Share

Chapter 2

AN: Sa mga nakakaala nito huwag na kayo magtanong, alam niyo na. 😂 i have some reason. Basta enjoy lang kayo dito and thank you! 😊😆😚

----------------------------------------------------------------------------

"Shit! Fuck this car!" Malakas na hampas ko sa manibela. Dahil bigla na lang itong huminto at may narinig ako'ng tunog na na-flat ang gulong ko.

"Dito pa tayo nasiraan, mukhang maraming mga tarantado dito." naiiling na sabi ni Monching habang nakatingin sa labas ng kotse.

Napatingin naman ako sa tinitingnan ni, Monching. Doon banda sa 'di kalayuan mula rito sa amin.

Bumaba ako ng kotse kasunod si Monching. Tiningnan namin ang gulong ng kotse ko napakamot naman ako sa ulo ko dahil na-flat ang gulong sa likuran bandang kanan, nagpalinga-linga ako at nagbabaka-sakaling makahanap ng may bukas pang mga vulcanising shop.

"P're, sa ganitong 'dis oras na ng gabi wala na talaga. Suwerte natin kung may nag-pupuyat pa." natatawang wika ni Monching.

Binato ko naman siya nang susi habang natatawa pa rin.

"Tatawagan ko na lang si, Edward. Para puntahan tayo," sabi ko nalang at sumandal ako sa kotse dinukot ko ang cellphone ko. Napansin ko naman na naglakad si Monching papunta sa may gilid na nakita ko na tinitingnan niya kanina.

"Hello! Edward, puntahan mo kami dito nasiraan kami." matapos kong sabihin kung saang lugar 'to pinatay ko na ang phone ko. Pabalik na si Monching at nakangiti ang gago.

"Pare tara inom muna tayo do'n may nakita akong club. Saka maraming magagandang babae doon." nakangising balita nito.

"Tarantado! Kaya ka nagkakatulo kakatira mo sa kung sinu-sino lang na mga babae," sagot ko na may pang-aasar.

Napakamot naman sa ulo si Monching dahil sa sinabi ko.

"Gago! Eh tanginang babae 'yun may tulo pala siya hinawaan pa ako." natatawang paliwanag pa nito.

"Pero sige, inom muna tayo baka matagalan pa si Edward." sangayon ko naman at magkasabay na kaming naglakad papunta doon sa sinabi ni Monching.

Medyo tago itong lugar dahil walang gaanong taong dumaraan. May mga ilang lalaki na labas pasok do'n sa pinasukan na isknita ni Monching kanina.

"Ito na Toti! Mukhang pribado 'tong club na 'to kasi hindi mo basta-basta makikita agad dahil tagong-tago. Tyempo lang na nasiraan tayo kaya nakita ko." sabi ni Monching habang papalapit na kami sa sinasabi niya.

Napansin ko na karamihan sa mga naka-park na kotse mga mamahalin, may mga motor din na mamahalin. Meron pa lang exit dito sa pinakaloob, kabilaan pala and daanan dito. Pansin ko sa may 'di kalayuan.

"Tama ka, mukhang sinadyang itago ito." sagot ko naman. Sa may entrance may tatlong bouncer na mga negro at talagang napakalaki nang mga katawan nila.

Kinapkapan nito si Monching at sumunod ako, nakapa nila ang baril sa likod ko. Hindi ako nagsalita dahil naghihintay ako kung ipagbabawal ba nila. Pero parang wala lang silang pakialam dahil pinapasok na kami sa loob, lisensyado naman itong baril ko para protection sa mga masasamang tao.

Pagpasok namin sa loob maganda at sosyal ang loob. Hindi siya ganon kadilim pero di-aircon naman, ang mga babaeng palakad-lakad magaganda at mukhang mga bata pa.

"Hello! Good evening Sir. Dito po tayo." salubong agad sa amin nang babae na kulot ang buhok at ang puti-puti ng katawan.

"Toti, type ko 'yan mukhang masarap pisil-pisilin." malokong ngising wika ni Monching.

Ngumiti lang ako habang nakasunod kami sa babae. Kinuhaan niya kami ng table malapit sa may stage. Katapat namin ang maiingay na mga lalaki tatlo sila at mukhang mga lasing na.

Umorder na si Monching ng san mig light lang dahil ayokong uminom ng hard dahil ibang lugar 'to. Mahirap na baka mamaya mapasabak pa kami at mukhang may kakaiba dito. Pero mukhang ok naman dito, habang pinagmamasdan ko ang paligid napako ang mata ko sa malaking stage sa pinakagitna na napapalibutan ng mga bulaklak sa mga gilid at umuusok-usok pa sa ibabaw nito.

