Share

Chapter 10

Oras ng siesta at hindi pa naman ako kailangan ni Lino kaya niyaya muna ako ni Berto magpunta sa market para raw bumili ng ilang kakailanganin nila. Para na rin akong nakahanap ng kaibigan sa katauhan ni Berto. Magka-height lang kami tapos ang daldal niya rin kaya nagkakasundo kami.

"Kaya matagal na kaming magkaibigan. Sana'y hindi lang din katrabaho ang tingin mo sa'min. Ituring mo kaming kaibigan na rin para maging magaan ang buhay," nakangiting sabi ni Berto habang tumitingin ng gunting. Matagal na pala kasing nagtatrabaho si Berto kina Lino, bata pa lang daw sila. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral ng medisina si Lino sa Europa at nang bumalik, nagtrabaho ito ng ilang buwan sa Maynila hanggang sa napagdesisyunan nitong magtungo rito dahil nakausap nila doon ang dating alcalde mayor ng bayang 'to. Wala ritong doktor kaya naisip nilang maglakbay papunta rito. Ninong ni Lino ang dating alcalde mayor kung kaya't imbis daw na pabantayan ang bahay sa ibang tao, pinahiram na lang kay Lino. Hiram lang. Hindi naman kasi dito magtatagal si Lino. Pero hindi rin nila sigurado kung kailan sila aalis. Para silang nagtatravel. Ang saya naman!

Gusto ko sanang itanong kung anong araw at taon na ngayon pero baka mag-taka si Berto. Paano ko ba iyon isisingit? Wala akong makitang kalendaryo. Bumili na rin ako ng mga kakailanganin ko. Next time na ang mga wants ko. Needs muna. Palakad-lakad lang muna kami ni Berto sa market. Ang daming tinitinda pero kakaunti ang tao. Baka kasi nagsiesta rin sila. Gosh, dami nilang time matulog. Samantalang noong nasa law school ako, kulang na kulang ang oras ko.

May nakikita kaming ilang guardia civil at hindi naman nila ako nakikilala. Hindi nga nila kami iniintindi. Pero nagagalit sila sa ibang Pilipino kapag hindi sila binabati. Aba! Sila 'tong dayuhan pero sila 'tong nagdiyo-diyos-diyosan! Hindi ko matiis na pinagagalitan nung Guardia Civil iyong mga kapwa ko Pilipino. Minumura na nila 'to at lahat-lahat pero walang naiintindihan ang mga Pilipinong iyon sa Kastila kaya hindi sila nagagalit. Ako ang nagagalit. Lalapitan ko na dapat sila nang may nagsalita.

"Mon..."

Napatingin ako sa humawak sa braso ko at nakita ko si Lino na nakasakay sa kabayo habang nakahawak sa braso ko. Hindi ko napansin na nandito na pala siya. Siguro kasi busy akong tingnan iyong mga Kastila at Pilipino. "Lino," sambit ko. Ang seryoso ng mukha niya. Binitawan niya ako at naupo na siya nang maayos sa kabayo. Tiningnan niya ang tinitingnan ko. Umalis na pala iyong mga Kastila at bumalik na rin sa dating ginagawa nila iyong pinapagalitang Pilipino.

"Huwag ka na lamang mangingialam sa mga bagay na walang kinalaman sa iyo para hindi maging magulo ang iyong buhay," seryosong tugon niya kaya kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Ang selfish?

"Baka pati ikaw ay mapagbuntungan ng galit," wika ni Berto. "Ganyan talaga sila, nais nilang tingalain," poker face na sabi niya pa. Nararamdaman niya siguro ang nararamdaman kong galit kasi pareho kaming Pilipino pero si Lino, hindi. Akala ng iba, isang mestizo si Lino pero sabi ni Berto, purong Kastila ito na sa Espanya pinanganak pero dito na lumaki. Isa siyang peninsulares. "Ano palang ginagawa mo rito?" tanong ni Berto kay Lino.

Iginala ni Lino ang paningin habang naniningkit ang mga mata dahil sa init. Namumula na siya. Medyo magulo rin ang kulot niyang buhok. "May hinahanap lang," sagot niya.

"Iyong binibini na naman ba?" natatawang tanong ni Berto. "Marahil ay umalis na iyon."

"Hindi ako sigurado. Nakita kong nasa bangin iyong mga damit niya. Tila hinulog niya roon," sagot ni Lino. Kinabahan ako bigla. Buti hindi niya ako inabutan doon.

"Nak'wento sa'kin ni Berto ang tungkol sa kanya," sabi ko kaya napalingon siya sa'kin. "Bakit mo pa siya hinahanap?"

"Tila nanganganib ang kanyang buhay. Nais niyang magpakamatay," aniya na may kaba sa boses.

"Ngunit sabi mo, huwag mangingialam sa mga bagay na wala tayong kinalaman," sabi ko kaya napakunot-noo siya. Sus, everything that you say can be use against you.

