Ngayong araw ay day-off ko sa work. Saktong-sakto dahil nagpakita ang anak ko kagabi ng mga matataas na grade nito at bilang reward ay ipapasyal siya namin ngayon ni Lyle. Sa mall lang naman para makapag konting shopping na rin kami ng bagong gamit ni Noah.
Ang kaso si Lyle ay hahabol na lang daw dahil may importanteng report siya sa pinagtra-trabahuan ngayong umaga, kaya mauuna na daw kami ni Noah sa mall.
Madali akong nag-ayos ngayon at basta na lang ipinasok sa bag ang mga gamit. Nakabihis at naka-ayos na kasi si Noah sa labas kaya pinagamamadali na niya ako.
Gamit-gamit namin ngayon ang sasakyan na binigay ni President Leigh n’ong nakaraan. Tuwang-tuwa nga abf anak ko n’ong gabing iyon na may inuwi akong sasakyan, halos doon na siya matulog sa loob. Samantalang si Lyle ay binigyan lang ako ng kakaibang tingin pero wala naman siyang sinabi.
Sa sobrang hindi yata mapigil ni Noah ang excitement ay sinasabayan niya ngayon sa radio si Juan Karl
“I’m going with you.”Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit papasok nang mapatingin ako kay Lyle dahil sa sinabi nito.“Huh?”“Sasama ako sayo papunta sa trabaho mo,” anito.“Bakit? May pasok ka diba?” usisa ko.Hindi muna ako papasok. Gusto kong makausap si Leigh. “Tinignan ko siya nang mataman sa mga mata nito. Ngunit halos wala akong mabasa mula sa kanya sa dami ng emosyon na ipinapakita ng mata niya. Sa huli ay tumango na lamang ako.Bago kami pumunta sa Faulkerson company ay hinatid muna namin si Noah sa school nito. Ako ang driver habang nasa tabi ko si Lyle. Pasimple ko siyang sinusulyapan paminsan-minsan ngunit malayo ang tanaw nito mula sa labas ng bintana.Nang makarating kami sa company ay pina-log in na lang si Lyle ng guard sa visitor’s logbook at pinapasok na kami. Panakaw-nakaw pa rin akong sumisilip kay Lyle habang paakyat kami sa 14th
Parehas na napukaw ni Lithesia ang atensyon namin ni President Leigh nang humikab ito nang malakas.Nandito siya ngayon sa loob ng office. Gusto daw niya kaming makasama, ngunit dahil may trabaho kaming dalawa ni President Leigh at hindi mapagbigyan ang request niya na date. Pumuwesto na lang tuloy ito sa sala set at magta-talong oras nang nagbabasa ng kung ano-anong magazine.“Sinabi ko na sayo, umuwi ka na at sa ibang araw na lang dahil may ginagawa kami,” ani President Leigh kay Lithesia.“Tapusin niyo na nga iyang ginagawa niyo tapos mag-date na tayo.” Lithesia pouted.“Nagsasayang ka lang ng oras dito,” ika ni President Leigh.“Hindi pagsasayang ng oras ang kagustuhan ko na makasama kayo,” pagpipilit ni Lithesia.“Wala ka bang gagawin sa coffee shop mo at nandito ka?” tanong na lang ni President Leigh.“Kaya na ni Grey d’on,” ani Lithesia.Napabu
“Tell us something about yourself?” simula kong tanong.“I am Lyle Sebastian. I have lots of working experience ‘cause I’m finding the right company for me. And I believe Faulkerson Cars Corporation would be my last, because I finally found who am I looking for here,” mahabang litanya ni Lyle.Narito ngayon si Lyle sa harapan namin. Sumama na naman sa akin sa pagpasok. Nag-resign na pala siya kahapon sa dati niyang work dahil mas gusto daw niyang magtrabaho rito.Nag-away lang kami kagabi dahil sa biglaan nitong desisyon. Tinatanong ko nga siya kung bakit pa siya lilipat ulit ng trabaho, kung maayos naman ang lahat sa dati niyang kompanyang pinagtra-trabahuan, ngunit wala akong makuha-kuhang matinong sagot sa kaniya.Kaya nandito siya ngayon sa harapan namin ni President Leigh at nag-aapply. Ako ang inatasan ni President Leigh na mag-interview sa kanya.“Who is it?” I curiously ask.“Just
Leigh’sPOVs:Bahagyang ikinabigla ko nang pagpasok ko sa loob ng office ay si Lyle ang naabutan ko. Ang inaasahan ko kasi ay si Arkesha. Nakaupo ito sa swivel chair ko habang binabasa ang ilang papers sa ibabaw ng desk ko. Nagliwanag ang mukha nito at agad na napangiti pagkakita sa akin.“Good morning, Leigh,”he greeted.“What are you doing here?”I ask.“I prepare a special coffee for you.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa akin upang iabot ang tinimplang kape.I smile. “Thank you.”“Anything for you, my love.”He winked.Sumimsim ako sa kapeng ibinigay nito at saglit kong iginala ang paningin.
