Jacob found it hard to find the words to utter at that moment. Is he really seeing Mia? "Ikaw ang supplier namin?" tanong ni Mia. She tried to compose herself. Sa mga oras na iyon ay gustong-gusto na niyang kumaripas ng takbo. She has been hiding for five years. And just like that, he saw her. "Y-yes..." tugon ni Jacob na halos hindi kumurap. "Mia, ang tagal kitang hinanap. H-hindi ako tumigil sa paghahanap sa iyo. Hindi ako sumuko," naluluhang wika niya."Magkano ba ang babayaran ko?" ani Mia na tila hindi narinig ang sinabi ng binata. "And please, huwag ka nang bumalik dito. Ito na ang una't huling deliver mo sa amin.""Do you work here?" tanong ni Jacob. "Ang sabi ko, magka'no ang babayaran ko? I'm busy, Jacob. Huwag mong sayangin ang oras ko. Sabihin mo na kung magkano ang babayaran ko," matigas na tugon ni Mia."I'm sorry. I'm really really sorry, Mia. Alam kong alam mo na ang totoo. Alam kong nasaktan kita at kinamumuhian mo ako. Naiintindihan kita. Pero please, hayaan mo ako
"I'm so sorry, Mia. Kung alam ko lang, hindi ko na sana kinuha ang delivery na iyon. Sino ba naman ang mag-aakala na ex mo nga at ang farm nila ang magiging supplier natin sa dami nga ng supplier sa mundo, 'di ba? Grabe naman ang coincidence na nangyari, 'di ba? Kung alam ko lang talaga, promise—"Hindi natapos ni Bianca ang sasabihin. Pinutol na ito ni Mia. "Basta gawin mo na lang ang pinagagawa ko," aniya.Tumango si Bianca. "I'm sorry..."Napabuntong-hininga si Mia. Nasapo niya ang noo. "Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang pagbuntunan ka. Hindi mo ito kasalanan, B. Okay? It was just meant to happen, I guess," kibit-balikat niyang wika. Muli siyang napabuntong-hininga. "So, ano'ng balak mo ngayon?""Wala. I'll just continue doing what I'm doing. I have to focus on this restaurant. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa nangyari," tugon ni Mia."What if bumalik siya?"Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ni Mia. "Sa mga sinabi ko sa kaniya, sana malinaw na ayaw ko na siyang mak
"Dad..." nangingilid ang mga luhang usal ni Mia. Halos hindi na niya makilala ang ama. Bagsak na bagsak na ang katawan nito na halos buto't balat na."Mia, my daughter. You're here!" lumuluhang wika ni Vincent. He reached his hands out to her. Lumapit si Mia at kinuha ang mga kamay niya. "Masaya ako na nandito ka," aniya. "Pasensya ka na kung hindi ako presentable." He chuckled. "Kinuha ng cancer ang kagandahang-lalaki ko," biro niya pa."You're still a good-looking man, Dad," wika ni Mia. Hindi na niya napigilan ang sarili at yumakap siya sa ama. "I'm sorry, Dad, I didn't know. I was so stupid to leave. I was so selfish." She cried."I have a few months to live, Mia. Gusto kong maging makabuluhan ang nalalabi kong panahon," wika ni Vincent. "Gusto kong itama ang lahat ng mga naging pagkakamali ko. Muli, humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawa. Forgive me, my dear daughter."Napapikit si Mia nang mariin at napahagulgol. Mas humigpit ang yakap niya sa ama. She can't imagi
"Mommy, where are we going?" tanong ni Marco sa inang abalang nagmamaneho."Mommy is going to make your dream come true, anak," nakangiting tugon ni Mia. "But first, you have to sleep. Malayo pa ang biyahe natin. Mapapagod ka. Rest for now, and then I will wake you up when we get there. Kailangan mo ng maraming energy kapag ando'n na tayo.""Which dream, Mommy? I have a lot of dreams. But my biggest dream is to meet my daddy," tugon ni Marco.Hindi tumugon si Mia. She pat his head instead. "Go sleep na, baby," aniya. Marco sighed. Sumunod rin naman ito.Pagkalabas ni Mia sa kotse ay humigop siya ng hangin sa baga at ibinuga iyon. Wala na talagang sasarap pa sa hangin ng lugar na iyon. It's been five years at ang laki ng ipinagbago ng farm. Maganda na ito noon, ngunit mas maganda pa ito ngayon. Umikot siya upang buksan ang pinto sa kabila upang pababain si Marco."Where are we, Mommy?" nagtatakang tanong ni Marco. Mia took his little hand."What did mommy tell you earlier?""That you'r