"Huwag mong gamitin sa akin ang mga natututunan mo sa abogasya, Mon." umiwas na siya ng tingin at pinatakbo na ang kabayo palayo sa'min. Napailing na lang kami ni Berto habang natatawa.

"Tila may tinamaan ng pag-ibig ngayon," bulong ni Berto habang nakatingin sa papalayong Lino.

"Ibig mong sabihin, nahulog siya sa binibining iyon nang ganun kabilis?" medyo gulat na sabi ko. Shemay! Ako 'yun e!

Natawa si Berto at tiningnan ako. "Tila, Mon. Hindi ako sigurado," pamimilosopo niya kaya natawa na lang din ako. Stupid, Lemon. Be mindful naman. Nabubulol na nga ang dila ko sa straight Filipino, pati ba naman utak ko, nabubuhol?

Nang mabili namin ang kailangan namin, sumakay na kami sa karwaheng dala ni Berto. Nagpaturo pa nga ako sa kanya kung paano magpatakbo ng karwahe at ang saya pala. Nakakatakot lang kapag bumibilis ang takbo. Baka kung saan kami makarating.

"Josefa," sambit ko nang makita ko si Josefa na naglilinis na ng bahay at may isa pang katulong siyang kasama. Naaalala ko sa kanila sina Ate Aida at Ate Amy. Ang sisipag nila e tapos parang mga kapatid ko na rin.

"Ginoong Mon, natanggap ka?" tuwang-tuwang tanong niya kaya napangiti ako at tumango.

"Mon na lang. Si Berto nga pala," pakilala ko kay Berto.

"Nagkakilala na kami, kanina pa. Hindi ba't magkasama kayo kanina," natatawang sabi ni Berto. "Oo nga pala, may gagawin pa ako," sabi niya pa at saka umalis bitbit ang mga pinamili niya kanina.

"Dito ka rin ba manunuluyan?" tanong ko sa kanya at pinagpatuloy niya na rin ang pagpupunas ng mga gamit at mesa. Medyo maalikabok talaga kasi ilang araw o linggo ring hindi ginagalaw. Hindi naman naglilinis ang mga tagapangalaga.

"Oo. Ikaw rin ba?" nakangiting tanong niya.

"Oo," I answered. "Paano si Lola Juana? Mag-isa lang siya sa bahay," nag-aalalang sabi ko. Matanda na siya. Dapat nga, hindi na siya lumalabas mag-isa ng bahay kasi baka mapano pa siya.

"Naroroon naman ang Manong Pedro at ang asawa niyang si Manang Hiyas. Hindi mo lang sila nakita dahil hinatiran ni Manang Hiyas ng pagkain sa bukid si Manong Pedro," paliwanag niya. Napatango ako at napalagay na ang loob. Akala ko mag-isa lang siya e. Sinong hindi mag-aalala?

Bumalik na ako sa loob ng silid ko para ipasok ang mga pinamili ko. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at may mga bago na ulit akong damit. Hindi na ako bumili ng sapatos. Hindi ako komportable sa sapatos nila. Pareho naman kaming flat sandal ni Lino kaya okay na rin siguro 'tong akin. Ganito rin ang nakita kong soot ng mga Prayle kanina.

Nilibot din namin ni Berto ang bahay para maging pamilyar kami sa lugar. Nagpaturo pa ako sa kanyang sumakay sa kabayo at ang saya pala. Tinanggal lang namin sa kalesa iyong kabayo para masakyan ko. Magtatakipsilim na nang makita kong dumating si Lino at nasa loob na rin ng bahay si Berto. Tumalon si Lino mula sa kabayo at mabilis naman akong lumapit sa kanya. Nabobored na kasi ako. I wanna do something.

"Lino, ayos ka lang?" tanong ko kaya napatingin siya sa'kin pero hindi siya tumigil sa paglalakad. "Nahanap mo ba?"

"Hindi. Ngunit hindi rin ako susuko hangga't hindi ko nalalamang nasa maayos siyang kalagayan," seryosong sabi niya. "Bakit ka nasa labas?"

"Nilibot ko ang buong bahay at ang paligid nito para maging pamilyar. Ganun na rin ang bayan kanina para kung may iuutos ka'y alam ko na kung saan ang pasikot-sikot ng lugar." ngumiti ako at tumango naman siya nang bahagya. I even saw him merely smiling. Bakit parang kinokontrol niya na ang emosyon niya pagdating sa'kin? Hindi naman siya ganyan kanina sa interview.

"Magaling. Maaari ka nang magpahinga," tugon niya. Nasa loob na kami ng bahay at papunta siya sa office niya.

"Wala kang ipapagawa? Hindi pa ako pagod," sabi ko. Pumasok na siya sa office niya at nakasunod naman ako.

"Tapos na ang oras ng trabaho. Bukas, kilalanin mo ang mga tao at mga importanteng tao rito tulad ng mga Prayle, mga namumuno, mga negosyante." ang dami niya pang sinabi bago niya ako hinarap. Nakaupo na siya sa table niya. "Magpasama ka kay Berto."

