Everything has deeper roots, I say. Sa panahon ngayon, hindi ka dapat basta-basta nagtitiwala maging sino pa 'yan. You'll never know who will be your enemy. Hehe! Thank you, thank you again for unlocking this chapter and contributing gems! Sa bagong nagbigay, Shirley Lincallo and Jovanni Doguenio! At sa ating top contributor, Mae Sheryl Cadungog! Salamat ng marami! Kung may hindi ako namemention, comment lang kayo. Love lots 🫶🫶🫶
“Twenty-six… twenty seven…”Habang pinapanood si Ezekiel na lumalangoy sa ilang metrong swimming pool nang pabalik-pabalik, paulit-ulit nang walang hinto-hinto o ahon-ahon, ay parang ako na ang mauubusan ng hininga.Nakakatrentang laps na siya. Nag-eensayo ata siya para maging fishing boat o ano.Sa kung anong dahilan ay hindi ko na rin siya nakikitang nagtatrabaho, kundi ay palagi siyang nakatambay dito sa mansyon. Paminsan-minsan lamang siya umalis kasama ang kanang kamay niya na si Ramil.Sa kung anong dahilan ay hindi ako komportable, habang lumalangoy siya ng walang kasawaan. Nilalabanan niya ang lakas ng puwersa ng pag-alon ng tubig. Para niyang isinasabay sa hampas nito ang nararamdaman niya.Dahil ba sa pambubulabog ni Tita Elizabeth kaninang umaga?“Forty three… forty four… forty five…” kinagat ko ang ibaba kong labi. “Ezekiel,” mas nilakasan ko ang aking boses upang marinig niya. “Ezekiel!”Balak yata niyang magpakalunod. Well, pwede naman niyang gawin ‘yon, pero ‘wag lang s
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang gumayak. Hindi ko sinuot ang karaniwang maid dress ko, kundi binigyan ako ng panibagong puting dress ni Ezekiel pang-alis.Matagal na akong nagtataka kung bakit puro puting dress lang ang binibigay niya sa akin. Simula sa pantulog, pambahay, hanggang sa pang-alis ay puro puting dress.I think it's his fetish.“Aba, aba, aba! Bakit nakasuot ng ganyan si Serena?”“Anong…”Tiningnan ko ang mga maid sa aking likuran, habang nakatayo ako sa pintuan ng mansyon. Sila itong mga nag-uusap-usap sa kusina kahapon. Halo-halo ang emosyon sa kanilang mga mata. Pagtataka, pagkahanga, at pangamba.“Magiging… senyorita na kaya natin siya ulit?” ani ng isa.“Huy! H-Hindi, ‘no! Imposible! Hindi ako papayag!”“Magreresign ako ‘pag nangyari ‘yon.”Mabilis na nagbago ang mga reaksyon niila at tinitigan ako ng masama. Inismiran ko naman sila at pinitik pa ang buhok ko sa aking harapan patungo sa likod saka sila inikutan ng mga mata.“Aba!”“Ang yabang talaga!”“Nags
“Serena, how… how did you get here?” akma akong lalapitan ni Raquel nang hilain siya pabalik sa kaniyang kinapupwestuhan ni Tita Elizabeth.“Sino ka sa tingin mo para makaapak sa lugar na ‘to?! Napakakapal talaga ng mukha mong babae ka, ano?! Layas! Umalis ka sa lugar na ‘to!!”Umakto siyang susugurin ako. Subalit mabilis na nakapuwesto ang mga tauhan ni Ezekiel para harangan siya at pigilan sa gagawin.“Paumanhin, pinagbilin siya sa amin ni boss.” lakas na loob na sabi ng isa.“Kayo na namang mga alagad ni Heskel! Hawak nang hawak sa akin! Nakakadiri! Wala na kayong karapatang pigilin ako dahil wala kayo sa teritoryo niyo, mga hampas-lupa!”“Ma!” agad siyang pinapatigil ni Raquel. “Hindi mo kailangang magsabi ng gan'yan. Restrain yourself.”“Eh kasi naman, eh!” bahagya siyang kumalma. “Kahit kailan talaga, hindi ako binibigong inisin ng kuya mo! Titigil lang yata ‘yan kapag tuluyan na akong inatake sa puso!”“Please don't say something like that, ma.”“P’wes kung ayaw mo ‘yung mangya
How come… no one else is bringing about the fact that Ezekiel was cheating on me throughout our married life?Napatingin ako sa kalangitan. Nagbabadyang umulan ilang segundo na lang.Tahimik kong sinasabayan sa paglalakad si Ezekiel patungo sa parking lot ng cemetery kung nasaan nakaparada ang sasakyan kasama si kuya Pier.“Hold my hand.” utos niya habang nilalahad ang kamay niya sa akin.Hindi ko siya binalingan, nawawalan din ng gana siyang tingnan. Ngunit sinunod ko parin ang gusto niyaang mangyari. Maluwag nga lang ang pagkakakapit ko sa kamay niya hindi tulad ng kanina. Napanatili lang iyon nang mahigpit niya iyong hawakan pabalik.“What did mother tell you earlier before I came back?” he coldly asked.“Wala naman…” mapait akong tumawa, ang paningin ay nasa kawalan. “Sinisisi lang naman niya ako sa pagkamatay ni Tito Ross.”“Tsk!” may sama ng loob siyang suminghal. “Don't let her words get through to you. She's talking nonsense.”“Kung gano'n… hindi ba ‘yon totoo?”“Of course not—