Panay ang irap ni Mia habang tinutukso siya ng kaibigang si Bianca. "Aminin mo na kasi. Halata naman na may feelings ka pa para sa ex mo," ani Bianca. "Mula nang manggaling ka ro'n, nag-iba na ang kislap ng mga mata mo. Naging shining, shimmering, splendid na.""Ewan ko sa 'yo, Bianca. Lubayan mo na ako, at busy ako," tugon ni Mia."Kidding aside, wala namang masama kung magkakabalikan kayo. Lalo na kung mahal pa ninyo ang isa't isa. Huwag ka nang mag-deny. Kilala kita."Napabuntong-hininga si Mia. "Hindi iyon gano'n kasimple. Oo nga, pinatawad ko na si Dad, at pinatawad ko na rin si Jacob. But that doesn't mean na hindi na komplikado ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Maigi nang casual lang ang relasyon namin. Para na lang sa anak namin," aniya. "Sa ngayon, masaya na ako para kay Marco. Sapat na sa akin 'yon.""But what if he pursues you? Will you give him another chance?""Sa ngayon, naka-focus ako sa business natin at sa pag-aalaga kay Dad," tugon ni Mia. "Hindi ko alam kung
Hiniling ni Jacob na hayaan muna siyang mag-isa sa bahay kaya umalis si Marites. Nang mga oras na iyon ay nais niyang uminom at maglasing. Kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman parang unti-unti na namang gumuguho ang pangarap niya.Napalingon siya sa pinto nang makarinig ng mga pagkatok. Sa pag-aakalang si Mia iyon na nagbago ang isip at bumalik ay halos patakbo siyang nagtungo patungo roon. Ngunit nang buksan niya ang pinto ay malaking pagkadismaya ang kaniyang naramdaman."What are you doing here?" matabang na tanong niya kay Sandra."Paying you a visit," mabilis na tugon ng dalaga. Tuloy-tuloy na itong pumasok sa bahay.Napabuntong-hininga si Jacob. "Ano'ng kailangan mo?" aniya."Won't you even offer me something to drink or anything?" ani Sandra. She smiled. "I missed you, Jacob. Bakit hindi mo na ako dinadalaw?""I'm busy," wala sa loob na tugon ng binata. "Sobrang busy mo naman at pati pagtawag hindi mo magawa.""I'm really busy."Nagtiim ang mga bagang ni S
Matamang tinititigan ni Vincent ang anak na si Mia. Dumating ito mga ilang minuto na ang nakararaan ngunit nananatili itong tahimik at walang imik. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo. May problema ba, anak?" tanong niya rito.Pinilit ngumiti ni Mia. "I'm okay, Dad. Hindi ko na ho kayo dapat binibigyan pa ng ibang alalahanin," tugon niya."It's okay. Tell me," ani Vincent. "Gusto kong maramdamang ama mo ako. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin, ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" Nagbuntong-hininga si Mia. "I still love Jacob, Dad," sa wakas ay tugon niya."Mahal ka rin ba niya?"Tumango si Mia habang nangingilid ang mga luha. "So, what's the matter? Then you should be together again," ani Vincent."Dad, paano ka?" "Anong paano ako?""He can't forgive you, Dad. Anong klaseng relasyon ang magiging relasyon namin kung hindi kayo okay?"Nagbuntong-hininga si Vincent. "Love is between two people, Amalia. And nothing should come between them," wika niya.
"Relax, Mia!" nangingiting wika ni Bianca sa kaibigan. Natataranta kasi ito habang naghahanda papaalis. "Pasensya ka na, B., ha? Kailangan muna nating i-delay ang opening ng Marco's Kitchen. I really need to do this," wika ni Mia."Ano ka ba! Kung may kapangyarihan lang ako, ipina-teleport na kita ro'n. And you will land straight in the arms of Jacob." Aktong niyakap niya ang sarili habang kinikilig."Baliw ka talaga!" natatawang wika ni Mia."Mas baliw ka," tugon ni Bianca. "Baliw sa pag-ibig."Natawa na lamang at nailing si Mia sa kaibigan. Nang tapos na siyang naghanda ay kaagad na silang umalis ni Marco."We will surprise your daddy," excited na wika ni Mia sa anak. "He doesn't know that we're going there. And we will stay there for a while.""How long, Mommy?" nangniningning ang mga matang tanong ni Marco."For as long as you want."Napanganga si Marco. "Thank you, Mommy! You're the best!" Ngumiti lang si Mia.Ilang minuto pa ang lumipas... Biglang nag-preno si Mia nang biglang