"Bukas pa 'yun. Wala kang ipapagawa sa akin ngayon?" I asked. Hindi ko na siya masyadong maaninag kasi madilim na sa silid plus there's no source of light here. But the only thing I'm sure, he's looking into my eyes as if he wants to see something. "Dadalhan kita ng ilawan," nakangiting sabi ko kaya napangiti siya at tumango nang bahagya at saka umiwas ng tingin.

Lumabas ako ng office niya at nagpunta sa kusina kung saan nagluluto sina Josefa at Maria na kasamahan niya rito. Nandito rin si Berto, nakikipagchikahan. Ang friendly niya talaga. Para siyang si Torn, madaling makisama sa mga taong minsan niya lang nakilala. "Kailangan ko ng ilaw," sabi ko kay Josefa.

"Gasera ba, Mon?" she asked so I nodded. Binigyan niya ako ng gasera na may sindi na at sumama na rin siya sa'kin para maglagay ng mga kandila sa dining area kasi malapit na raw kumain. Tawagin ko na rin daw si Lino after some minutes.

Nang pumasok ako sa office, nakita ko si Lino na nakatulala lang sa bintana at ang dilim na rin ng silid. "P'wede ba akong sumama?" tanong ko dahilan para matauhan siya at mapatingin sa'kin. Bahagya akong natawa. "Ang layo na kasi ng iniisip mo," sabi ko pa. Nilapag ko ang gasera sa table niya at napansin na nakakalat ang mga papel. Wala pa akong alam sa paper works na ginagawa niya pero kung gagabayan niya ako, mas madali ko siyang matutulungang ayusin lahat nang 'yun.

"Naninibago lang," sambit niya sabay hinga nang malalim. pinatong niya ang mga siko sa mesa at tumitig sa mga gamit niyang nasa mesa.

"'Yung... 'yung Binibining nagligtas ba sa inyo?" tanong ko kaya napatingin siya sa'kin. "Bakit alalang-alala ka sa kanya?"

"Niligtas niya kami. Gusto ko rin siyang tulungan."

"Ngunit tila ayaw niyang magpatulong."

"Paano mo nasabi?" kunot-noong tanong niya.

Nagkibit-balikat ako sabay buntong-hininga. "Hindi ka niya paaalisin kung gusto niya. At kung nailigtas niya kayo, tiyak na kaya niya ring iligtas ang sarili niya. Huwag ka na mag-alala sa kanya. Isipin mo muna ang sarili mo," sabi ko pa. Kung siya man ang past life ni Third, gagawin ko ang lahat, maging ligtas at mapayapa lang ang buhay niya rito. Hindi ko na siya idadamay pa sa gulo ng buhay ni Liwan. Dapat nga, hindi na lang sana ako nag-apply rito kaso nandito na ako e. Tsaka hindi naman sila magtatagal so maghihiwalay rin kami soon. All of this will be temporary. I just need money. "Tulungan na kaya kita rito? Ano ba ang mga ito?" tanong ko habang tinitingnan ang mga gamit niya.

Sa pagpapaturo ko, nagawa kong idistract ang isipan niya sa'kin at may natutunan pa akong bago. Hindi niya talaga mahahanap ang taong hinahanap niya kung hindi siya titingin sa harapan niya. Nandito na ako e. Ayaw ko lang talagang magpahanap.

During dinner, sabay-sabay kaming kumain kasama sina Berto, Josefa, Maria, ako at Lino. Ang saya namin. Ang daldal talaga ni Berto at medyo tahimik sina Maria at Josefa. Baka nahihiya pa. Si Lino naman ay nakikipagk'wentuhan din pero hindi namin siya kasingdaldal. Palangiti si Lino at pala-k'wento. Magaling makibagay. Para talaga siyang si Third. O baka namimiss ko lang si Third kaya nakikita ko siya sa kamukha niyang si Lino? I dunno anymore.

"Lino..." tawag ko sa kanya kasi ilang minuto lang after dinner ay nakita ko siyang dumaan sa sala at mukhang lalabas siya. Lumalalim na ang gabi.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya nang makita akong naglalakad palapit sa kanya. Mga kandilang may sindi lang ang nagbibigay liwanag dito sa sala so I can't see him clearly.

"Maaga pa," sabi ko. "Saan ka pupunta?"

"Malalim na ang gabi. Anong maaga pa," natatawang sabi niya. Jusko, mukhang 8pm pa lang e. 12am ako natutulog.

"Maaga pa e," natatawang sabi ko pa. "Saan ka pupunta?"

"Hindi mo na iyon trabaho," aniya at nagsimula nang maglakad palabas kaya sumunod naman ako. Mukhang hahanapin niya na naman ako. Paano ko ba siya mapapatigil? Pinapagod niya lang ang sarili niya.

"Ngunit sabi mo'y maging magkaibigan tayo," sabi ko naman.

"Hindi naman kailangan malaman lahat ng isang kaibigan."

"Hahanapin mo siya?" tanong ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Hindi pa siya nakakapagsalita nang unahan ko na siya. "Sasama ako."

