Share

Kabanata 6

"Kagatin ka? Wala akong balak ilagay ang bibig ko sa anumang bagay na kasing dumi mo. ” Tinaas ni Jay ang kaniyang kilay.

Tumayo siya mula sa itim na upuan at nilapitan si Rose ng paunti-unti. May pagmamalaki siyang sumilip kay Rose mula sa kanyang tangkad na 185cm na taas.

"So, Rose. Paano mo babayaran ang ginawa mo sa ‘kin noong nakaraang limang taon?" Masungit na tanong ni Jay.

Malinaw na malinaw ang alaala ni Rose sa gabing iyon. Limang taon na ang nakakaraan, nang may kaunting dagdag na lakas ng loob mula sa alkohol, ginayuma...

Ginayuma niya ang lalaking iyon, at pagkatapos ...

"B-binayaran na kita!" Galit na sinubukan ni Rose na mangatuwiran sa lalaki.

Kaunting bakas ng inis ang lumitaw sa dumidilim na mukha ni Jay.

"Paano kung suklian kita nang sampung beses at patulugin ka kasama ng ibang lalaki, hm?" Umabot ni Jay at hinawakan ang kanyang munting baba. Ang kanyang galit ay tulad ng isang inaantok na leon, tila handang umatake sa anumang oras.

Nasulyapan ni Rose ang pula sa mga mata ni Jay. Si Jay ay tila mukhang halimaw at si Rose naman ay nanigas sa takot.

"Ano bang gusto mo?"

Dumulas ang kamay ni Jay sa leeg ni Rose at mariin niyang hinila ang suot niyang damit. Maririnig ang tunog ng pagkapunit ng tela.

"Rose, naalala mo kung paano mo ako pinahiya dati? Ngayon, dodoblehin ko ang ginawa mo sa akin." Bumulong si Jay sa tainga ni Rose, "Sabihin mo sa akin, ano ang trip mong lalaki? Sisiguraduhin kong masiyahan ka. Kung ang isa ay hindi sapat, kaya kong dumalawa.”

Ramdam ni Rose ang bawat hibla ng kanyang katawan na nagyeyelo dahil galit ni Jay, bawat salita na sinabi niya ay mararamdaman ang kasiyahan ng paghihiganti at tila hinihiwa ang kaniyang balat.

"Gusto kong matikman mo kung ano ang pakiramdam ng makipagtalik sa taong kinamumuhian mo! Rose, ang lakas ng loob mong gawin akong tanga! Ipapakita ko sa ‘yo kung ano mangyayari kapag pinaglaruan mo ako!"

Si Rose ay itinulak sa sofa, at pagkatapos ay ang malaki at matangkad na katawan ni Jay ay dumagan sa kanya. Hinawakan ni Jay ang baba ni Rose at pinilit siyang tumingin sa kanya.

Dinampot niya ang kutsilyo sa tabi niya at nilapit ito sa mukha ni Rose.

"Ayoko na makita ang pagmumukha mo. Nakakasuka kasi. Wawasakin ko ang mukha mo, itatapon ka sa isang brothel at hindi mo na makikita ang sikat ng araw."

Isang masamang ngiti ang kumalat sa kanyang mukha. "Gusto kong matikman mo ang kawalang pag-asa na naramdaman ko."

Tumagos nang dahan-dahan ang patalim sa kanyang balat at nakaramdam si Rose ng pagtusok sa kanyang mukha.

Tumingin siya nang masama kay Jay ngunit pagkatapos ay ngumiti siya nang malungkot. "Ganito mo ako kinaiinisan?" Bulong niya.

Ang pagkasuklam sa mukha ni Jay ay higit pa sa sapat upang sagutin ang kaniyang tanong.

Napapikit si Rose bilang pagsuko.

Whatever! Kung ito ang kanyang magiging kapalaran, eh ‘di sige.

Habang hinihintay ni Rose ang hindi maiiwasang kamalasan niya, biglang tumunog ang isang telepono.

Ang ringtone ay ang kantang Red Spider Lily, kinanta ni Angeline Severe. Ang kanyang tinig ay tila tinig ng isang anghel.

Parehong walang malay na inilabas nina Rose at Jay ang kanilang mga telepono nang sabay. Binigyan siya ni Jay ng isang mapanirang tingin. "Selpon ko ‘yon. Bakit mo hinahanap ang iyo?"

Natigilan si Rose. 'Bakit nilagay ni Jay ang Red Spider Lily ni Angeline bilang kanyang ringtone?'

Sa kanyang nakaraang buhay, ang tanging oras na kumanta siya ng Red Spider Lily ay sa graduation party ng kanyang unibersidad at ito ay nai-record lamang sa plataporma ng unibersidad. Na-download ba niya ang kanta doon?

Nilabas ni Jay ang kanyang telepono ngunit hindi nakabukas ang display ng kaniyang screen.

Hindi makapaniwalang napanganga si Jay kay Rose.

"Ano, pati ringtone ng selpon ko ninakaw mo?" Sinitsit ni Jay, ang guwapo niyang mukha ay nagliliyab sa galit.

Si Rose ay sandaling natahimik.

Ang kantang ito, kung tutuusin, ay malinaw na kanya. Kung may sinumang nagnakaw ng kanta, si Jay iyon.

