“Ako nga Naomi! Surprise! Masaya ka bang makita ako?” tanong nito sa akin sa nang-aasar na tono.“Bakit ikaw Xian?” tanong ko rito at naupo sa bakanteng silya.“Bakit? Ayaw mo sa akin? Sino bang gusto mo? Si Maxwell na naman?” Hinampas nito ang mesa na siyang dahilan upang pagtinginan kami ng mga tao sa loob ng kwartong ito.“Anong pinagsasasabi mo? Maxwell and I were over, well, I g-guess.” Sumandal ito at tumawa ng peke habang tinitingnan ako sa nanghuhusgang mga mata.“Pwede mong lokohin ang iba pero hindi ako Naomi! Alam kong mahal mo si Maxwell, pero sorry to say this, iyang nararamdaman mo? Mababalewala rin yan dahil simula sa araw na ito, akin ka na! You are mine Naomi! Mine alone!” sigaw nito at hinatak ako palabas.Nang makarating kami sa dulong pasilyo ay sinandal ako nito sa pader habang nakakulong ako sa pagitan ng kaniyang mga bisig. Napalunok ako nang maramdaman kong nakatingin siya sa akong labi.“A-Anong ginagawa mo?” tanong ko rito sa kinakabahang tono.“Inaangkin ka.
“Naomi! Sandali!” sigaw nito at hinabol ako hanggang sa labas.“Ano? Papatayin mo rin ba ako ha? Kagaya doon sa mga litratong may mga pulang marka? Bakit nandoon si Xian ha? Anong balak mo sa kaniya?” sunod-sunod na tanong ko rito habang patuloy lamang siyang nakahawak sa braso ko.“Hindi mo ako naiintindihan Naomi!” sigaw niya na siyang dahilan upang mapangisi ako.“Pwes, ipaintindi mo! Kaya ba ayaw mong may pumasok sa kwartong iyon sapagkat marami kang tinatago? Halos lahat ng tungkol sa akin ay alam mo Maxwell! Ta’s ang tanging nalalaman ko lang sa iyo ay ikaw ang asawa ko na hindi ko naman ginusto!” sigaw ko rito sabay hampas sa kaniyang dibdib.“Pinagsisisihan mo ba ang nangyari sa atin Naomi?” tanong nito at binitawan ako.“Oo! Pinagsisisihan ko ang lahat! Baka nga pakana niyo pa ang nangyaring pagguho ng site kaya nasa hospital ngayon si daddy!” sigaw ko rito at tinulak siya papalayo.“Ha! Iniisip mo talaga na ganyan ako kasama? Pwes, may isasama pa ako! Huwag na huwag ka nang
Lumabas na ako ng restaurant pagkatapos ng nangyari kanina. Tulala lamang akong naglalakad papalapit sa sasakyan ni Xian.“Naomi? Are you okay? Nakatulala ka!” bungad sa akin ni Xian pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng sasakyan.“A-Ah! W-Wala HAHAHA busog lang siguro ako!” saad ko saka isinuot ang seatbelt.“Nakita ko iyon Naomi! Nakita ko kung paano ka niya sinalo! Gustong-gusto mo naman!” singhal ni Xian sa akin na siyang dahilan upang tingnan ko siya ng masama.“Pwede ba Xian? Ayokong makipagtalo sa iyo okay? From now on, sayo na ako at akin ka na! Tayo na!” saad ko kaya naman ay bigla itong humarap sa akin sa hindi makapaniwalang mga tingin.“T-Totoo? Tayo na?” tanong nito, naninigurado.“Oo naman, tayo na!” saad ko at bigla ako nitong niyakap kaya niyakap ko na rin siya pabalik.“Ang saya ko!” saad nito habang tumatawa na animo’y nanalo sa lotto.Hindi kita mahal Xian pero kaya kong gawin ito at sakyan ang mga trip mo para lamang malaman kung ano ang ugnayan ninyong dalawa ni
Binuksan nito ang likod ng sasakyan saka kami pumasok, hindi pa rin namin binibitawan ang labi ng isa’t-isa.“M-Maxwell!” tawag ko sa pangalan niya. Huminto naman ito at tiningnan ako sa mga mata.“Hmm?” sagot niya sa nagtatanong na mga mata.“Mali ito! May Xian na ako at mayroon ka na ring Shekinah!” singhal ko sa kaniya na siyang dahilan upang bumitiw siya sa pagkakahawak sa aking batok.“Pero ikaw ang aking asawa! Kahit saang anggulo mo tingnan, ang relasyon natin sa kanila ang mali at tayo ang tama!” saad nito at naupo sa gilid ko.“Hindi mo kasi naiintindihan Maxwell! Kapag nakita tayo ni Maxine o kahit sino pang may kaugnayan kay Maxine ay paniguradong malalagot tayo!” sigaw ko sa kaniya kaya napatingin naman siya sa akin nag masinsinan.“Maxine? Anong kinalaman ng ate ko sa ating dalawa?” tanong nito sa akin at napakuyom pa ito ng kaniyang kamao.“Wala!” sagot ko at tumingin sa labas upang makawala sa kaniyang nakakasindak na tingin.“Magsabi ka sa akin Naomi! Anong kinalaman n