"Mon..." mahinahong sambit niya. Gosh! Naririnig ko si Third. Pero hindi siya si Third. Umayos ka Lemon!

"Hindi pa ako inaantok at pagod," sabi ko agad.

Bahagya siyang natawa at napailing. "Wala ka talagang kapaguran. Sige na nga," aniya dahilan para lalo akong maexcite. Maaliwalas ang gabi, maraming star at may moon pa rin naman pero hindi na full. Sumakay kami sa kabayo. Tig-isa kami. Gamit ko iyong kabayo ng karwahe. Kay Lino naman ang iyong puting kabayo na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Baka bumili siya rito? Mukhang mayaman siya e.

"Marunong ka ba talagang mangabayo?" natatawang tanong ni Lino habang pinapanood ako. Ang bagal na nga ng takbo ng kabayo pero kinakabahan pa rin ako.

"Sensya na, kanina lang nag-aral e." kainis naman. Parang gusto ko na lang umuwi. Kanina kasi, gusto kong gumala kasi bored na bored na ako.

"Kaya mong patakbuhin?" tanong niya pa.

"Jogging lang siguro," I said. Kung nagawa ko kanina sa karwahe, baka magawa ko rin ngayon. Baka!

"Jogging?" he asked.

"Ah ano parang lakad-takbo sa Tagalog. Jogging sa Ingles," paliwanag ko kaya napatango siya.

"Sige, sundan mo ako," tugon niya at nagsimula na patakbuhin este jogging iyong kabayo niya. Ginawa ko naman ang ginagawa niya at hindi ko maiwasang mapangiti kasi ang bait ng kabayo ko, sumusunod siya sa'kin. Kabayo ko talaga? "Magaling. Mabilis kang matuto," aniya kaya napangiti ako.

"Salamat."

"Kung papayag ka, maaari kitang turuan mangabayo ngunit may kapalit," aniya. I dunno where we are going but I'm just following him. Wala na kasi akong makitang kabahayan. Puro damuhan, puno at mga insekto na lang ang nakikita ko.

"Anong kapalit?" I asked.

"Turuan mo ako ng wikang Ingles."

"Sige, deal," nakangiting sabi ko. Ang saya kaya mangabayo. Feeling ko, ang tangkad ko lalo.

"Deal?" natatawang tanong niya.

"Areglado," sabi ko pa. "Gagawan kita ng diksyunaryo tapos magtanong ka na lang kung may nais ka pang malaman." hindi ko naman memorized ang dictionary. I'll just write those basic words that he can use in daily life.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami ni Lino sa burol na pinanggalingan ko kahapon. Ang layo pala nito sa bahay niya tapos nakarating pa siya rito kahapon. "Dito mo siya nakita?" I asked habang ginagala ang paningin. As if naman na makikita ko ang sarili ko somewhere.

"Oo. Umaasa akong makikita ko ulit siya ngayong gabi," aniya sabay talon sa kabayo at ginawa ko rin iyon. Ti-nap ko pa ang ulo ng kabayo because he's a good horse.

"Hindi siya magpapakita sa'yo kaya magtago muna tayo. Baka kung ano pang isipin niya dahil nandito tayo," sabi ko. Pumayag naman siya kaya nagtago kami sa likod ng malaking puno na may mga nagtataasang damo. Naupo kami sa damuhan. Baka may ahas dito. Dapat pala, hindi na lang kami nagtago! "Anong gagawin mo kapag nakita mo siya?" tanong ko pa.

Huminga siya nang malalim at napatingala sa kalangitan. Nasa likuran namin ang mga kabayo na tahimik na kumakain ng damu. "Kakausapin. Aalamin kung paano ako makakatulong," sagot niya.

"Paano kung ayaw niya magpatulong?" malalagay ka lang kasi sa alanganin. Gusto siyang patayin ng mga Prayle at Guardia Civil e.

"Gagawa pa rin ako ng paraan---"

"Para masuklian ang pagligtas niya sa inyo?" napatingin siya sa'kin pero hindi siya nagsalita. Huminga ako nang malalim. "Niligtas niya kayo ng kusa. Hindi ka niya sinisingil."

"Bakit tila pinipigilan mo akong makita siya?"

"Sasamahan ba kita kung gusto kitang pigilan?"

"Ngunit iyon ang ipinahihiwatig ng mga sinasabi mo."

"Gusto ko lang tumingin ka sa dalawang bahagi. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo sa paghahanap sa taong ayaw naman magpatulong," diin na sabi ko kaya kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. Ako na ang umiwas ng tingin sa kanya kasi parang biglang lalabas si Lemon. Baka mabatukan ko pa 'to e. "Ngunit subukan pa rin natin ngayon. Kung wala talaga, marahil ay lumisan na siya sa bayang 'to," dagdag ko. Bakit ba ang hilig nilang magpadamay sa gulo ng ibang tao? Kaya sila napapahamak e.

