Hingal na hingal si Anhiro na dumating sa kwartong kinalalagyan ni Terra kung saan andito rin si Kerk, binabantayan ito."Anong nangyari?" Naghahabol ang hininga na tanong nito."May anak na sana kami kaso nawala pa na parang bula." Tulalang sagot ni Kerk."Gago ka pare! Sabi ko ingatan mo siya pero pinabayaan mo. Tangina!"Galit na sagot ni Anhiro."Sorry.""What sorry can do? Andiyan na 'yan at nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Anhiro."Sabi niya lalabas lang siya para magpahangin." Agad siyang tumakbo papuntang labas pero wala naman siyang nakikitang Mesaiyah. Nilibot niya buong hospital pero wala. Napaupo nalang siya sa bench na pinagupuan kanina ni Mesaiyah. Napakapit siya sa ulo at sinipa ang dahon na kalalaglag lang.Nakahiga si Mesaiyah sa lupa. May tali ang magkabilang kamay at may tela ang bibig. Binuhusan ng isang lalaki ng isang timbang tubig ito para magising. Naghahabol siya ng hininga nang siya ay magising. Napatingin nalang siya ng sobrang sama sa lalaki at mapait naman n
Sampung tao ang nakaharap sa matanda, pantay na nakahilera at may tig-iisang dalang baril at ang bawat laman na bala nito ay may labing-lima. Ito ang pagsubok na kailangang lagpasan ni mesaiyah, kailangan niyang makailag sa bawat bala na pakakawalan ng mga tauhan ng matanda. Nakakabingi ang katahimikan, andoon din sina Razec, Denstah, Kerk at Anthea, kabilang sila sa mga taong nakahilera, kabilang sila sa mga taong pahihirapan si Mesaiyah samantalang si Anhiro, nakatungo lang na tanging patak ng kanyang luha sa lupa ang naririnig, mahigpit niyang hawak ang kwintas na ibinigay niya kay mesaiyah, mahigpit na nakatikom ang kanyang kamay, nagagalit ang mga kamao niya na para bang gusto niyang manapok. Ito na ang araw na kailangang patunayan ni Mesaiyah ang kanyang sarili sa harap ng lolo ni Anhiro subalit...darating kaya siya?Kagabi, walang tigil pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa may makita siyang van. Napansin niya itong sasakyan na papaalis noong siya ay papasok ng hospital at naisip
Walang nakakaalam kung nasaan si Mesaiyah. Gustong hanapin ni Anhiro ito pero hindi niya alam kung paano, hindi na muling tumawag sa kanya ang lalaki o kaya'y magparamdam man lang at sabihin kung ano talaga ang ginawa ng mga ito kay Mesaiyah.Kapag makita niyang muli ang lalaki ay hindi na siyang magdadalawang isip na patayin ito. Hindi niya kilala ang lalaki na 'yun pero alam niyang may galit ito sa kanya.Bakit siya pa ang kinuha nila. Pwede namang ako nalang? Sabi niya sa kanyang sarili.Nakaupo siya sa ilalim ng street light, isa ito sa mga ilaw na dinaanan nila noong sabay silang naglalakad ni Mesaiyah pauwi. His tears fell over and over again. Siguro, hindi titigil ang pagtulo ng kanyang luha hangga't hindi niya nakikita si Mesaiyah. Kahit sobrang yaman mo, marami kang pera, kayang-kaya mong bilhin ang lahat ng bagay pero kapag ang mahal mo na ang nawala, money is nothing because you couldn't buy the time that have been passed. 'Yung oras na wala kang nagawa para sa kanya, sobra
Si Anhiro ay nasa harap ng bahay ni Denstah. Nakasandal sa kanyang motor habang sinisipa ng kanyang sapatos ang lupa. Hawak niya pa rin ang kwintas, simula nang mawala si Mesaiyah ay hindi niya pa ito nabibitawan. Napatigil siya sa pagsipa ng lupa nang maisip niya ang kanyang lolo. Kailangan niyang makausap ang matanda ngayon kaya nagmadali siyang pumunta sa resort na kinalalagyan ng matanda gamit ang motor. When he finally arrived, tinawag niya agad ang kanyang lolo na ngayon ay naglalaro ng golf. Napatigil ang matanda sa paglalaro nang marinig ang boses ng apo. Bumukas ang kwarto kung saan naglalaro ang matanda, nagulat siya nang biglang lumuhod sa kanyang harapan ang apo."I will marry, Kosuri." wika niya habang nakaluhod. Natawa lang ang matanda sa kanyang sinabi."In one condition." he added."Ano 'yun?" Tanong ng matanda."Ipahanap mo si Mesaiyah para sakin." natawa na naman ang matanda at ipinagpatuloy na ang paglalaro."Ha-ha-ha! Okay. As you said Anhiro. Ipapahanap ko si Mesa