Napatingin ako sa paligid kasabay ng mga bulungan na aking naririnig. Ang alam ng lahat dito ay si Xian na kasintahan ko dahil iyon naman ang gusto ni Maxine.“Xian! Anong pinagsasasabi mo?” tanong ko rito at ngumisi lamang siya.“Akala mo wala akong alam? Naomi, nakita ko kayo! Nakita ko kung paano ka halik-halikan ng lalaking iyan!” sigaw nito sa akin saka lumapit kay Maxwell at inambahan ng suntok.“Sige! Kapag dumapo iyang kamao mo sa mukha ko, hindi ka na sisikatan ng araw rito!” pagbabanta ni Maxwell sabay tutok ng kaniyang baril kay Xian.Saan nanggaling ang baril na iyan? Wala namang baril dito kanina? Nagsigawan ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa ni Maxwell kaya naman ay tiningnan ko siya ng masama saka ko binaba ang kamay nitong may hawak na baril. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito kaya hindi ko ito makuha.“Maxwell! Ano ba? Ibaba mo iyan! Baka maiputok mo pa!” singhal ko rito saka niya binaba ang kaniyang baril na may halong ngisi.“Pasalamat ka Xian! Mataga
“Anong pinagsasasabi mo? Umayos ka nga! Parang kanina lang tayo nag-anuhan tas kung ano-ano na pinagsasasabi mo riyan!” singhal ko sa kaniya at natawa lamang ito.“Kanina lang? Sigurado ka bang kanina lang tayo gumawa ng kababalaghan? If I remember it correctly, may nangyari sa atin dati, sa bahay pa nga iyon ng mommy mo eh!” saad nito kaya naman ay tinakpan ko kaagad ang kaniyang bibig saka ko tiningnan ang paligid.“Mahiya ka nga Maxwell! Kung ano-ano ang mga lumalabas sa bibig mo!” saad ko at binatukan siya.“Aray! Walang sakitan! Patapos na ako, hintayin mo na lang ako.” Tumalikod na ako at dumiretso sa kaniyang sasakyan.Nagpatugtog lamang ako ng musika rito habang hinihintay siyang dumating. Ang tagal naman ng isang iyon! Ilang kawali ba ang kinain niya? Ampotchi naman oh!Mga ilang minuto pa ang nakalilipas habang sinasabayan ko sa pagkanta ang musika ay siya ring pagdating ni Maxwell habang may dala-dalang mga kahon ng pagkain. Nagtaka naman ako saka niya ako sinenyasan na buks
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahawak ako rito saka ko tinignan nang masama si Maxine. Itinaas nito ang kanang kilay niya saka ako nginisian.“M-Maxine!” saad ko saka ko siya hinawakan sa braso.“Huwag na huwag mo akong hahawakan! Traydor ka! Akala ko ba ay may pinirmahan ka nang kontrata? Ano pang silbi ng kontratang iyon kung makikipagkita ka pa rin sa kapatid ko? Nakipaghalikan ka pa talaga!” sigaw nito sa akin saka ako sinampal-sampal.Napahawak ako sa dalawa kong pisngi habang patuloy pa rin nilang sinasampal. Tahimik lang akong umiiyak habang nakayuko at walang kalaban-labang napaupo sa sahig.“Masakit ba? Ha Naomi? Masakit ba?” sigaw sa akin ni Shekinah, alam ko naman na sa kaniya na si Maxwell pero deserve ko ba ito?Tumayo ako saka ko tinulak si Shekinah na siyang dahilan upang matumba siya. Nang mapahiga na ito sa sahig ay saka ko siya pinatungan sabay sabunot dito.“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso para saktan ako? Higad ka! Kung tutuusin nga ako
“Positive? S-Sandali! Magiging ninang na ako? Omo! Seryoso iyan?” tanong nito sa akin kaya naman ay tumango lamang ako.“Patingin nga ako! Baka joke time ito!” Inagaw nito sa akin ang pregnancy test saka tiningnan nang mabuti.“Natatakot ako!” saad ko kaya naman ay tiningnan ako nito sa mata saka siya ngumiti.“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala! Dapat natin itong ipaalam kay Maxwell, panigurado, matutuwa iyon!” Kinuha niya ang kaniyang telepono at akmang tatawagan na sana si Maxwell nang bigla kong kunin ito at pinigilan siya.“Huwag! Hindi pwede! Walang dapat makaalam nito, lalong lalo na si Maxwell.” Tumalikod ako at lumabas saka naglakad-lakad sa tabing-dagat.Sasabihin ko ba ito kay Maxwell? Ngunit kapag nalaman ito ni Maxine ay paniguradong magagalit iyon.Pinutol ko na rin ang koneksyon namin ni Maxwell kaya hindi ko ipapaalam sa kaniya ang pagbubuntis na ito. Hindi pa naman sigurado ’di ba? Magpapacheck-up pa ako para makasigurado.Dahil sa balitang ito ay agad naming naisip