should be the one to ask not you," mayabang nitong sabi. "Bakit kasama mo ang pamangkin ko? May balak ka bang ibenta ang laman-loob niya?"

Napanganga ako. So this little girl's Tito ay itong manyak na 'to? Hindi ako nagkamali, saksakan nga ng yabang ang Tito niya.

"She's asking for help to find her Tito kaya tinulungan kong hanapin. Malay ko bang demonyo na pala 'yong hinahanap ko." I mumbled. "Anyway, do not ever lose sight of this precious little girl again. Be a responsible Tito for her."

I glanced at Bea and gave her a smile before leaving that place. Sana wala nang mas isasama pa ang araw ko na 'to. Of all people, bakit isang kagaya ng lalaki na 'yon pa ang makikita ko? Talaga bang polluted na ang mundo ng mga kagaya niyang saksakan ng yabang?

Ahh, kairita!

"Ano'ng mukha 'yan, Margaret? Matigas ba ang tae mo at mukhang nahirapan 'yang mukha mo na ilabas iyan?" Yan agad ang isinalubong ni Julia sa 'kin.

"Funny ka na niyan?"

"Sinabi ko bang nag-joke ako? Wala naman, 'di ba?"

Hindi ko na lang siya pinansin pa at inabala ko na lang ang sarili na panoorin ang mga tao na nasa harapan ngayon ng isang hindi kalakihan na entablado sa gitna kung saan naroon ang newlywed.

They seemed so happy while glancing at each other. They're so cute.

Wala pa ring pagbabago sa eksena kanina, maingay pa rin ang mga tao at halatang nagkakasiyahan sila. Ang newlywed ay masayang nasa gitna ng isang hindi kalakihang entablado habang ang ilan sa mga kababaihan ay nasa harap nila.

Nakatalikod ang bride at naghahanda siyang ihagis ang hawak niyang bouquet of roses.

Hmm, alam ko na 'yan, e. Ang sinuman na makakasalo ng ihahagis niya, e sinasabing ang susunod raw na ikakasal. Akalain mong may mga tao pa rin pala na naniniwala roon.

"Ano'ng inuupo-upo mo riyan? Bukod tanging ikaw lang ang nakaupo, mahiya ka nga!" Saway sa 'kin ni Julia.

Noon ko lang din napansin na kanina pa pala sila nakatayo ni Delancy sa pwesto ng table namin habang ako ay lutang dito kaka-monologue.

"Makisali tayo roon!" Pag-aaya ni Delancy habang nakaturo kung nasaan ang kumpol ng mga tao.

"Kung pera sana 'yang ipapasalo ng bride, e baka sumali pa 'ko---"

"Pera man iyan o ano, sasali tayo. Okay?"

At magkatulong nila 'kong hinatak patungo roon at nakisiksik kami sa gitna ng mga nagkukumpulang tao.

Talagang tatanga lang ako rito at wala 'kong balak na makisalo sa kanila dahil hindi naman ako naniniwala sa paniniwala nila, e.

"I ain't traditional," bulong ko sa sarili.

"Alam niyo naman na 'to siguro, 'no? Basta ang makakasalo nitong bouquet of roses na hawak ko, malamang siya na ang susunod na ikakasal. Chance niyo na 'to, baka kayo na 'yon." Litanya ng Tita ni Julia.

Ang mga tao naman ay excited na. Mapa-lalaki man o babae ay handang sumalo ng hawak nitong bouquet of roses para lang umasa na sila na ang susunod na ikakasal.

Sus, hindi naman sa hawak niya nakasalalay kung kailan dapat maikasal ang isang tao, e. Mga Pinoy nga naman, masyadong naniniwala sa mga bagay na hindi naman kapani-paniwala.

"Here we go!" At iyon na ang naging go signal para ihagis niya ang hawak na bouquet of roses.

Nang tingnan ko ang direksyon kung saan ito la-landing ay nakita kong papunta 'yon sa gawi ko kaya naman nawalan na rin ako ng choice kundi ang saluhin na lamang ito kaysa naman masapul ako sa mukha---

Pero ang mas ikinagulat ko nang hindi lang ako ang nakahawak dito, kundi mayroon pang isang pares ng kamay ang katuwang ng kamay ko sa pagsalo ng inihagis na bouquet of roses.

Nang tingnan ko kung sino ito...

"Ikaw?!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status