THIRTY-THREE (33)- Third Person’s POV – Madilim ang lahat sa paningin ni Ceejay. At tanging ilaw lamang ng kandilang nasa harap nito ang nagbibigay liwanag sa kanyang mukha. Nanghihina na ang buong katawan nito at halos pumikit na ang kanyang mga mata. Hindi niya man lang magalaw ang kanyang katawan dahil literal itong naging matigas. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang bibig ngunit walang boses na lumalabas mula dito. Kahit ang kanyang paghinga ay bihira na lamang niyang maramdaman at ang pagtibok ng puso niya ay bihira na rin. Tumigil ang panahon at oras ng lumantag ang tunay niyang kataohan. Nakabuka ang kanyang pakpak at kulay ginto ang kanyang buhok na paalon-alon sa himpapawig, habang binabaybay niya ang kalangitan pabalik sa posibleng lugar kung saan niya huling nakita ang binata. Sa sobrang bilis ng kanyang lipad ay halos mahati ang langit. Pinangungunahan man ng matinding kaba at takot, hindi pa rin siya nag-atumbiling magbakasakali. Nanlamig ang buong katawan niya nang ma
THIRTY-FOUR (34)- Rhea’s POV – Nang pumasok ako sa ComLab ay unang naka.agaw ng atensyon ko ang tingin ni Sir. Nakasimangot ito at nakaupo siya sa server. Marahan kung sinara ang pinto at maingat na naglakad papunta sa kanya para hindi madisturbo ang mga players. “Late ka na naman, Castino.” Mahinang wika ni sir habang nakatingin sa server. “Kanina pa nagsimula ang screening.” “Pasensya na po, sir. Tangali na po kasi ako nagising.” Paliwanag ko sa mahinang tono at tumingin na rin sa server. “Ikaw na mag.host dito sa set 1. Ako na sa set 2.” Paliwanag ni sir saka tumayo na siya. Hindi niya man lang hinintay ang magiging sagot ko at nagdederetso na siyang pumunta sa pinto at lumabas. At tanging nagawa ko lang ay pagmasdan siyang maglaho sa paningin ko. Bumuntong hinga ako bago umupo sa server at tinuon ang tingin sa monitor. Mukhang kilala ko ata ang mga heroes na nasa battlefield. Ginalaw ko ang mouse upang pumunta ang arrow nito sa mapa na nasa upp
THIRTY-FIVE (35)-Rhea’s POV –Pagkatapos akong suriin ng nurse ay lumabas na rin ito. Nakaupo sa dulo ng kama si Ceejay ng biglang nagtatakbong dumating si Mj at agad akong niyakap. Nakasunod sa likod niya si ate Cyrel at Almira.“Sobra akong nag.alala sayo.” Wika ni Mj sa gitna ng aming yakapan. I heard her sniff and she continued, “Salamat sa Diyos at maayos ang kalagayan mo.”Tumugon ako sa yakap niya kasabay ng mahinang pagtapik ko sa kanyang likod.“Wag ka nang mag-alala , ang importante ligtas ako.” Mahinang tugon ko.Dahan-dahan siyang humiwalay sa pagkakayakap at saglit na tumingin kay Ceejay. Mukhang sinusuri niya ito at tumingin ulit siya sa akin.“Okay lang ba yang kasama mo?” Pagaalala niya.Lumingon ako kay Ceejay, kasabay ng paglingon niya rin sa akin kaya nagtama ang tingin namin.Ngayong natitigan ko siya ay puno ng gasgas ang braso niya at may kontinfmg sugat din ang mukha niya. Paningin ko, hindi naman ganoon kalalim ang mga sugat niya.Ngumiti siya sa akin na nagp
THIRTY-SIX (36)-Rhea’s POV –From left to right, nakaupo sa mahabang couch sila Jc, Almira at Ceejay. Parehong nakayuko habang si Ate Cyrel naman ay nakatayong nakatingin sa kanilang tatlo at nakapamewang pa. Sa likod naman ni ate, nakaupo kaming dalawa ni Mj. Parehong bored na nakatingin sa kanila.“Sabihin mo na.” Bulong ni Ceejay kay Almira kasabay ng pagsiko niya sa tagiliran niya.“Ikaw na. Mas close kayo.” Bulong naman ni Almira sa kanya.“Si Four na. Tutal naipaalam na niya dati si Rhea eh.” Sagot naman ni Ceejay habang tinuturo ng kanyang nguso ni Four.Napalunok muna si Almira habang dahan-dahan siyang lumingon kay Jc habang nakayuko. Umaarteng natural ang kanyang paglingon ngunit halata talagang kinakabahn siya sa kanyang galaw.“Pinsan…” Mahinang tawag niya kay Jc at bahagya naman itong lumingon sa kanya, “Ikaw na ang magsabi.”Kumunot ang noo niya, “Bakit ako?” Nagpipigil siya ng inis.“Naipaalam mo na kasi si Rhea dati.” Sagot naman ni Almira.Suminghal siya bago inalis