Mayamaya dumating na ang order namin at ang pulutan namin na roasted chicken at spicy na mani. Nakakatatlong bote na ako nang umagaw sa atensyon ko ang umi-echo na mikropono sa kabuan dito sa loob ng club.

Hindi ko pinansin ang sinasabi nang nagsasalita sa mic dahil biglang tumuwag si Edward. Tumayo ako at sumenyas 'kay Monching na doon lang ako banda sa hindi masyadong maingay.

Nandito ako sa pinakasulok ng club at pinakikingan ko ang mga sinasabi ni Edward, natigilan ako at na-focus ang mata ko sa babae na na sa ibabaw nang stage at nag-uumpisa ng nagsasayaw.

Versace on the floor pa ang kanta hindi ko alam pero bigla ko na lang pinatay ang phone ko kahit nagsasalita pa si Edward sa kabilang linya.

Napatuwid ako ng tayo at tutok na tutok ang mga mata ko dito sa babae na nagsasayaw. Hot and daring dance, ang suot nito na manipis na kasuotan. Ngayon lang ako tinalaban sa mga ganitong klaseng mga babae.

Naramdaman ko na napapalunok ako at gumagalaw ang adams apple ko. Lalo nang himas-himasin niya ang bawat parte ng katawan nito, hanggang sa ipasok nito mismo sa loob ng maseselan nitong parte ang mga kamay. Marami ang tutok na tutok at alam ko nag-iinit na 'din sila katulad ko.

Naglakad ako pabalik sa pwesto namin ni Monching. Tulala si Monching akala mo natuklaw nang ahas. Dumampot pa ulit ako ng isang bote mabilis ko itong tinungga.

"Fucking shit! Pare ang hot! Woah! Ngayon lang ako pinagpawisan at nag-init ng ganito." napapailing na sambit ni Monching pero ang mga mata nandoon pa rin sa babae nakatutok.

Ewan ko ba pero parang gusto kong takpan na ang pagmumukha ni Monching. Dahil mukhang libog na libog na.

Natapos na ang show at marami ang may gusto pa.

"Hayop! Ang gandang babae, ang sarap tirahin niyan." palatak ni Monching.

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Monching, pero hinayaan ko na lang. Hanggang sa magsalita itong mga kalalakihan sa harapan namin.

"Sa susunod kapag sasayaw ka hubarin mo na 'yang kasuotan mo, tangina! Pinapapatigas titi mo lang kami niyan." mapang-asar at bastos na sigaw nitong isang lalaki na na sa gitna.

Pakiramdam ko gusto ko nang pasabugin ang mukha nang gagong lalaking 'to. Pero hinayaan ko na lang kasi nga club ito at ganito talaga dito.

"P're kalma lang, baka ma delikado tayo dito" awat ni Monching.

Tiningnan ko lang ang kamay niya at hinawi ko, napansin ko na bumaba ang babae at lumapit dito sa mga lalaki

"Anong sabi mo? Ulitin mo nga," wika nito at umupo sa bakanteng upuan paharap dito at bahagyang binuka pa niya ng kaunti ang hita nito.

"Sabi ko sa susunod hubarin mo na 'yan, ganon din naman. Bakat na bakat na 'yang utong at puke mo." nakakalokong salita nito sabay hagalpakan nila ng tawa.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil hindi ko nagustuhan ang tabas nang mga dila nila.

"Ganon ba? Wala kang pakialam sa trip kong suotin manigas ka diyan! Bakit tigas na tigas na ba 'yan? Patingin nga." Sagot naman nitong babae na nakangisi.

Nakita ko na namutla 'yung lalaki na nasa harapan dahil sa sinabi nito. Nilalagay mo lang sa panganib ang sarili mo, nakuha mo pang mang-asar. Sa isip isip ko.

"Ano bilis! Ang tagal naman." mapang-asar pa na ulit niya.

Bigla akong napatayo dahil sa naramdaman ko na mananakit na itong lalaki.

Bago pa maabot nang lalaki itong babae mabilis na ang paglapit ko at dinakma ang lalaki sa kwelyo at ubod lakas ko itong sinuntok. Sadsad ito sa sahig hawak pa ang nagdudugo nitong panga. Akmang susugod pa ang dalawa sa akin pero mabilis na dinukot ko ang baril ko sa likod ng pantalon ko at walang alinlangan na tinutok ito sa kanila.

