Share

CHAPTER TWO

ISLA’S POV

Maaga ang klase ko ngayon kaya maaga rin akong gumising para magluto ng pagkain namin at ipaghanda si Papa ng baon niya. Tulog pa si Mama dahil masakit daw ang ulo niya, hinayaan ko muna para makapagpahinga siya. 

“Oh, ‘Pa! Napaghanda na kita ng almusal at saka iyong baon niyo po. Gusto niyo po bang magkape? Sandali po at magtitimpla ako.” Nagpunas muna ako ng basang kamay para iabot kay Papa ang kanyang baon, kasalukuyan kasi akong naghuhugas ng mga ginamit ko sa pagluluto. Tapusin ko na lahat ng gawain para wala nang gagawin si Mama mamaya. 

“Nako, hindi na anak. Nagmamadali ako, kailangan kong maaga ngayon dahil napagalitan ako kahapon pero ayos lang. Salamat, anak.” Napatigil ako sa aking ginagawa. Napahigpit ang hawak sa cup na kinuha ko. Humarap ako kay Papa, ngumiti para hindi halatang na naawa at nalungkot ako. 

“Sige po, ‘Pa. Ingat po kayo! Dagdagan ko na lang po iyang kanin niyo para mabawi niyo ang lakas niyo.” Binuksan ko ang baunan ni Papa at dinagdagan ng kanin, ang ulam niya ay isang lata ng sardinas. 

“Ito na, ‘Pa. Ingat po kayo.” Nginitian niya ako. Moreno si Papa, may itsura. Sabi niya ay kung nakapag-aral lang daw sana siya ay baka engineer na siya ngayon. Iyon din sana ang kursong kukunin ko kaso sabi niya huwag ko raw gagawin iyon dahil lang sa hindi niya nakuha. Kunin ko raw ang kung anong gusto ko at paghihirapan nilang pagtulungan ni Mama para makapagtapos ako. Nagmano ako sa kanya bago siya umalis.

Saktong umalis si Papa ay dumating si Adam. Ginising ko ang mga kapatid ko para kumain dahil maaga rin ang kanilang mga pasok. Hindi ko muna ginising si Mama, siguro mamaya na lang kapag aalis na kami. 

“Bakit nandito ka na naman?! Ang aga-aga nangangapit bahay ka!” singhal ko sa kanya. Ayon na naman ang suot niyang shorts na akala mo ay mapupunit na. Baduy! 

“Alam kong mahal mo ako, makikikain ako,” sabi niya sabay angat sa malalaki at makakapal na salamin niya. Napangiwi ako sa sinabi niya, tinalikuran ko siya at umupo na sa lamesa para sabayan ang aking mga kapatid. Narinig ko namang sumunod siya sa akin at umupo sa tabi ko. Nag-fist bump sila ni Asher.

“Good morning, Kuya Adam!” bati ni Ashleigh kay Adam. 

“Good morning, ganda!” 

Pagkahatid namin sa kambal ay dumiretso na ako sa school. Tumawag si Sasa kanina na nasa loob na raw siya ng classroom. Kahit naman ganyan iyang babaeng iyan eh alam niya kung paano magseryoso sa pag-aaral. She’s a strong woman inside and out. Kahit minsan nababastos siya ng mga lalaki nang dahil sa scandal niya ay hinahayaan niya na lang dahil ayaw niya raw ma-stress at saka mga panget daw sila kaya hindi sila worth ng time niya. Minsan nga ako ang napapa-away para ipagtanggol siya. Tsk

“May quiz sa Utilities II mamaya, oh ito notes.” Abot niya sa akin sa notebook niya. Although nakapag-aral na ako kagabi pag-uwi ko pero kailangan ko pa ring mag-review ulit dahil hindi naman ako ganoon katalino, isama mo na rin ang terror mong professor na akala mo ay kinulang sa breastmilk noong bata. At saka dahil sa pagod ko sa trabaho kagabi ay isang oras lang ako nag-review tapos isang oras para sa plates ko malapit na rin ang deadline. Kinuha ko ito at minsan nagtatanong ng mga hindi ko maintindihan. 

Kasalukuyan na kaming nagqui-quiz nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko pati si Mrs. Manuel. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at pinatay ang tawag.  

“Did not I told you to off your cellphones in my class, Ms. Davina?!” Napayuko ako sa sigaw ni Ma’am. Natahimik ang buong class at pinagpatuloy na ang quiz pero makalipas ang ilang mimuto ay tumunog na naman. 

“Ms. Davina, get out!” Potek naman! Kinuha ko ang papel at bag ko at naaawang pinapanood lang ako ng mga kaklase ko habang patuloy na nagri-ring ang phone ko. Terror siya, umalis at lumabas ka na lang kung ayaw mong mas mapahiya. Don’t even defend yourself anymore, it’s useless. 

“Bilisan mo! Nakakaistorbo ka na!” Narinig kong pabulong na nagmura si Sasa. Binilisan ko na lang ang galaw at sinagot ang numerong tumatawag. 

“Hello?!” pasinghal kong sagot dahil sa inis. 

“Hello po? Is this Ms. Davina? Anak ni Mr. Larry Davina?” Nawala bigla ang inis at galit ko at napalitan ng matinding kaba. 

“Po? O-opo. Sino po sila?” tanong ko. 

“I’m sorry pero kailangan namin ng guardian sa hospital. Itinakbo namin ang Papa mo dahil nahulog siya… mula pangatlong palapag.” Mahinahon na sabi ng nasa kabilang linya. Nanginig ang kalamnan ko sa narinig at bigla akong tumakbo papalabas ng gate. Hindi ko na rin magawang mag-sorry sa mga nababangga ko. 

