Paano naging iisang babae ang walang pinag-aralan na taong iyon at ang babaeng nagawang buksan ang kaniyang coding?Kumatok si Josephine sa pinto. Si Jay, na mayroong malalim na iniisip, ay tumingala at tumango sa kaniyang direksyon.Masigasig niyang tinanong, “Nasaan si Rose?”Naglabas si Josephine ng isang matagumpay na ngiti.“Dahil sa mga utos mo, sumakay siya sa eroplano na tatawid sa karagatan. Kinuha niya ang eroplano na aalis nitong 6:45 ng umaga patungong Indonesia. Kuya, maaari ka nang matahimik simula ngayon. Hindi mo na siya makikita muli.”Isang komplikadong itsura ang makikita sa mukha ni Jay.Ang kaniyang pag-iisip ay natigil sa sandaling marinig niyang umalis na si Rose.Nilapag ni Josephine ang kaniyang mga kamay sa harap ni Jay, tila mayroong hinihingi, “Kuya, dahil binigyan kita ng malaking pabor, dapat ay bigyan mo ako ng gantimpala, hindi ba?”Tinabig ni Jay ang kamay ni Josephine. “Wala ka bang pera?”Tumango si Josephine. “Oo, walang-wala.”May balak siyang bumil
Si Josephine ay higit pa sa tatlong-daang beses tinanggihan ni Zayne, ngunit siya ay mapagpilit na mahalin siya.Para lamang mapalayo si Josephine, nangako pa si Zayne. “Binibining Ares, nagmamakaawa akong layuan mo ako. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Ang gusto ko ay hindi katulad ng sa normal na lalaki. Isa akong bisexual.”Naisip niya na sa pamamagitan ng pagsabi no’n, susukuan na siya ni Josephine. Sino ‘ng nakakaalam na magbibihis-lalaki si Josephine at muli siyang lalapitan, may kumpiyansang sinasabi, “Kuya Severe, tignan mo, kaya kong maging lalaki at babae. Kaya kong magbigay at tumanggap. Piliin mo ako kasi kaya kong gamutin ang sakit mo.”Muntik nang mamatay si Zayne dahil sa pagsusuka ng dugo.Nang ganoon lamang, ang isa sa kanila ay humahabol habang ang isa ay tumatakbo. Sa paningin ng iba, sila ay isang pares na hulog ng langit. Gayunpaman, dahil sa rason na ito ay nagtagal sila nang ganito at inaksaya ang kanilang kabataan. Ngayong pareho na silang mga matatanda
Naalala ng kaniyang isipan ang bagyo limang taon na ang nakaliliipas. Si Josephine ay mukhang magulo at kaawa-awa. Siya ay nababalot sa dugo...Kalaunan, nakatanggap si Jay ng isang tawag mula kay Grayson upang mag-ulat tungkol sa mga galaw ni Josephine.“President, pagkatapos umalis ni Binibining Ares sa Grand Asia, nagtungo siya sa real estate office sa harap ng Grand Asia upang maghanap ng bahay at lupa. Kasunod nito, bumisita siya sa ilang mga mall at bumili ng maraming mga kagamitang pambata. Ngayon, si Binibining Ares ay patungo na sa direksyon ng Exuberant City.’“Sa Exuberant City?”Napakunot ang mga kilay ni Jay. Ang Exuberant City ay apartment na para sa mga may-kaya lamang. Gayunpaman, narinig ni Jay na ito ay isa sa mga mamahaling real estate sa loob ng City South, at malapit din ito sa Horizon Colors.‘Bakit patungo si Josephine sa Exuberant City?’“Sige, sige.” Pinatay ni Jay ang telepono, inangat ang kaniyang braso, at tumingin sa kaniyang relo. Pinatay niya ang kaniyang
Nababalisang dumating si Josephine sa nirentahang lugar ni Rose at binaba ang lahat ng mga shopping bag at mga regalo sa sofa. Pagkatapos no’n ay tinapik-tapik niya ang kaniyang dibdib na mayroon pa ring nararamdamang takot.Sinabi niya kay Rose, “Hipag, ano ‘ng dapat kong gawin? Naghihinala sa ‘kin ang kapatid ko. May pinadala siyang tauhan para sundan ako. Nakabangga ko siya kanina sa baba.”Ang kalmadong mukha ni Rose ay agad na namutla. Ang tasa sa kaniyang bibig ay nanginginig habang sinasabi niya, “Nasa baba ang kuya mo?”Nakita ni Josephine kung paanong naging duwag si Rose nang mabilis at tumawa. “Hipag, akala ko ba ikaw lang ang tao sa mundong ito na hindi takot sa kaniya at may lakas pa ng loob at sagutin o labanan siya. Mukhang isa ka lang palang origami tiger?”Nahihiyang sinabi ni Rose, “Alam mo naman kung gaanong walang awa ang kapatid mo sa trabaho. Alin sa mga lumaban sa kanila ang nagkaroon ng magandang kahihinatnan? Kung alam ng kuya mo na narito pa rin ako, ang pagpu
