Ganadong nagtrabaho si Laura maghapon. Dahil hindi siya kumain ng almusal, pinahatiran siya nito ng pagkain, na galing sa kubo. At espesyan na putahe pa ang pinaluto nito para sa kaniya. Panay din ang kumusta nito sa kaniya. Kung kumain na ba siya ng tanghalian o merienda. Napapailing siya sa mga mensahe nito.
Yung totoo ngayon lang sila nagdalaga’t binata?
Late na siya umuwi ng gabi dahil tumawag pa siya kay Andy tungkol sa sales report nila para sa nakaraang buwan. Hindi rin siya nakaligtas sa tanong nito. Kung okay na sila ng kapatid nito. Ang sabi niya lang, nagkakamabutihan na. Halatang kinikilig si Andy nang makausap niya. Saka lang nagsync-in sa isip niya, na wala nga pala silang label. Hindi nga siya nito niligawan.
Hanggang sa pag-uwi nasa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Andy. May nangyar
Hindi pa man sila nakapasok ng gate ay nakaabang na si Elisa. Nang makita nito ang dugo sa kamay niya na nakahawak sa may sugat ng binata, ay nataranta ito.“Oh my God, Astin! Sabi ko naman sayo magpagaling ka muna!” ani ni Ellisa. Tinulungan siya nitong alalayan ang binata hanggang sa makaakyat ng hagdan.Hindi na nagsasalita ang binata. Sobrang pungay na rin ng mga mata nito. Ilang sandali na lang siguro ay pipikit na ito.Maging ang mga nasa sala ay nataranta din. Sumunod ang mga ito sa kanila hanggang sa silid ni Astin. Dahil nurse si Aurora ay agad namang tumalima ito at kumuha ng mga pang-first aid sa baba para sa binata.Dahil basang-basa ang binata, ang ama niya ang nagbihis dito. Sila ni Elisa ay lumabas saglit. Nanginginig ang mga kamay niyang
Naiwan siyang natigilan. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. At ang lakas pa ng loob na sabihan siyang layuan si Astin. Sino ba ito para sundin niya? Wala itong alam sa nangyayari sa kanila ni Astin ngayon. Hindi si Elisa ang puwedeng magdikta sa kaniya, kung anong gagawin.Alam kaya ni Astin ang nararamdaman ni Elisa? Kailangan nilang mag-usap ni Astin 'pag magaling na ito. Ayaw niya ng ganitong relasyon. Hindi niya alam kung totoo nga bang siya talaga ang nais ng binata. Hangga't may babaeng nakapaligid dito ay hindi siya matatahimik. Selfish man, pero ayaw niyang may kahati sa binata.Alam niyang mahal siya ng binata. Mas lalong lumakas ang loob niya sa sinabi ni Elisa. Na kaya ito nagpa-assign dito ay dahil sa kaniya. Masaya siya doon. May rason para ipaglaban niya ito. Hindi niya hahayaan si Elisa na agawin sa kaniya ang binata.
“I love you so much, Astin,” malambing na boses ni Elisa iyon. Gusto niyang marinig ang boses ng binata. Sana lang sagutin nito na hindi nito mahal ang binata. Kinakabahan siya sa mga sasabihin nito. "Elisa... I love you-” Hindi na niya pinatapos magsalita ang binata. Parang may bombang sasabog sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Sa narinig ay mabilis na inihakbang niya ang sarili pababa ng hagdan. Nagulat pa ang mga nasa sala. Tinawag pa siya ng Daddy at ng ginang pero hindi niya pinansin. Nagmadaling lumabas siya ng gate at naglakad ng mabilis. Gusto niyang sumigaw pero walang lumalabas sa bibig niya. Gusto niyang umiyak pero walang luhang lumalabas. Nilagpasan niya ang grupo nila John. Ngayon niya lang napansin ang mga ito. Kumakain ang mga ito. Tinawag si