THIRTY-SEVEN (37)-Third Person’s POV –“Tapos na bang kumain ang lahat?” Sigaw ni Uno.“Anong meron, boss?” Tanong naman ni Fist habang ngumunguya.“Magpapagames tayo.” Sagot ni Uno saka ininom ang coke na hawak nito at nilagay ang bote sa ilalim ng mesa, kung saan naka.cattering ang mga pagkain.“Sali!” Halos magkakasabay na sigaw nila Otso at Sais habang nakataas ang mga kamay.Tumayo naman si Akinka at tumingin sa kanila, “Syempre hindi mawawala si Otso. Reyna ng kalokohan.” Dugtong pa nito saka naglakad papunta sa timba kung saan nakalagay ang mga platong pinagkainan.“Ako mag-hohost ng games.” Tugon naman ni Otso habang naglalakad papunta sa harap ng unang cottage kung saan kumakain ang lahat, “Pero bago tayo magsimula, partner muna tayong lahat.”Agad naman silang naghilahan ng mga members na gusto nilang maging partner. Kahit yung iba ay hindi pa tapos kumain ay agad namang sumali sa hilahan. Tawang-tawa si Otso na pagmasdan silang lahat, ngunit iba pala ang nasa isip niyang
THIRTY-EIGHT (38)-Mary Jane’s POV –Naglalakad ako papunta sa pangalawang cottage kung saan naka.held ang disco. Gabi na at simula na ng overnight or walang tulugan sa mga nagiinoman. First time kong mapasama sa ganito, lalo na si Rhea pa ang kasama ko. Pero sa totoo lang gusto kong umatras eh. Hindi naman sa na-out of place ako. Actually, ang saya ko nga. Kulang nalang mahahati ang bibig ko sa kakatawa. Dahil kasi kay Jc. Wala kasi kaming closure nang maghiwalay kami. Pero mukhang okay naman siguro kasi nagkita kami last time at nagusap pa nga kami.(Background song playing)(Maja Salvador- Dahan-dahan)Akala ko ba disco, bakit ang melo ng kanta? Kanta pa ni Maja. Nakakaloka..At hanggang sana all nalang ako sa mga mag-jowa or M.U. na ang sweet na nagsasayaw sa gitna. Sobrang lapit ng mga mukha nila na para bang sila lang ang nagiisang tao sa mundo. Pag-ibig nga naman. Kailangan ko ata ng Tequila.Nagtungo ako sa mini bar kung saan kokonti lang ang andon. Umupo ako sa counter at t
THIRTY-NINE (39)-Jc’s POV –“Dalawang kwarto pala kinuha niyo?” Tanong ko kay Mj habang papasok kami sa kwarto nila Mj at Rhea.“Oo eh. Nahihiya kasi akong sumali sa kwarto ng mga babaeng members.” Sagot naman ni Mj saka sinara ang pinto sa likod ko.Pagkatapos kong maligo at magpalit ay sinamahan ko si Mj sa kanilang kwarto. Wala naman akong masamang intensyon. Namimiss ko lang siya. At siguro ganun din siya dahil siya ang nag-imbita sa akin. At habang naglalakad ako papunta sa kama ay ginala ko ang aking paningin sa paligid habang siya ay kumuha ng towel na naka-hanger sa tabi ng pinto.“Wala si Rhea?” Tanong ko nang makaupo ako sa kama.Nagkibit-balikat siya, “Malamang andoon siya kabilang kwarto kasama ni Ceejay.”Bigla akong na-weirduhan sa aking sarili ng mapangiti ako. Parang bigla yata akong natuwa at kalahati ng katawan ko ay tumatalon sa tuwa.Nahagilap ng mata ko na nakabungisngis din si Mj, “Bakit ka nakangiti?”Umagikhik na ako, “Wala naman.”Tumawa naman siya saka tina
Forty (40)-Rhea’s POV –Pareho naming pinapakiramdaman ang bawat sarili ng maka-aninag ako ng itim na usok na unti-unting bumabalot sa kanyang paa. Bahala na kung anong protesta o sermon ang gagawin niya ang importante ay mailigtas ko siya, kaya naman agad kong kinabig ang kamay niya. Bumuka ang aking pakpak at mabilis kaming lumipad palabas ng maitim na dagat.Ramdam ko ang tingin ni Jc sa akin na halos panghinaan ako dahil sa kanyang tingin na puno ng maraming tanong. Pero deretso lang ang tingin ko habang lumilipad kami papunta sa tabing-dagat. Bahala siya kung tunawin niya ako sa kanyang tingin.Maingat kong binitawan ang kanyang kamay ng malapit na ang kanyang paa sa lupa. Ako naman ay naglanding na may ilang hakbang mula sa kanya. Tumiklop na ang aking pakpak ngunit kahit anong gawing concentration ko ay hindi ko magawang maibalik ang itsura ni Rhea. Bumuntong-hinga nalang ako. Siguro dahil sa balisa ang aking isipan at kabado ang aking puso.Dumampi sa aking balat ang malamig