Pahina 23
Nagpahinto ako kay manong driver sa may katabing kainan malayo-layo na roon sa tulay na kung saan kami nagkatitigan ni Greg.
'How come na nandito siya sa Maynila? 'Di ba nga na sa probinsya siya kasi siya ang nagpatuloy sa negosyo ng papa niya?'
Sinabunutan ko ang buhok ko dahil
Pahina 24Dalawang linggo ang nakalipas simula noong nagkita ulit kami ni Greg ng malapitan. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon pa rin ang nararamdaman ko sa kanya, kahit na labis-labis ang pagkamuhi ko sa kanya. Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang itinitibok nitong tanga kong puso. Kung pwede nga lang higitin ang buhay na buhay kung puso sa mismong dibdib ko ay ginawa ko na, para itapon ito at maghanap ng ibang puso. Natatakot ako, natatakot hindi d
Pahina 25'Mukhang paninigasan ako nito ng leeg kung hindi pa kami makarating sa destinasyon na pupuntahan namin.'Halos hindi ko na iginagalaw ang ulo ko, simula pa nang nakasakay ako rito sa sasakyan at na sa labas na ng bintana na ako nakatanaw. Habang malalim na nag-iisip na kung bakit ako pumayag na sumabay sa kanila.
Pahina 26"Alam mo Ivez, hindi ka nakakatuwa. Diyan ka na nga." dali-dali kong inihakbang ang mga paa ko papalayo sa kaibigan. Hindi ko kayang magdesisyon nang hindi ko pa pinag-iisipan.Hindi naman kasi tama na kahit wala akong gusto sa kanya, e bibigyan ko siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya sa akin. Hindi pa umaalim ang sugat sa nakaraan, wala akong balak na punan ng pasakit ang aking kalooban.
Pahina 27Dumaan ang ilang linggo ay hindi na nga nagkatagpo ang landas namin ni Greg pati iyong anak niyang si Luis. Panatag ako na hindi ko na sila nakikita nitong mga nakaraang araw, nawalan ako ng kaunting tinik sa aking puso. Pero ayos na sana..."Ang lalim yata ng iniisip mo, may problema ka ba Elle?" naibalik ko ang sariling pansin sa realidad nang kausapin ako ni tita Dina ngayon sa hapag.
Pahina 28Buong araw lang akong nakatitig sa bulaklak na bigay sa akin kanina ni Ivez, pati na rin ang tsokolateng nakabalot ng gold na foil. Kaibigan ko si Ivez, naging malapit kami simula no'ng mapadpad kami ni tita rito sa siyudad. Wala kaming ni sinong mahihingan ng tulong, sa kadahilanang wala kaming kapamilya na naririto. Bukod-tangi lang kaming dalawa ni tita na umalis sa probinsya para ilayo ang aming mga sarili sa mga alaalang mapanakit.
Pahina 29Sampung shots na ang naiinom ko sa gabing ito, nararamdaman ko na ang malakas na tama nitong brandy at tequilla na salitan kong tinutungga. "Ivez, isa pa." hindi na halos maibuka ang mata ko sa bawat pagbanggit ko ng bawat mga salitang sasabihin. "That's enough Elle, hindi ka na
Pahina 30Malakas pa rin ang tibok ng puso ko kahit na nakabihis na ako galing sa mahabang oras na pagkaligo. Hindi ko alam kung bakit ganito. Para akong hinahabol ng mga aso sa kanto at nagtatakbo. Kinalma ko ang sarili ko gamit ang electric fan na nabili ko sa mall. Maliit lang ito na fan, handable lang ito. Nilapit ko ito sa aking mukha para mahimasmasan ang mukha.
Pahina 31Walang inilalabas na boses sa pagitan namin ni Greg, na sa passenger seat kasi ulit ako pinaupo ng bata. At si Luis pa talaga ang nagsabing hindi ako pwedeng umupo sa likod dahil hihiga siya kapag nakatulog sa byahe. E, sino ba naman ako para pumalag? Ako na nga 'tong pinasakay, ako pa itong choosey. Ano naman ngayon kung katabi ko na naman ulit itong si Greg na hindi mapakali ang mga matang tinatapunan ako ng tingin.