Ilang minuto pa kaming tahimik na naghihintay sa wala nang magsalita na si Lino. "Bakit nasunog ang bahay niyo?" he asked kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin na pala siya sa'kin.

"Mga kaaway sa lupain. Nais din nila akong mamatay. Hindi ako makalaban kasi mga Prayle at Guardia Civil ang kalaban ko," sagot ko. Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin sa kanya. "Ayoko na sanang pag-usapan pa." ngumiti ako nang mapait. "Hayaan mo sana akong kalimutan ang nakaraan. Nais kong magkaroon ng bagong buhay sa bayang ito." paano ko kakalimutan ang bagay na hindi ko naman alam na nangyari? Katauhan iyon ni Liwan at hindi na ako ngayon si Liwan. Ayaw ko na lang na pag-usapan pa namin kasi baka mabuko niya akong nagsisinungaling. Ang mahirap sa pagsisinungaling, kailangan nating tandaan lahat ng sinasabi natin para hindi tayo mahuli. Mas mabuti nang magsabi ng totoo o huwag na lang magsalita.

Halos mag-uumaga na nang umalis kami ni Lino sa burol na iyon at wala kaming nakitang babaeng dumating kasi wala naman talagang darating. Katabi niya na ang hinahanap niya e. Isang oras lang din ang tulog ko kasi kinailangan ko pang ayusin iyong mga papeles na inaayos niya kagabi. Natigilan ako sa inaayos ko nang pumasok si Berto.

"Mag-aalmusal na. Gigisingin ko lang si Lino," aniya at bago pa siya makalabas ay tinawag ko agad siya.

"Huwag na. Hayaan mo na siyang magpahinga. Umaga na kasi kami nakabalik," kalmadong sabi ko kaya bahagya siyang napatango at naglakad palapit sa'kin. Naupo siya sa tapat ng mesa habang ako ay nandito sa gilid. Hindi naman ako p'wedeng maupo sa chair ni Doc, 'no. That's not my chair. May table naman na ako sa labas nitong mismong office. Sa loob kasi ng opisina ay may isa pang office. So ako muna ang makakarecieve ng lahat bago si Lino.

"May nakita ba kayo?" he asked. Umiling ako habang pinagpapatuloy ang ginagawa. I just have to sort these. Ginulo nung mga nagtangkang magnakaw sa kanila e. "Sa tingin mo, nandito pa kaya siya?"

"Maliit lang ang bayang ito. Kung nandito pa siya, makikita agad natin siya," I said.

"Diyan ka nagkakamali, kapatid," aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya at hahagya siyang natawa. "Malaki ang bayang ito, kalat lang talaga ang mga bahay. At mahihirapan tayong makita siya dahil hindi namin siya namukhaan."

"Bakit kailangan siyang hanapin?" kunot-noong tanong ko at tumango naman si Berto. Pareho kaming napapaisip ngayon. "Kung nagpakamatay siya, madali siyang mababalita sa bayang ito. Pero wala. Ibig sabihin, ligtas siya."

"Tinanong mo si Lino kung bakit gusto niyang mahanap iyong Binibini?"

"Gusto niya raw tulungan kasi tinulungan din kayo," sabi ko at muling bumalik sa ginagawa ko.

"Sa aking palagay, may iba pang dahilan. Siguro'y naaalala niya doon si---"

"Berto," ani Lino na bigla na lang pumasok sa office kaya sabay kaming napalingon ni Berto sa kanya. Bagong gising lang siya, ang gulo pa ng buhok at naniningkit pa ang mga mata. "Bakit ka nandito? Hindi tambayan ang aking tanggapan," seryosong sabi niya pa habang naglalakad papunta sa upuan niya hanggang sa makaupo siya rito. Tumayo naman si Berto at ngumiti.

"Sumunod na lamang kayo dahil mag-aalmusal na," ani Berto bago naglakad palabas. Napatingin sa'kin si Lino kaya napalunok ako sa kaba. Bakit parang nakakatakot siya ngayon?

"May ipapagawa ka?" tanong ko habang hawak iyong mga papel na sinosort ko pa.

"Ginagawa mo na," aniya kaya napatingin ako sa mga papel at bahagyang napangiti pero nakapokerface pa rin siya. "Mamaya mo na iyan tapusin. Lumabas ka muna," dagdag niya. Shems! Hindi ako sanay iwan ang mga ginagawa ko nang hindi tapos. Kaso mukhang gusto niya mapag-isa.

"I'll just do it in my table," mahinang sabi ko sabay buhat nung mga papeles pero agad din bumagsak sa mesa ni Lino nang hawakan niya ang ibabaw nito. "Bakit?"

"Sabi ko, mamaya mo na tapusin. Saan mo 'to dadalhin?" seryosong tanong niya.

"Sa lamesa ko, sa labas. Hindi ako sanay iwan ang trabaho nang hindi tapos," seryosong sabi ko naman. Aba! Huwag niya akong attitudan ha. Pareho lang kaming walang tulog, 'no.