Nililibot niya ang mansyon ng kanyang ina, nakawheel chair siya at ang nagtutulak ay ang katulong. Namumukhaan niya ang babaeng nagtutulak sa kanya, siya ang school nurse ng eskwelahan na pinapasukan niya nung highschool siya. Nagtataka nga siya kung bakit naging katulong ang nurse dito pero mas pinili niyang wag nalang magtanong dito."Pakitigil po." Tumigil sa pagtutulak ang katulong. Suminghap siya ng hangin habang nakapikit ang mga mata. Mataas ang tirik ng araw at parang gusto niyang magpuntang park ngayon."Pwede ba tayong pumunta sa park?" Tanong niya sa katulong."Hindi po pwede. Bilin ni madam wag kang dalhin sa malayo." Napasimangot si Mesaiyah sa sagot ng katulong."Malayo ba ang park dito? Ilang oras ba bago makapunta dun?""Bawal po talaga kayong lumabas ng bahay. Maraming naghahanap sa'yo sa labas, nanganganib ang buhay mo." Paliwanag ng katulong."Sige na po. Please. Sandali lang naman tayo dun eh. Gusto ko lang panoorin ang mga batang naglalaro. Ako na po ang bahala ka
Nakajacket siya, nakabonnet na kulay itim, may bag sa likod at makikita mo pa rin sa kanyang dibdib ang kwintas na hindi buo ang heart. Hinihintay na ni Anthea, Denstah at Razec si Anhiro sa labas ng bahay pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Nasa harap siya ng bintana, tinititigan ang mga puno at ang mga ibon na lumilipad. Napasinghap siya ng malalim, tinikom ang kamao at sinuntok ang pader, may tumulong dugo sa kanyang kamay. Hindi niya maalis sa isip ang mga ala-ala ni Mesaiyah. Kung paano nagconfess sa kanya si Mesaiyah ng tunay niyang nararamdaman, kung paano niya yakapin ng mahigpit si Mesaiyah, kung paano sila naglalakad sa ilalim ng buwan, kung paano niya halikan ito para pakalmahin, kung paano sila naghaharutan sa isa't-isa.Ayaw niyang umalis pero kung ang pag-alis niya ang tanging paraan para maprotektahan si Mesaiyah ay gagawin niya kahit masakit. Lumabas na siya sa kwarto, nakatungo at nasa magkabilang bulsa ang kamay kahit na may dugo ito."Okay ka lang?" Tanong ni
"I'm here to save you." He said. Lumapit siya kay Mesaiyah at umupo sa tabi ng kaibigan na umiiyak. Isinandal niya ang kanyang ulo sa kama habang ang kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod."Let me be the one to ease your pain. Kahit ngayon lang bilang kaibigan mo, bilang bestfriend mo." Sabi niya at niyakap niya ng mahigpit si Mesaiyah, nakasandal ang ulo ng babae sa dibdib ng lalaking kaibigan habang nababasa ng kanyang luha ang damit nito. Patuloy ang pagluha niya, mahigpit siyang nakahawak sa braso ni Angelo habang mahinang tinatapik-tapik nito ang likod ni Mesaiyah. Nang mahimasmasan na siya sa pag-iyak , nagpasalamat ito sa kaibigan."Thank you." Sabi niya."Responsibilidad ko bilang kaibigan mo na icomfort ka. Wag ka ng magpasalamat. Ngayon nalang ulit ako babawi sayo. Ang dami kong pagkukulang sa'yo bilang kaibigan." Ngumiti lang ng pilit sa kanya si Mesaiyah. Pinunasan ni Angelo ng magkabila niyang kamay ang luha ng kanyang kaibigan.**Huminga muna siya ng malalim habang nakap
2 years later ***There is no permanent thing in this world, the only permanent thing we can have from being alive to death is LOVE. When we die, we leave our memories and promises on earth but the love will always remain in our heart.Everything has changed after the lost of Mesaiyah's memories. But she can put them back together, she can put her memories into the right place because her love for Anhiro is still alive in her heart and mind.Magtatapos kaya ang storya niya sa and they lived happily ever after katulad ng sa fairytale? O katulad lang ng sa movie ang magiging end nito? Walang happily ever after, walang forever pero merong true love.True love ang sagot sa mga taong hindi naniniwala sa forever and happily ever after dahil ang true love, magkalayo man kayo, marami mang tutol sa pagmamahalan niyo, marami mang ayaw sa inyo, pagtatagpuin at magtatapos ang storya na kasama mo ang iyong true love. Makakatuluyan kaya ng prinsesa ang true love niya para masabing and they lived ha