Hintatakot naman sila at kandarapa sa pagtakbo palabas ng club. Hindi naman nakialam ang mga bouncer na pinagtaka ko lang.

"Mga gago! Duwag naman pala kayo eh! Takot niyo lang mamatay." matinis na boses na sabi nitong babae.

Napalingon naman ako dito sa babae at napakunot ang noo ko.

Parang bata natuwa pa siya sa nangyari? Hindi man lang siya natakot. Sinuksok ko na ulit ang baril ko at tinalikuran ko siya.

"P're ayos ka lang?" Tapik ni Monching sa likod ko.

Tumango lang ako sa kanya at balak ko na sanang lumabas dahil nawala na ako sa mood uminom.

"Hi! Salamat sayo ah."

Napahinto ako sa paglalakad. Dahil sa narinig kong may nagsalita sa likuran ko.

"Hello, Miss beautiful." bati naman ni Monching dito.

"Hello din sayo, hmm.. kuyang nakatalikod humarap ka naman ang pogi mo pa naman." muling wika nito.

Humarap naman ako dito na nakangiti.

"Sa susunod dagdagan mo naman ang telang suot mo talagang mababastos ka niyan." sagot ko lang at inayos ko ang jacket ko. Ewan ko ba ba't ganon ang sinabi ko dahil alam ko namang ganyan talaga ang mga suot ng mga nagsasayaw na babae dito sa club.

"Miss ano bang pangalan mo?" singit naman ni Monching ulit.

"Haha, ok sabi mo eh! Gagawin ko para sayo pogi. Hmm.. Maria pangalan ko." sagot niya sa tanong ni Monching.

Bigla akong napangiti dahil sa pangalan niya.

"Aba! Ang ganda ng pangalan mo bagay sayo." sagot naman ni Monching.

"Uy! Ba't ka nanginngiti diyan?" Tanong pa niya.

Lumapit pa siya kaya mas lalo kong nasilyan ang maganda at inosente niyang mukha.

"Nothing. I'm Tonzie, or call me Toti," Bigla naman itong humagalpak ng tawa. Pati si Monching napangiti sa tawa ni Maria. "Anong nakakatawa?" Nagtataka kong tanong.

"Wala naman mediyo sa name mo lang natawa ako. Kasi katunog ng titi." sabay bungisngis niya.

Napangiti naman ako sa itsura n'ya.

"Haha, loko din pala itong si Maria eh." natatawang bigkas ni Monching.

Masayang nagtawanan na kaming tatlo hanggang sa natiglan kami sa biglang may magsalita.

"MARIA!"

Parehong napalingon kaming tatlo sa napakalakas na tinig. At kita ko sa mukha nang lalaki ang galit nito sa klase nang pagkakatitig nito sa amin.

"Kiko!" Mahinang bulalas ni Maria.

Nakita ko ang takot sa mukha ni Maria at ang pangamba. Kaya nakaramdam ako ng kakaiba dahil doon.

Papalapit na ang binigkas ni Maria na Kiko, papalapit sa kanya. Binangga pa ako nang isa sa mga kasamahan nito at tinamaan ako sa balikat. Nagulat na lang ako ng kaladkarin nito sa buhok si Maria.

"Putangina mo! Wala lang ako nakikipaglandian ka na ha!" Sigaw nito kay Maria.

Balak kong lapitan si Maria pero pinigilan ako ni Monching.

"Tama na Kiko! Masakit!" Hiyaw naman ni Maria.

Nanginginig ang laman ko kaya balak ko nang sugurin ito pero biglang may humarang sa akin na tatlong lalaki.

"Subukan mo lang maling kilos mo puputok 'yang mga bituka niyo."

Napatingin ako sa tatlong lalaki na ngayon 'ay nakatutok ang baril nito sa tiyan ko ganon rin 'kay Monching.

"Mga pard's uuwi na kami pasensya na sa istorbo." wika ni Monching.

Wala naman akong magawa dahil hindi ko ito teritoryo.

"Sige! Alis na! Baka magbago pa isip namin." singhal samin nang tatlong lalaki na mga may tatoo sa mga braso.

"Pare tara na!" siko sa akin ni Monching.

Ayoko pa sanang umuwi dahil nag-aalala ako 'kay Maria. Nakita ko na bago pa lumiko sa pasilyo sila Maria, tiningnan pa ako nang nakakamatay na tingin ni Kiko.

==================

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status