"Sa susunod, kumain ka muna bago ka magtrabaho kung nais mong dire-diretso ang trabaho," pokerface na tugon niya bago niya binitawan ang ibabaw ng mga papel. Gusto ko magroll eyes ngayon pero pinipigilan ko. Baka badtrip lang siya kasi wala kaming napala kagabi.

Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Sige," mahinang sabi ko at saka binuhat ang mga papel. Napapasimangot ako habang naglalakad palabas ng office niya. Ano bang ginawa kong mali? Bakit parang kasalanan ko pa na wala kaming napala kagabi? Sinabihan ko naman na siyang tumigil na siya e.

"Mon," ani Berto na bigla na lang pumasok sa office ko. "Ayos ka lang?" natatawang tanong niya. Huminga ako nang malalim at naupo sa upuan ko naman. "Kakain na sabi. Tawagin ko lang ulit si Lino."

"Kayo na muna. Tatapusin ko muna 'to," sabi ko. Busog pa naman ako kasi nagkape ako. I need caffeine for my body e.

"Sige," he muttered as he walked inside of Lino's office. Hindi yata uso sa kanya ang katok. After a moment, lumabas siya nang napapailing. "Mamaya na rin daw siya kakain," ani Berto na kinakunot ng noo ko.

"Ano bang problema niya? Parang hindi maganda ang tulog?" naiinis na tanong ko.

Nagkibit-balikat si Berto. "Puyat lang siguro. Yayain mo na lang kapag kakain ka na. Walang ibang doktor dito kaya walang gagamot sa kanya kapag nagkasakit siya," ani Berto.

"Baka magkaulcer o TB?" I asked. Kumunot ang noo niya. "Wala. Sige na, mauna ka na." mabilis kong inayos ang mga papeles at lumabas naman na si Berto. Tumayo ako at kumatok sa pinto ni Lino. Nang tumugon siya, saka ko lang ito binuksan. "Kakain na raw," sabi ko. Napatingin siya sa'kin na parang nagulat pa sa'kin.

"Tapos ka na sa ginagawa mo?" he asked and I just shook my head. "Sige," aniya at bumalik na naman sa binabasa niya na kinakunot ng noo ko. Nandito lang ako sa pinto.

"Kakain muna ako. Kung sino raw huling kumain, siya ang maghuhugas," sabi ko kaya kunot-noo siyang napatingin sa'kin. Pinilit kong huwag matawa at agad na lumabas ng office niya. Dumiretso na ako sa dining area at naramdaman kong nakasunod na sa'kin si Lino. Sus! Ayaw niya lang maghugas e. Samantalang si Third, nakikipag-agawan pa sa'kin ng pkato, huwag lang akong maghugas kasi marami raw akong ginagawang digests. Namimiss ko na talaga siya. I didn't imagined myself missing him this much.

"Susunod din pala e," Berto murmured.

"Ayaw maghugas e," natatawang sabi ko sabay tingin kay Lino na nakaupo sa dulo ng mesa. Nasa kanan niya ako at nasa kaliwa si Berto. Katabi ni Berto sina Josefa at Maria.

"Sinong nagsabing maghuhugas ang huling kakain?" seryoso at nakakatakot na tanong ni Lino kaya napatingin sa kanya sina Berto, Josefa at Maria. Ang cute nila.

"Wala po, Señor," ani Josefa kaya napatingin sa'kin si Lino with his poker face. Agad akong umiwas habang natatawa.

"Baka magkaulcer ka kapag nalipasan ka ng gutom," mahinang sabi ko sabay subo ng kanin. Aba, hindi pa naman ako pamilyar sa mga gamot sa panahong 'to.

Tahimik lang kami sa hapag-kainan. It's so obvious that Lino is not in a good mood. Ang moody niya naman. Hindi nga talaga siya si Third. Si Third kasi, isa lang ang mood nun. Mang-asar with landi. Kamusta na kaya siya? Sana, whatever he's doing right now, he's always okay. He's not hurting sana. Baka ngayong wala na ako sa tabi niya, hindi na siguro siya ginugulo ng mga nanggugulo sa pamilya namin.

After breakfast, tinapos ko na iyong mga papers at inabot na kay Lino. Hindi niya talaga ako kinikibo. Galit yata dahil sa mga sinabi ko kagabi na hindi niya na mahahanap iyong babae. Wala naman siyang pinagagawa sa'kin kaya lumabas muna ako at nagpunta sa sala para makalanghap ng fresh air. Nakita ko sa gate si Josefa na may kausap na lalaking mukhang nasa mid-30s kaya patakbo akong lumapit sa kanila. Hindi kasi niya pinapapasok.

"Magandang araw po," bati ko dun sa lakaking parang natataranta. "Ako po pala si Mon. May kailangan po kayo?" I asked.

"Mon, si Lola Juana kasi..." naiiyak na sabi ni Josefa kaya bigla akong kinabahan. "Sa tuwing umuubo siya'y may dugo," sabi niya pa.

"Sandali, tatawagin ko si Lino," sabi ko at aalis na sana nang hawakan ni Josefa ang braso ko.

