“What are you saying?” nauutal niyang tanong.
Nakuha pa niyang magtanong kahit hindi na normal ang pagtibok ng puso niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nahanap ang sariling dila. Parang biglang huminto ang paghinga niya nang mapagtantong boses ni Lloyd ang narinig niya sa aparato.
Umayos siya ng upo at kinuha ang kumot upang ipantakip sa sariling katawan. Pakiramdam niya kasi ay nasa paligid lang si Lloyd at nagmamasid sa kaniya.
Pero imposible naman yata ang iniisip niya. Hindi alam ni Lloyd kung saan siya nakatira. Maliban kung nagtanong ito sa mga kasama nila sa trabaho.
Tumayo siya at pinulot ang damit na hinubad niya kanina.
Ano ba naman kasi ang naisip niya’t naghubad siya sa harap ng salamin. Akala niya tuloy character siya sa isang porn site.
“Are you done moaning my name?” seryosong tanong ni Lloyd sa kabilang linya na nagpatigil sa kaniyang pulutin ang underwear niya.
Tumayo siya ng tuw
Kinabukasan, tulad ng napang-usapan nila ng Dean, maaga siyang pumunta sa university. Pinag-usapan nila ang mga expenses and other matters tungkol sa five days training seminar nila na sa Cagayan de Oro ang venue. Hindi niya talaga tinapunan ng tingin ang binata, at ganon din ito sa kaniya. Be professional, Sharon.Mas okay na nga siya sa gano’n, iyong walang titigan. ‘Yong tipong parang casual lang ang lahat. Dahil kung bumalik sa pagiging malikot si Lloyd, ewan na lang niya talaga. Baka hindi na niya alam kung anong gagawin niya.Focus. Paulit-ulit na pagpapaalala niya sa sarili. Kung hindi lang katawa-tawa tingnan na sapukin niya ang sariling ulo, ginawa na niya sana.Pilit niyang inintindi ang mga sinasabi ni Dean na kanina pa inaayos ang suot nitong salamin. Kailangan na talaga yata nito ng bagong salamin sa mata.Lahat daw ng expenses nila ay shoulder ng university at may three thousand allowance rin silang matatanggap.Sinc
Sharon, wasn’t even anyone he imagined he would meet. Babae na hindi niya talaga inakalang matatagpuan niya. Sino ba namang mag-aakala na ito ang gugulo sa matino niyang sistema?At ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng ganito kagandang babae. May magandang ngiti, magagandang mata na palaging may pilyang kislap at ang boses nitong tila ba’y inaakit siya.Hindi niya kayang tumingin sa iba kung ang mata ni Sharon ang tinitingnan niya. Nakakaakit iyon kahit ayaw niyang magpaakit.Ang malambot at matamis nitong mga labi, noong unang kita pa lang niya rito ay gusto na niyang matikman kung anong lasa nito. And when he tasted it, he couldn’t get enough of her.Lloyd shook his head, kailanman ay hindi nangyari kay Lloyd na magkakaganito siya. Halik pa lang ngunit parang mababaliw na siya.Hindi naman siya ganito. Hindi siya madaling mahulog sa mga babae. Nakakatawa na ang isang lalaking hindi na marunong mags
Hanggang sa kotse ay hindi pa rin kayang pigilan ni Lloyd ang tawa niya dahil sa ginawa niyang kabaliwan. Mga kabaliwan na hindi niya inakalang magagawa niya. Sa buong buhay niya ay hindi niya inisip na magiging ganito siya dahil lang sa isang babae na hindi pa matagal niyang nakilala. Sabi nga niya sa sarili, hindi naman siya ganito noon. Ano kayang nangyari sa kaniya?Imagine, he spent another thousands of his money para maisagawa ang kabaliwan na ito. Walang awa niyang sinayang ang pera na pinaghirapan niya para lang maisakatuparan ang ganitong kalokohan. Aminin man niya o hindi, parang hindi na niya kilala ang sarili niya.Bigla yata siyang nagbago nang hindi niya napapansin. Parang isang pitik lang at kumpas ng kaniyang kamay ay nagbago ang kaniyang ugali.Baka may sakit siya. Malalang sakit na kailangang ipatingin sa doctor.He’s seriously sick. Sick in love. He shook his head in disgust. No one can make him fall in love, no one.Kahit
