Share

EPILOGUE (PART 2)

"Natandaan mo ba iyong iligal na trabahong pinasok ko rati? Iyong ibinenta ko ang sarili kong pagkababae para lang may tuition sa pag-aaral. Akala ko'y tapos na ang lahat pero hindi pala, doon ay nagsimula ang babangungot sa buhay ko," mahinahong sabi nito pero ramdam niya sa boses nito ang sakit na may halong galit.

"Naalala ko iyon dahil maski ako ay pumasok na rin doon. Anong bangungungot ang tinutukoy mo?" naguguluhan niyang tanong kapagkuwan.

Inalis ni Pamela ang tingin sa kaniya at tumingin sa kawalan kapagkuwan ay malalim na bumuntong-hininga saka nagsimulang magsalita— magkuwento. "Binenta ko ang sarili ko dahil alam kong iyon lang ang way para magpatuloy ako sa pag-aaral. Binenta ko ang pagkababae ko sa isang hayop and demonyong lalaki. Hindi natuloy ang napag-usapan. Isang session lang ang pinili ko pero ilang ulit niya akong ginalaw hanggang sa magdugo na ang pagkababae ko. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang nang nagpatuloy. Hanggang sa nagmakaawa na akong tama na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status