Bigla siyang nagutom nang maamoy ang pagkaing dala-dala ni Andy. Galing iyon sa kubo. Kabisado niya ang menu at amoy nito. Hinayaan niyang subuan lang siya ni Astin. "Tell me, bakit ka nagmadaling pumasok ng umaga? Dahil ba kay Elisa?" tanong sa kaniya ng binata pagkatapos siyang subuan. Bigla niya itong kinurot dahil baka marinig ng magulang nito. Pero hindi nga nakaligtas sa pandinig ng ama nito. "Pagpasensiyahan mo na iyang anak ko, Laura. Talagang close lang sila ni Elisa mula pa noon. Para na rin naming anak 'yon. Isa pa inaanak ko si Elisa kaya 'wag mo sanang bigyan ng malisya. Parang magkapatid na ang dalawang iyan," Nahihiyang ngumiti siya sa ama ng binata. Hindi niya alam ang isasagot. At
Dahil nagdadalantao na si Laura. Hindi na pumayag si Astin na magtrabaho pa ang dalaga. Napagkasunduan din ng dalawang partido na sa Caramoan ulit ang kasal. Sa wakas, matutuloy na ang naudlot na kasalang Astin at Laura. Napahilig si Laura ng makaramdam ng antok. Papunta sila ng Maynila ngayon dahil magsusukat siya ng ng susuoting gown kinabukasan. Sa katapusan na ng buwan ang kasal nila ni Astin. Ngayon lang siya nakaramdam ng excitement sa tanang buhay niya. Gusto nilang dalawa ng binata na madaliin na ang kasal, habang hindi pa gaano kalaki ang tiyan niya. Nasa himpapawid sila ngayon at panay ang hikab niya. Bakit kasi gabi siya sinundo ng binata. Nabitin tuloy ang tulog niya. "Matulog ka muna,
"Mama, ang ganda ganda niya po. Puwede ko ba siyang maging asawa, Mama?" inosenteng tanong niya sa ina. Isinama siya nito sa birthday ng anak ng Mayor dito sa nila.Napakaganda ng batang babae. Para itong prinsesa sa paningin niya. At siya naman ang prinsipe."Oo, maganda talaga yan si Laura. Hmmn, napakabata mo pa para sa salitang asawa na 'yan, anak. 'Paglaki mo, saka mo yan sabihin." Matamis na ngiti ang iginawad sa kaniya saka ginulo nito ang buhok niya.Simula ng gabing iyon, hindi na nawala sa isip niya ang batang iyon. Si Laura Miller. Lagi itong bumibisita sa kanila sa resort kaya naging kaibigan niya si Laura.Pero habang lumalaki sila ng kababata na si laura, lalo yatang gumaganda ito sa paningin niya. Gustong-gusto niya itong lagi
Ang buong akala ni Astin hindi na siya maa-apektuhan sa presensya ni Laura. Oo, nasaktan siya ng sobra sa ginawa nito sa kaniya noon. Pero ngayon, hindi niya kailanman magawang magalit ng tuluyan sa dalaga. Nanganganib na naman ang puso niya. Hangga't maaga pa, dapat labanan niya ang nabubuhay na damdamin para sa dalaga. Kailangan iwasan niya ito. Dahil baka sa huli, siya na naman ang talo.Hindi niya maiwasang hindi ito titigan mula sa hagdan. Kakarating lang niya mula sa headquarters. Halatang kakagising ni Laura lang ng mga oras na iyon. Magulo ang buhok nito habang kausap nito ang kasambahay. Pinagsawa niya ang mga mata sa pagsipat ng kabuuan ng dalaga. Lalong lumutang ang ganda ni Laura kumpara noong huli niyang kita dito. Maging ang hubog ng katawan nito ay bumagay sa mukha at mahahaba nitong hita.Bakit ba kasi naisipan nitong magsuot ng ganoon kaiksing
Gulat na gulat siya nang malaman kay Andy na gusto ni Laura na magpalipat sa Caramoan. Hindi siya naniniwalang ang ama nito ang dahilan kaya ito magpapalipat ng Caramoan. Sinabihan niya ang kapatid na huwag itong payagan. Hiningian pa siya ng rason ng kapatid kung bakit. Wala siyang nagawa, kung hindi ang aminin sa kapatid ang nangyari sa kanila ni Laura. Natanong din nito ang tungkol sa kanila ni Barbie. Inamin niyang parte lamang ito ng kaniyang misyon.Hindi nga siya nagkamali. Alam na ni Laura, na sa condo niya tumutuloy si Barbie. Ito pa ang naghatid ng papeles na pinapareview ng ina para sa hotel. Parang gusto niyang magpaliwanag sa dalaga ng mga oras na iyon. Gusto niya itong habulin. Hindi man ito nagsasalita alam niyang nasaktan ito. Baka isipin nitong isa lang ito sa mga babae niya. 'Yon ang hindi totoo. Dahil ito lang naman talaga ang bukod tanging minahal niya.