Share

Punishment

"Ano, Sapphire? Nakumbinsi mo na ba?" Isang umagang kadadating ko lang sa room ay tinanong agad ako ni Pres.

 

Binaba ko ang bag ko bago sumagot. "Hindi pa."

 

"Ayusin mo. May oras pa naman." She left.

 

Naupo na ako sa upuan ko. Medyo hindi maganda ang mood ko. Nabababdtrip ako. Hindi ko alam kung bakit.

 

Jade is here busy on her phone. Si Amethyst naman ay wala pa.

 

"Bakit wala pa si Amethyst?" I opened a conversation.

 

"Hindi ko alam. Tinatanong ko nga rito sa gc natin." she answered without looking at me.

 

"Ano raw sabi?" I asked again.

 

"Hindi naman nagrereply."

 

Dahil wala pa namang teacher, nilabas ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Magfefacebook muna ako.

 

I opened the messages first on the group chats before opening the F******k app. I scroll down on my news feed.

 

May mga dumaan na mga pictures, posts, and shared posts from my peers. Nilike ko ang mga dumaan sa feed ko na mula kay Jade at Amethyst. Mahilig sila magpost.

 

Nagulat ako nang may nagpop-up sa chatheads ko! Dinig na dinig ang tunog ng messenger! Hindi nakasilent ang phone ko!

 

Naramdaman kong napatingin si Jade sa akin. Kaya naman medyo tinakpan ko ang phone ko.

 

"May kachat ka?" she asked.

 

"W-wala." nauutal kong sagot.

 

Hindi ko sasabihin sa kanila ito dahil alam kong gagawan nila ito ng issue.

 

Hindi na siya nangulit pa. Binuksan ko ang messenger app at binuksan ang mensahe ni Xenon. 

 

Aren't you going to see me today?

 

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang mensahe niya. Bakit na naman ako kinakabahan?

 

Hindi ko muna siya nireplyan. Nagtingin muna ako ng mga stories. Pinindot ko ang story ni Amethyst.

 

It's a stolen picture of her crush beside her, driving a car. It's just five minutes ago. Kailangan makita ni Jade ito!

 

"Oh my God, Jade. Look at Amethyst's story," sabi ko.

 

"Pinatay ko na ang data ko. Patingin."

 

Kinuha niya agad sa akin ang cellphone ko. Hindi na ako nakaangal dahil nakuha na niya. Titignan lang naman ang picture, bakit kailangan pang kuhanin?

 

"Oh my gosh, Sapphire. Chatmate na kayo ni Xenon?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Ang lakas ng pagkakasabi niya!

 

Agad kong kinuha ang cellphone sa kaniya. Napansin ko naman na nakatingin ang mga kaklase namin sa akin.

 

Sabi ko na nga ba. Gagawan nila ng issue ito. Wala pa man din, alam ko na ang iisipin nila. 

 

Good thing, our teacher has came. Dali-dali kong pinatay ang data ng phone ko at nilagay ito sa aking bulsa.

 

"Good morning," malamig na sabi ni Ms. Mercado. Siya ang adviser namin.

 

Nalate si Amethyst. Nasa gitna ng pagtuturo si Ms. Mercado nang dumating siya. Kaya naman pinagalitan siya sa harap ng klase. Para sa akin, isa iyong pamamahiya. Bilang parusa nga raw ay may iuutos siya kay Amethyst mamaya kasama ang dalawa niyang kaibigan. Sino ba ang dalawang kaibigan na iyon? Edi kami!

 

Pagkatapos ng klase namin kay Ms. Mercado ay pinasunod niya kami sa kaniya. May susunod pa kaming klase pero ang sabi niya ay wala siyang pake. Kailangan daw naming maparusahan. Samantalang si Amethyst lang ang nalate!

 

I have really no idea why Ms. Mercado is being like this to us. Nagsimula ang pagpapahirap niya sa aming tatlo simula noong Grade 11 kami. Siya rin kasi ang adviser namin noon. Malas dahil hindi na nagpalit ng adviser ngayon.

 

For me, she's a bitch. Palibhasa isang bata at magandang guro kaya ganito ang ugali. If I will estimate her age, she is probably on her mid-twenties.

 

Tumigil kami sa likod ng bleachers ng College Department. Bakit dito niya kami dinala? Bawal kami rito!

 

"Clean this place," aniya.

 

Inikot niya ang mata niya sa paligid at nang makita ang mga walis tingting ay lumapit siya sa kinalalagyan noon at kumuha ng tatlo. Inabot niya ito sa amin.

 

"Huwag kayong babalik sa Senior High Department hangga't hindi kayo tapos dito." Then, she left.

 

I roam my eyes around the place. Malawak ito. Hindi masyadong marami ang b****a pero maraming dahon ang nagkalat.

 

"Girls, let's start." matamlay na sabi ni Jade.

 

"I really apologize for this," ani Amethyst.

 

"It's okay. Next time, ayusin na lang natin ang mga galaw natin kapag nasa harap ni Ms. Mercado. Mainit ang dugo niya sa atin," si Jade.

 

We start sweeping the floor. Kumalat kami para naman mas mabilis ang gawain. Buti na lang hindi mainit.

 

Hindi kami nagpapansinan. Seryoso lang kaming tatlo sa pagwawalis. Kung kanina ay ako lang ang wala sa mood, ngayon malamang ay sila rin.

 

After a few minutes, I felt tiredness. Hindi nga ako pinaglilinis ng bahay tapos pagwawalisin ako rito!

 

Napatigil ako sa pagwawalis nang may makita akong pares ng dalawang paa sa harapan ko. Tinignan ko kung sino ang may-ari ng mga paa na iyon.

 

"Anong ginagawa mo rito?" Bumalik ako sa pagwawalis.

 

"Anong ginagawa mo rito?" I sense sarcasm on his voice. Maybe he wants to point out that we're not supposed to be here.

 

I looked at my friends. Kumunot ang noo ko nang mapansing malapit na sila sa amin at bilis ng galaw nila na kunwaring nagwawalis!

 

"We're sweeping here," I aswered Xenon.

 

"Why? You're not supposed to be here. This territory is not your responsibility."

 

"Xenon, it's a punishment," I explained.

 

"By whom? Why give you this kind of punishment?"

 

I sighed. Ayoko makipagtalo. Masyado akong pagod para makipagtalo o sagutin ang mga tanong niya.

 

Slowly, I looked into his face and speak. "Can you please just get us some water?" I made my voice as soft as I can.

 

I witnessed how his expression changed. From being a hard one into a soft one. "Okay. Wait for me."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status