Arkesha’s POVs:"Bye bye po," sweet na paalam sa amin ni Noah. Hinalikan kami nito sa mga pisngi namin bago siya bumaba ng sasakyan at pumasok na sa school.Hinatid muna kasi namin siya ni Lyle bago kami parehong pumasok sa kompanya."Good mood ka yata?" pansin ko kay Lyle.Simula nang dumating siya kahapon sa bahay ay may maganda itong aura na sumalubong sa amin."Just....something happened," tugon nito."Magkwento ka naman," udyok ko.Saglit kong sinilip si Lyle nang hindi ito umimik. Nakatanaw ito sa bintana at hindi pa rin mapunit-punit sa labi ang kakaibang ngiti.Ngumiti na lang rin ako at hindi na siya pinansin pa.Pagkarating namin ng kompanya, sinalubong ako ni Marj sa may lobby."Arkesha Keyshey Larqueza na ipinanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!" Halos tumalon sa akin ni Marj pagkakita sa akin."Woah, wag naman tayo pahalatang sobra mo akong na-miss," pang-aalaska ko ri
"Wow, ang ganda-ganda mo po mama," puri sa akin ng anak ko."Naku, bolero ang anak ko," natatawang tugon ko. Patuloy kong hinahagod ng tingin ang sarili ko sa full length mirror namin.Nakasuot ako ngayon ng emerald green cocktail dress. Simple lang naman ito ngunit dahil medyo hapit sa akin kaya masasabi kong ang sexy kong tignan ngayon. Mahaba ang slit nito na kalahati ng hita ko lang ang kayang takpan. Medyo labas rin ang cleavage ko dito. Tutal ngayon at minsan lang naman ako makapag-suot ng ganito ay okay lang. I wore a silver three-inches heels too. I wonder kung ano kayang suot ni President Leigh? For sure, mas maganda siya sa akin.Ngayong gabi ang launching ng bagong model na sasakyan ng Faulkerson. Actually, iyong gamit kong sasakyan na bigay ni President Leigh, iyon yun. Hindi pa rin ako makapaniwala at lubos ang pagpapasalamat ko sa kaniya dahil ako ang unang taong nakagamit ng ganung model ng sasakyan bago pa sila mag-release nun."No, mama.
Malakas at malamig na simoy ng hangin ng umaga ang dumadampi ngayon sa balat ko. Di matatawarang tanawin ng mga nagtatayugang mga gusali ang nakapalibot sa akin. Mga naghahabulang ulap sa asul na kalangitan na tumatakip sa haring araw ang mas lalong nagpapaganda ng lugar.Kani-kanina lang ay magkasama kaming sumakay ni Lyle ng elevator paakyat sa 14th floor nang makasabayan namin sa loob si Ms. Boa. Pagdating sa 14th floor at paglabas ni Lyle ay pinigilan ako ni Ms. Boa sa pagsunod palabas at dinala ako rito sa roofdeck sa di malamang dahilan.Nasa tabi ko siya ngayon at kapareho ko ring pinagmamasdan ang kapaligiran. Kinse minutos na ang nagdaan simula nang umakyat kami rito sa roofdeck ngunit di pa rin siya umiimik. Kanina pa ako tanong ng tanong sa kaniya kung anong ginagawa namin dito hanggang sa mapagod ako kakatanong ay hindi man lang niya sinasagot kahit isa sa mga tanong ko. Naisipan ko na ngang bumaba na lang at iwan siya ngunit waring may pumipigil sa loob ko
Leigh's POVs:Ilang ulit na tunog ng doorbell ang pumilit na nagpabangon sa akin. Medyo nahihilo pa ang pakiramdam ko ngunit pinili kong tumayo sa kama.Saglit kong inayos ang sarili sa harap ng salamin at nagsuot na lang ng pulang robe dahil tanging malaking t-shirt lang at underwear ang suot ko.Inaasahan kong admin lang nitong condominium ang nasa labas at makulit na doorbell ng doorbell, ngunit nabigla ako nang makita sa peephole ang isang nakangiting Lyle Sebastian. May bitbit itong isang basket na punong-puno ng prutas. Agad ko itong binuksan."Anong ginagawa mo dito?" bungad kong tanong dito."Aalagaan ka," ngiting-ngiti nitong tugon."Ayos na ang pakiramdam ko compare kaninang madaling araw. Nakainom na ako ng gamot,” ani ko."Edih para mas lalo kang gumaling.""Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" usisa ko na lang."I have my ways, my love." He winked.I eyed him from head to toe. Halatang galing siy