Share

CHAPTER NINETEEN [PART 1]

THIRD PERSON’S POV

“Salamat sa paghatid, Gabreel. Pasensiya ka sa nangyari kanina at sa abala,” nahihiyang wika ni Isla kay Gabreel pagkababa nila sa kaniyang sasakyan. Hindi niya naman ginusto iyong nangyari pero pakiramdam niya ay kasalanan niya. Hindi pa rin niya lubos maisip kung paano at bakit siya kilala ng taong nagwala kanina sa convenience store. Wala siyang idea kung ano ang kailangan nito sa kaniya?

Lihim na napatingin si Isla kay Adam. Nag-alala siya dahil tahimik pa rin ito sa tabi niya at nanatiling nakayuko. Tahimik naman ito palagi, pero dahil sa nangyari kanina ay mas lalo siyang tumahimik. Hindi man lang nag-angat ng ulo simula kanina.

Baka nalulungkot din ito dahil hindi niya man lang nakita ang mga magulang ni Isla na siya naman talagang sadya nito.

“Ano ka ba? No worries, at saka mas gusto ko nga ‘yon para alam kong

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status