"Wala kaming pera pambayad sa doktor," umiiyak na sabi niya.

"Maghahanap kami ng albularyo. Napadaan lang ako kaya binalita ko na kay Josefa---" sabi nung lalaki pero hindi ko na siya pinatapos pa.

"Akong bahala," sabi ko. Baka may tuberculosis si Lola Juana. Kailangan siyang magamot agad. Tumakbo ako papunta sa office ni Lino at hinihingal na kumatok sa pinto niya. Siya na rin ang nagbukas nito. "Si Lola Juana, umuubo ng dugo," hingal na sabi ko.

"Puntahan natin siya," kalmadong tugon niya sabay kuha nung maliit na box na parang bag na may mga lamang gamot at kung anu-ano pa. Agad din kaming sinalubong ni Berto at mukhang alam niya na kung saan kami pupunta. Sakay ng karwahe kasama si Manong Pedro na kapatid pala ni Josefa, mabilis kaming nakarating sa bahay ni Lola Juana. Hindi na sumama pa si Josefa.

"Nagagamot naman po ang tuberculosis kaya huwag kayong mag-alala," pagpapakalma ko kay Manong Pedro at Manang Hiyas na nandito sa labas ng k'warto ni Lola Juana. Ang babata pa pala nila. Nasa loob ng k'warto si Lino para icheck si Lola Juana.

"Wala tayong pambayad sa doktor, Pedro," nag-aalalang sabi ni Manang Hiyas.

"Huwag na po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala." may natitira pa naman akong pera. Isa pa, malaki rin naman ang utang na loob ko sa family ni Lola Juana. Dahil sa kanila, nalaman ko kung saan ako p'wedeng mag-apply ng trabaho.

"Ngunit bakit niyo naman po iyon gagawin, Ginoo?" tanong ni Manong Pedro.

"Mabuting tao po si Lola Juana," nakangiting sabi ko. May sasabihin pa sana ako nang marinig ko si Berto na may sinisigawan. "Sandali lang po," sabi ko at mabilis na lumabas ng bahay. Sino bang kaaway ng Berto na 'to? "Hoy Berto, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Gulat siyang napatingin sa'kin at tiningnan ko naman ang tinitingnan niya. Nakita ko iyong mga Guardia Civil na may kasamang Prayle at pinalalayas nila sa isang bahay ang isang pamilya na nagsisiiyakan na at walang magawa kundi tingnan ang bahay nilang hinahalukay. Hindi ito nalalayo sa kinaroroonan namin. May napadaang kalesa rito at may bumabang babaeng mestiza. Inaabuso na naman nila ang mga Pilipino? "Sandali," mahinang sambit ko na may halong pagtitimpi. Mabilis akong naglakad papunta sa bahay na iyon. "Mawalang galang na ho," matigas na tugon ko kaya napatingin sa'kin ang Prayle na nakakunot-noo. Even the lady beside me looked at me too. Sino ba 'to? Nakikitsismis? Hindi rin yata nagustuhan ng Prayle ang pakikitungo ko. "Bakit niyo po sila pinalalayas sa bahay nila?" tanong ko pa.

"¿Qué estás haciendo?" (Anong ginagawa niyo?) tanong nung babae na magara ang baro't saya doon sa Prayle. Kumpara sa ibang baro't sayang nakita ko, magara ang sa kanya. Mukhang bagong tahi.

"Tienen que irse ahora porque no pagan impuestos antes de la fecha de vencimiento." (Kailangan na nilang umalis sapagkat hindi sila nagbabayad ng buwis sa tamang panahon.) sagot ng Prayle. Hindi yata nakakaintindi 'to ng tagalog.

"¿Tiene una lista de contribuyentes?" (May listahan po ba kayo ng mga nagbabayad ng buwis?) tanong ko naman kaya napatingin siya sa'kin at hindi nagsalita kaya kinausap ko iyong babaeng umiiyak. "Nagbabayad ba kayo ng buwis sa tamang panahon?" I asked. They nodded while crying.

"Lahat ng kinikita namin sa sakahan ay napupunta lamang sa buwis," umiiyak na sabi niya.

Muli akong tumingin sa Prayle. As far as I know from what I've studied, sila talaga ang naniningil ng buwis ngayon. "¿Tiene una lista de contribuyentes?" (May lista po ba kayo ng mga nagbabayad ng buwis?) tanong ko ulit.

"¿Quién eres tú? No te involucres aquí." (Sino ka? Huwag kang mangialam dito.) galit na sabi ni Father kaya napakunot ang noo ko.

"Parece que no tienes una lista de contribuyentes. ¿Cómo puede demostrar que no pagan impuestos a tiempo?" (Tila wala kayong listahan ng buwis. Paano niyo mapatutunayan na hindi sila nagbabayad ng buwis sa tamang panahon?) kalmadong tanong ko na lalo niyang kinainis.