EZEKIEL was looking through the window, watching the rain pour heavily.Katatapos lamang niyang maligo at magpalit ng pangbahay na kasuotan habang hinihintay si Ramil na dumating sa kaniyang opsina.Hanggang ngayon ay lumilipad parin ang isipan niya dahil sa naging sagutan nila ni Serena sa sementeryo.Bawat salita ng asawa ay nakatatak sa kaniyang isipan. Subalit kahit ilang ulit iyong naglalaro sa pandinig niya ay tila'y hindi niya parin maintindihan.He knows he's damn smart to even become the person he is now. But with Serena, all his rationality, logic, and reasons all fell down to nothing but a heavy flow of emotions he couldn't even explain to himself.Bakit… sinasabi nito na isa siyang cheater or liar? At natawag pang womanizer. Dahil ba kay Candice? The slut he paid for that night just to make Serena feel jealous, even the slightest bit?He believed it didn’t work from the start, so he decided not to call her again to play pretend.Also, Serena brought out that woman, his ex-
“SERENA, drink this ginger tea.”Wala na yatang mas isasama pa sa pakiramdam ang magkaroon ng lagnat at dysmenorrhea nang sabay.Masakit ang aking ulo at umiikot ang paningin ko. Dahil sa pag-iyak kahapon ay namamaga ang mga mata ko, barado ang aking ilong at lalamunan. Masakit din ang puson ko, balakang at nangangalay ang likod ko sa kakahiga buong araw.Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang katawan ko para maging komportable at mawala ang sakit.“A-Ang sakit…” Ang isa kong kamay humihilos sa aking ulo, habang ang isa'y nakahaplos sa aking hot compress na nasa aking puson.“D-Don’t worry, the pain reliever will take effect soon.” pagkomporta ni Ezekiel sa aking tabi. “Drink this now, wala pang laman ang tiyan mo.”Naiilang kong tiningnan ang inaalok niyang ginger soup. “H-Hindi ko gusto lasa niyan.”“But this is good to relieve your tummy and muscle pain. You need to drink this.”“Ayoko.”Dahil hindi ko gusto ang pagiging marahan sa akin ni Ezekiel ngayon ay gusto kong mag-inarte.
“Serena?” unti-unti akong nagising sa pagtawag ni Ezekiel, ngunit pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata dala ng antok. “You're still asleep?"Naramdaman ko ang paglubog ng kama, nahiga siya sa aking likuran habang nakatagilid naman ako sa pagkakahiga. Pumulupot ang isa niyang braso sa aking baywang.Mas napalukot ako sa pagkakahiga, mas naging komportable sa init na naramdaman kong hatid ng katawan niya.Naramdaman ko ang masuyo niyang paghaplos sa aking pisngi mula sa likuran.“I'm glad you're feeling much better than last night.” bumaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Unti-unti akong napamulat ng mga mata, nang sobrang bagal niyang nilanghap ang amoy ng aking katawan.Dahil hindi pa ako nakakaligo ngayong araw ay awtomatiko kong iniwas ang aking katawan at bahagyang gumapang palayo sa kaniya.“Serena?” hinila niya akong muli pabalik sa katawan niya saka mahigpit akong niyakap. “Did I wake you up?”“Yes." Napahikab ako. "Stop sniffing me. Para kang aso.”“Why not? I like you
Naging maayos agad ang pakiramdam ko kinabukasan dahil sa buong araw na pagpapahinga at sa pagtrato ng maayos sa akin ni Ezekiel. Kakaibang enerhiya ang taglay ko ngayon. Kahit na sinabihan ako ni Ezekiel kanina bago siya umalis na ‘wag kumilos ay nasa mood parin ako para maglinis. Habang tiatanggal ko ang alikabok sa sala gamit ang maingay na vacuum ay hindi ko maiwasan ang humuni. “Aba! Muling nabuhay ang senyorita!” sarkastikong nang-asar si Davina sa akin. Gaya ng karaniwan, nakabuntot sa kaniya si Baby. May kanya-kanya rin silang hawak na mga panlinis. Dahil nasa mood ako ay hindi ako nakaramdam ng pagkapikon sa kanila. “Davina, dahil macho ka naman, pakitaas nga nitong sofa para ma-vacuum ko ang loob.” “Hoy!” nalukot agad ang mukha niya. Kusa siyang napahawak sa magkabila niyang braso. “Kakabawi mo lang sa sakit pero parang gusto mo nang makatikim ulit?” “May masama ba sa sinabi ko?” napatawa ako. “Bibihira lang sa babae ang malakas gaya mo, be thankful.” “Echosera ka!”