Hindi alam ni Sharon kung ano ang dapat maramdaman sa mga oras na iyon. Kung dapat ba siyang makaramdam ng inis o galit na talaga. Kung dapat ba siyang magwala at itapon ang mga gamit niya. Grabe, ito ba ‘yong dahilan ng biyahe niya?Okay, kalma. Kumalma ka, Sharon. Okay? Pagod ka lang. Maaga pa siguro at hindi pa dumadating ang ibang instructors. Okay kalma, paulit-ulit niyang pagkalma sa sarili.Walang tao, walang mga guro o instructors sa hall na siyang inaasahan niya. Lintik! Mali yata ang napuntahan nilang venue!Palagay niya ay hindi ito ang venue na dapat nilang puntahan. Maliban sa parang hindi naman ito pinagdadausan ng isang seminar ay para itong mansiyon. Parang isang malaking bahay ng mayayaman. Halos wala ngang tao eh, maliban doon sa isang babae na nagpupunas ng vase malapit sa pintuan na pinasukan nila kanina.Patuloy pa rin siya sa pagkalma sa sarili. Siguro, maaga pa talaga. Kailangan lang talaga niyang kumalma. Siguro hindi pa prep
Kinabukasan, excited na siyang lumabas sa kaniyang kuwarto. Tapos na siya sa kaniyang morning routine. Tapos na siyang maligo, magbihis, maglagay ng mga kung ano-ano sa mukha. Tapos na rin siyang magsulat ng 500 words sa kaniyang story.Mamaya kapag may time siya, dadagdagan niya ‘yon. Gano’n lang ang routine niya. Tuwing umaga ay nagsusulat siya, naglagay talaga siya ng quota para kahit papaano ay umuusad na siya.Mahirap na, baka mawalan na naman siya ng gana at kung ano-ano na naman ang maisip niyang gawin upang umusad lang ang kuwento na naiwan na ng panahon.Napahinto siya at muling bumalik sa kuwarto. Maiwan na ang lahat, huwag lang ang wallet at cellphone niya.Nang makuha niya ulit iyon ay lumabas na muli siya ng kuwarto.Bitbit ang maliit niyang wallet at personal computer ay tinahak ni Sharon ang makipot na daan patungo sa hagdan. Hindi na siya nag-abalang puntahan ang binata sa kuwarto nito kahit madadaanan naman niya iyon da
Malakas at nakakatakot na hangin, walang tigil na pagbuhos ng ulan, malalakas at kagimbal-gimbal na kulog at kidlat. Senyales na may paparating na bagyo o baka nga ay dumating na talaga. Nakapikit lang si Sharon at nilalabanan ang takot na lumulukob sa kaniyang katawan.Hindi naman siya takot sa kidlat o bagyo noon pero isipin pa lang na wala siya sa sarili niyang bahay ay hindi niya maiwasang makaramdam ng takot at pangamba. Bakit ngayon pa dumating ang bagyo na ‘to kung kailan si Lloyd lang ang kasama niya. Well, maliban doon sa dalawang kasambahay na nakausap niya kaninang umaga.Matapos niyang kausapin si Lloyd tungkol sa damit niya ay hindi ito pumayag na lumabas siya ng bahay upang bumili dahil malakas na pala ang hangin at may ulan na rin pero hindi pa naman masiyadong malakas. Delikado na raw kung pipilitin pa niya kaya hindi na rin siya nagpumilit.Tumalikod na lang siya sa binata at bumulong na maghuhubad na lang siya hanggang sa makauwi sila. Bu
Walang nangyari sa kanila. Pagkatapos niyang maabot ang tuktok ng kaligayahan ay hinalikan siya nito sa noo at kinuha ang cellphone at lumabas ng kuwarto. Kailangan daw nitong tawagan ang Ina.Tulala siyang tumingin sa nilabasan nitong pintuan. Gano’n lang ‘yon? Wala ng iba? Hindi ba dapat ay mag-usap sila?Sabagay, ano ba dapat ang pag-usapan nila.Tumingin siya sa kisame. Kung puwede lang tanungin ang kisame sa lahat ng mga bagay na nalilito siya ay ginawa na niya. Kung sana puwede lang dito isumbat lahat ng hinanakit niya sa buhay, kaso magmumukha lang siyang tanga.“Bakit gano’n? Paano na lang kaya ako kung may girlfriend na pala siya? Paano ako?”Umupo siya at niyakap ang tuhod. Masakit isipin na may girlfriend na si Lloyd, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ang tanga niya rin kasi, binigay niya ang sarili ng ilang beses na hindi alam kung ano ang status ng lalaki.Paano na lang kaya kung may pamily
Maagang nagising si Sharon. Dali-dali siyang nagligpit at nagbihis. Natatawa pa rin talaga siya sa ginawa niya kagabi. Para siyang addict na pinilit si Lloyd sa gusto niyang mangyari.Ang ayaw niya sa lahat ay ‘yong nabibitin siya. Para tuloy siyang loka-loka na pinilit si Lloyd na tuwang-tuwa naman sa inasal niya kagabi.Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya ng kuwarto. Halos mapatalon pa siya sa gulat nang makita na naman niya ang babae na nakita niya roon noong isang araw.Ngumiti ito sa kaniya na may dalang tray ng pagkain.“Akala ko po hindi ka po lalabas, Ma’am. Kaya dinalhan ko na kayo ni Sir ng pagkain,” magalang nitong saad sa kaniya.“Ay nako, nag-abala ka pa. Doon lang ako sa kusina.”“Sige po.”Sinundan niya ng tingin ang babae na bumaba. Nang hindi na niya matanaw ang dalaga ay doon pa lang niya isinara ang pinto ng kuwarto at sumunod dito.Nang makababa na siya