"Padre Roque, el esta en lo correcto. Esto es un abuso de poder." (Padre Roque, tama ang Ginoo. Pang-aabuso naman ito sa iyong katungkulan.) seryosong sabi naman nung babaeng nasa tabi ko. Kilala niya pala ang Prayle. Nagugustuhan ko ang pinakikita niyang tapang ngayon.

"Esto no es un acto de abuso. Les he estado cobrando desde entonces pero no pago impuestos, por eso tengo que confiscar sus cosas." (Hindi ito pang-aabuso. Matagal ko na silang sinisingil ngunit hindi sila nagbabayad kung kaya't kukunin ko na ang kanilang ari-arian.) nagagalit na sabi ng Prayle.

"Pagas impuestos?" (Nagbabayad ba kayo ng buwis?) tanong ko dahilan para hindi sila makapagsalita. "No." (Hindi.) nakangising sabi ko na lalo niyang kinainis. Nilagay ko ang mga kamay ko sa likod at lumipat sa tabi ng Prayle habang pinapanood niya akong maglakad nang mabagal. "Naiintindihan mo ako?" I asked again and I got no response. "Hindi ulit. Nangangamkam kayo ng mga ari-ariang hindi naman inyo samantalang aquí eres un extranjero." (Isa kayong dayuhan dito.) natigil na rin sa pagkumpiska ng mga kagamitan iyong mga Guardia Civil kasi nakatingin na sila sa'kin. Hindi ko 'to panahon kaya hindi ako pamilyar sa mga batas nila pero ang alam ko lang, wala silang karapatan sa lahat ng nandito. Bakit masyado silang mapang-abuso? Ang gusto ng Reyna, tulungan ang mga Pilipino – hindi alipinin!

"Ginoo," kinakabahang sambit nung babae.

Mag-sasalita pa sana ako nang dumating sina Lino, Berto at Manong Pedro. "Mon, tama na," seryosong sabi ni Lino at mukhang gusto niya akong ibulsa para lang tumigil na ako sa mga pinanggagagawa ko.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang Prayle. "A la Reina no le gusta esto. Si la Reina se entera de lo que ha estado haciendo aquí, incluso el gobernador general estará en peligro." (Hindi ito gusto ng Reyna ng Espanya. Kapag nalaman niyang ganito ang mga pinanggagagawa niyo, pati Gobernador Heneral ay malalagay sa alanganin.) natigil ako sa pagsasalita nang hilahin ako ni Lino palayo sa natatakot na Prayle.

"Lo siento padre. Nos vamos." (Patawad, Padre. Aalis na kami.) ani Lino sabay hila sa'kin palayo. Sumunod din sa amin iyong babae kanina.

"Napakatapang mo, Ginoo," sabi nung babae habang naaamaze sa'kin pero si Lino, gusto yata akong gawing yelo dahil sa lamig ng mga mata niya. "Ako nga pala si Miranda Valencia," pakilala niya sabay tingin kay Lino na nakatingin lang sa'kin. Kaapelido niya ang Alcalde Mayor ngayon. "Hindi ba't ikaw ang bagong saltang doktor dito sa bayan ng San Adolfo?" she asked. Napatingin sa kanya si Lino. "Doktor Napoleon Fuentes, tama ba?"

Tumango si Lino at huminga nang malalim. "Pasensya na ngunit kailangan na naming umalis," malamig na tugon ni Lino at nagmadali nang sumakay sa karwahe. Mabilis din siyang sinundan ni Berto.

"Sana'y magtagpo pa ang ating landas," sabi ni Miranda kaya napangiti ako.

"Sana nga. Gusto ko ang ginawa mong pagtatanggol din sa kanila," nakangiting sabi ko kaya napangiti siya at nagtakip ng bibig gamit ang panyo.

"Maliit na bagay pa lamang iyon kumpara---" natigil siya sa pagsasalita nang marinig namin ang sigaw ni Berto at tinatawag na pala ako. Iiwan daw nila ako kapag hindi pa ako sumakay. Pagkasakay ko'y sobrang seryoso ng mukha ni Lino at hindi niya ako tinitingnan. Nilalamig ako sa tabi niya.

"Magkano ang singil mo sa kanila? Ako na lamang ang magbabayad," sabi ko kaya napalingon siya sa'kin.

"Hindi ako naniningil sa kanila," ani Lino. So ang bait niya naman? Para siyang si Papa. Minsan kasi, nagcoconduct din sila ng medical mission sa malalayong lugar.

"Mga mayayamang tao lamang ang sinisingil---" hindi na natapos pa ni Berto ang sinasabi niya kasi nagsalita na naman si Lino.

"Hindi ka abogado, Mon. Tigilan mo na ang pangingialam sa pamamalakad nila," utos niya kaya napalunok ako. Kung seryoso na ang mukha niya kanina during breakfast, dumoble yata ngayon. "Inilalagay mo lamang ang sarili mo sa kapahamakan," dagdag niya dahilan para hindi ako makakibo. Diretso lang ang tingin ko sa mga mata ni Lino na mahahalata kong nag-aalala sa'kin.

Bakit ganito siya sa'kin?

To be continued…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status