Nanginginig akong pumara ng jeep. Sabay-sabay na nag-unahan ang mga luha ko. Hindi! Hindi maaari! Maayos ko lang siyang kausap kanina. Hindi! 

Pakiramdam ko ay napakabagal nang takbo ng jeep. Kinakagat-kagat ko ang labi ko. Hindi ko magawang magpunas ng luha dahil mas nangingibabaw ang takot at kabang nararamdaman ko. 

Pagdating ko sa hospital ay itinanong ko kaagad ang admission clerk. Hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay tumakbo na ako sa emergency area. 

Pagdating ko ay napatakip ako sa aking bibig kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Dugo-dugo ang mukha ni Papa, hindi… hindi ko kayang tignan. Lumingon ako sa loob ng emergency area, bakit walang nag-aasikaso kay Papa?! Anong klaseng hospital ito?!

“Ikaw ba ang guardian ng pasyente?” Binigyan ko ng masamang tingin ang nurse na nagtanong sa likod ko. 

“Oo at ano pang hinihintay niyo?! Bakit wala kayong ginagawa? P*tang*na, nakikita niyo nang duguan iyong tao?! Ano?! Hihintayin niyong mamatay siya?!” histerikal kong sigaw sa nurse. Sumasakit ang dibdib ko sa galit. Alam niyo iyong pakiramdam na parang sasabog na iyong nararamdaman mo kaya hindi mo na kontrolado mga ginagawa mo.

“Miss, kailangan muna ng pirma mo at iyong baya─” 

“Gago ka ba?! Bayad?! Bayad agad?! Wala pa nga kayong nagagawa! Bayad na ang hinihingi niyo?! Magbabayad ako! Kapag may nangyaring masama sa Papa ko ay idedemanda ko kayo! Gamutin niyo na ang Papa ko!” Dala ng galit ko ay hinawakan ko sa kwelyo ang nurse. Nandidilim ang paningin ko!

Inawat kami ng Doctor yata na tumitingin kaya Papa. Napahagulgol ako at napaluhod. Hinawakan ko ang tuhod ng Doctor. 

“D-doc, parang awa niyo na. Gamutin niyo na ang Papa ko, magbabayad ho ako. Doc! Parang awa niyo na po.” Pagmamakaawa ko habang hawak ko ang tuhod niya. 

“Doc! Doc! Nagsusuka na po ng dugo ang pasyente!” Napalingon ako ulit sa kama ni Papa at mas lalong napaiyak. 

“Prepare the operation room!” sabi ng Doctor at sabay-sabay na umalis ang ibang nurse. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang paghagulgol ko. Pinanood ko silang maging abala at ilipat si Papa sa isa pang kama para maitakbo sa operation room. 

Kinuha ko ang cellphone ko, hindi ko alam kung sinong tatawagan ko. Halos hindi ko na mabasa ang screen ng phone ko dahil sa nanlalabong mata ko, punong-puno ng mga luha. Nagulat ako nang biglang may tumawag, si Adam. 

“Ada─”

“Isla! Buti sumagot ka na! Kanina pa kita tinatawagan pero busy ang phone mo.” 

“Ba-bakit?” 

“Dinala sa presinto ang Mama mo.” Napahawak ako sa buhok kong gulo-gulo. Ano na naman ba?!

 “Adam, na-naaksidente sa trabaho si Papa. Nan-nandito ako ngayon sa hospital. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Napahagulgol na ako nang tuluyan. 

“Hintayin mo ako dyan.” Napasandal ako sa pader ng operation room. Pakiramdam ko ay bigla na lang gumuho ang mundo ko sa mga balitang natatanggap ko ngayong araw. Hindi ko napigilan ay napa-iyak na naman ako. Humagulgol. Hindi alam ang gagawin o kung sino ang uunahin. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para sa operasyon ni Papa at para sa piyansa ni Mama. 

Napatingin ako sa phone ko nang biglang mag-ring na naman. 

“Sandali lang, boss! Kakausapin ko lang iyong anak ko. Limang minuto lang, boss.” Narinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya. Napasinok ako dahil sa matinding pag-iyak. 

“Hello? Isla, anak?”

“M-ma.”

“Anak, nandito ako sa presinto. Baka pwedeng manghingi ka muna ng advance sa trabaho mo or utang ka na lang ulit kay Mr─”

“Ma, hindi ko na alam ang gagawin ko.” Napatigil siya sa pagsasalita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. 

“Ba-bakit ka umiiyak? Sorry na, last na it─” Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, mas rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Nan-nandito ako sa hospital, ‘Ma. Naospital si Papa, naaksidente siya sa trabaho niya.”

“A-anong nangyare?” 

“Kasalukuyan na siyang inoopera, ‘Ma. Hi-hindi ko na po alam ang gagawin o uunahin ko.” Narinig ko ang mahinang pagsinghot ni Mama. 

“Tama na iyan!” 

“Sandali lang naman, boss. Kausap ko pa iyong anak ko. Kailangan ako ng asawa ko, boss. Sandali lang!” Rinig kong pinagbabawalan na si Mama sa paggamit ng telepono.

“Isla, anak! Hayaan mo na muna ako rito, unahin mo ang Papa at mga kapatid mo. Huwag kang mag-alala, ayos lang ak─ Boss! Sandal lan─” Napatingin ako sa phone ko nang bigla mamatay ang tawag.

Napalingon ako sa dulo ng hallway at may nakita akong rebulto. 

Ano?! Sabay-sabay?! Baka may susunod pa? Ibigay mo na rin!

Tahimik lang akong umiiyak sa gilid nang biglang dumating si Adam at niyakap ako. Doon ko na naibuhos lahat ng hinanakit ko, pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi at karamay sa mga oras na ito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status