Ang lalaking binanggit ni Josephine ay ang kaniyang kuya bilang si Angeline, si Zayne Severe.Ang mga nararamdaman ni Josephine para kay Zayne ay katulad ng nararamdaman niya kay Jay—nakapanlulumo at nakakaawa. Sila ay parang dalawang gamugamong nagtungo sa apoy. Magkaiba nga siguro ang kanilang kinahinatnan, pero pareho itong nakalulungkot.Pakiramdam ni Rose ay barado ang kaniyang lalamunan. Tumayo siya, nagtungo sa lagayan ng wine, at naglabas ng dalawang bote ng red wine. Binigay niya ang isa kay Josephine at ang isa naman ay para sa kaniyang sarili.“Sa tingin ko kailangan mo ‘to,” sabi ni Rose.Nagpakita si Josephine ng nagpapasalamat na ngiti. “Hipag, isa ka talagang mabuting kaibigan.” Tinanggal niya ang takip nito at binuksan ang bote ng wine. Pagkatapos nito, dalawang kamay ang nakahawak sa bote, siya ay tumingala at nilaklak ang alak.Mga bakas ng pulang likido ang tumulo mula sa kaniyang leeg at patungo sa gitna ng kaniyang dibdib. Siya ay mukhang kakila-kilabot.Bahagyang
Mas maganda siguro kung walang nagbanggit sa pangalan ni Jay. Ang bawat balahibo sa katawan ni Rose ay tumayo nang marinig niya ang pangalan ni Jay.“Hindi, kailangan ko na talagang bumaba para matago ang mga bata. Hindi ko pwedeng hayaan ang kapatid mong mahanap sila.” Gumewang si Rose nang subukan niyang tumayo.Tinapon ni Josephine ang walang laman na bote ng wine sa basurahan at nahihilong sumunod. “Sama ako sa ‘yo.”Ang dalawang lasing na babae ay kung saan-saan tumatama sa daan nila pababa. Hindi nila makita kung alin ang tamang direksyon dahil sa ganoong estado ng kanilang isipan. Sa huli, hindi nila napansing nakalabas na sila sa apartment.Si Jay ay nasa labas, hinihintay ang kaniyang biktima. Nang makita niya ang mukha ni Rose, ang mukha na makikilala niya kahit na maging abo pa ito, agad siyang nabalot ng yelo.‘Pambihira talaga ang mga taktika ni Rose. Una, ginawa niyang tapat sa kaniya si Josephine. Ngayong naloko na niya si Josephine, nagtutulungan silang dalawa para loko
Biglang lumapit si Zetty habang ang kaniyang kamao ay nakatutok kay Jay. “Hindi mo pwedeng ilayo ang kapatid ko.”Bahagyang kumurap si Jay. Palaging sumasakit ang ulo niya sa tuwing nakikita niya ang batang babae na ito. Mukhang mayroon siyang natural na galit sa kaniya. Siya ay palaging walang galang at makulit sa kaniya. Sa kasamaang palad, hindi niya ito pwedeng kawawain dahil kaniyang laki at katandaan.‘Anak siya ni Rose sa ibang lalaki.’ Hindi magawa ni Jay na magustuhan si Zetty nang maisip niya iyon.“Iuuwi ko siya. Hanapin mo na lang ang mommy mo.” Malamig na binale-wala ni Jay si Zetty.Binuhat niya si Jenson at hindi napansin ang mga nabubuong luha sa mga mata ni Zetty. Sa ganoong kabatang edad, ang kaniyang daddy ay tinapak-tapakan ang kaniyang mahinang puso. ‘Sabi ko na, eh. Mas gusto ni Daddy ang mga anak niyang lalaki at hindi ang anak niyang babae.’“Hmph. Ayoko sa ‘yo!” Pagalit na sigaw ni Zetty bago tumakbo palayo.Napakunot ang noo ni Jay. ‘Wala akong maalalang may g
Walang imik na tumingin si Jenson kay Josephine at biglang tinanong si Jay, “Daddy, bakit ba ayaw mong makita ko si Daddy?”Ang mga bakas ng galit sa kaniyang boses ay ginulat sina Josephine at Jay.Napabuntong-hininga si Josephine. ‘Iba pala kapag si Jenson na ang kumikilos.’Kinurot ni Jay ang kaniyang mga kilay na tumitibok at sinabi, “Jens, hindi mo naintindihan kung ano ang nangyayari sa pagitan naming mga nakatatanda.”Ang kakulitan ay bakat sa gwapo at malamig na mukha ni Jenson. “Kung gano’n, bakit niyo dinadamay ang mga bata kung problema ‘yan ng mga nakatatanda?”Ang hindi pagkatuwa ni Jenson sa kaniyang daddy ay lumaki. Ito ang kauna-unahang beses na ito ay nangyari.Si Jay ay nakaupo sa harap. Kahit na walang nakakakita sa kaniyang mukha, mula sa tagal ng oras na siya ay tahimik, halata naman na siya ay nasaktan sa pagrerebelde ni Jenson.Nagbigay si Josephine ng isang thumbs up kay Jenson ngunit nagsabi rin ng pang-asar na mga salita, “Hintayin mo ang pagbawi sa ‘yo ng dad