Share

Chapter 57

Savina Pov

Pagalit na itinulak ako ni Desmon paupo sa ibabaw ng kanyang kama. Sa loob ng kanyang silid niya kasi ako dinala matapos niya akong hilahin papasok sa bahay niya.

"Ano ba ang problema mo, Desmon? Bakit dinala mo ako rito sa silid mo sa halip na bigyan ako ng trabaho. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit mo ako nais bumalik dito, hindi ba? Nais mo lang akong gawing alipin bago mo ako patayin pagsapit ng eclipse," galit na tanong ko sa kanya. Agad din akong tumayo matapos kong mapaupo sa gilid ng kanyang kama nang itinulak niya ako.

"Ano ang ginawa ninyo ni Donny sa bahay niya? At paano mo siya nakilala?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin. Kung tinanong niya ako ng ganito noong hindi pa niya ako nakakalimutan ay tiyak na iisipin kong nagseselos siya kay Donny. Iyon kasi ang ipinahihiwatig sa akin ng kanyang tanong. Ngunit hindi pa niya ako maalala ngayon kaya hindi ko iisipin na nagseselos siya sa kapatid niya. Marahil iniisip niyang kaya ngayon lang ako bumalik sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status