Pilit na nag-ring ang telepono at naubusan ng pasensya si Jay, "Sagutin mo ang telepono!"

Inilabas ni Rose ang kanyang telepono gamit nang may nanginginig na mga kamay at nakita na sinusubukan siyang abutin ng kaniyang "Little Lover". Sa sandaling iyon, sa sobrang kaba ni Rose ay nadulas ang telepono niya sa kaniyang kamay.

Siya ay nagulat at yumuko upang kunin ang telepono ngunit naunahan siya ni Jay.

"Little Lover?"

Nang basahin ni Jay ang pangalan ng tumatawag, napangiti si Jay sa bilang panunuya.

Sa sobrang pagkabahala ni Rose, ang kaniyang katawan ay kasing tigas na ng isang batak nang tali ng pana.

Natatakot siyang sasagutin ni Jay ang telepono at matuklasang mayroon pa siyang isa pang anak na lalaki, si Robbie.

Tulad ng inaasahan, walang alinlangan na sinagot ni Jay ang tawag.

Mabilis na kumilos si Rose. Tumayo siya tulad ng isang kanyon at binangga si Jay. Kinuha niya ang telepono at dali-daling sumigaw kay Robbie sa kabilang linya, "Tulungan mo ako!" Pagkatapos no’n, binaba niya ang telepono sa bilis ng kaniyang makakaya.

Itinulak siya ni Jay, tinapik ang kanyang nakunot na damit, at ibinaba ang kanyang sarili papunta sa sofa sa isang mapagmataas pamamaraan.

"Humihingi ka bang tulong?" Ang kanyang tono ay mahina ngunit puno ng panunuya. "Nananabik na akong makita ang Little Lover mo na ito. Siguro’y ililigtas ka niya sa akin gamit ang tatlo niyang ulo at anim na braso!"

Malungkot na ikinurap ni Rose ang kanyang mahabang pilik mata. Iniisip niya kung ang kanyang anak na si Robbie ay umiiyak ngayon matapos marinig ang kanyang sigaw para sa tulong.

Pipiliin ba niyang tumawag sa pulisya?

Kung alam niyang nasa panganib ang kaniyang mommy, maaalagaan ba niya si Zetty?

Iyon ang napagkasunduan nilang dalawa!

"Rose, bibigyan kita ng isang araw para iligtas ka ng iyong lover," biglang sinabi ni Jay. "Kung matatakasan niyo ang lima sa pinakamalalaki kong tauhan, hahayaan ko na lamang kayo. Kung hindi..." Ang mga mata ni Jay ay naiilawan ng apoy ng purgatoryo.

Nanginginig si Rose at nanginginig ang kaniyang boses sa takot. "Kung hindi, ano?"

"Pareho kayong magsasama sa impiyerno," ungol ni Jay.

Dinampot ni Jay ang kutsilyo sa sahig, at ang sumasalamin nitong ibabaw ay nagtapon ng isang sinag ng malamig na ilaw sa mukha ni Rose. Mayroon nang isang pulang linya ng namuong dugo sa kanyang mukha. Humakbang si Jay papunta sa kanya, hawak-hawak ang kutsilyo.

Tinakpan ni Rose ang mukha niya at humiyaw nang pilit.

"Jay, kung papatayin mo ako, habang-buhay kang kaiinisan ng iyong anak"

Ang kutsilyo na hawak ni Jay ay nahulog sa lupa nang may malakas na tunog. Nang bigla, ang boses ni Jenson ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang ulo: "Gusto ko makita si mommy! Gusto ko makita si mommy!"

Si Jenson ay hindi isang madaldal na bata sa kanyang mga naunang taon, ngunit sa limang beses na binuksan niya ang kanyang bibig, tatlo sa mga ito ay para sabihin ang mga salitang iyon. Minsan pa nga ay sinasabi niya ang mga ito sa kaniyang pagtulog.

Nang mapuno ng mga alaala ang ulo ni Jay, inis na itinapon niya ang kutsilyo sa gilid ngunit ang galit na bumubukol sa loob niya ay hindi pa rin humuhupa.

"Paano ka kwalipikadong maging ina niya?" Wika niya. "Ano ang nagawa mo para sa kanya sa nakaraang limang taon?"

Nagsimulang umiyak si Rose, ang matinding akusasyon ni Jay ay pinunit ang kanyang puso. "Walang ina sa mundong ito ang kailanman ay iiwan ang kanyang anak," humagulgol siya. "Kung walang dahilan, babalik ako upang makita siya dati pa man!"

Hindi iyon nakapagpabuti ng kanyang init ng ulo. "Ikaw ay isang sakim at duwag na lampa lamang," giit niya.

Maaaring lumaban si Rose sa mga salitang iyon. Nagawa niya ang maling desisyon na talikuran ang kanyang unang anak upang bigyan ng pagkakataon ang iba pang dalawang sanggol sa isang magandang kinabukasan. Bukod dito, alam niya na ang kanyang unang sanggol ay mapapalaki din nang maayos kung siya ay tatanggapin ng Ares Family.

Gayunpaman, iyon ang mga hinaing na hindi niya masabi sa kahit na sino.

"Oo, isa akong lampa," umangal si Rose, itinabi ang kanyang dangal at tiniis ang kahihiyan para lamang mabuhay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status