Arkesha’s POVs:
“Hi, baby. How are you? What are you doing?”
[I’m doing good po, mama. Ate Heloise is taking care of me good enough.] tugon ng anak ko. Parang nakikita ko na sa aking isip ang paglabas ng kaniyang dalawang cute na dimple sa magkabilang pisngi nito sa tuwing ito’y ngumingiti.
“Basta behave ka diyan Noah, okay? Habang wala ako ay sundin mo sila Ate Heloise mo,” habilin ko.
[Yes po, mama. I’m not pasaway po.]
“Good boy, Noah,” puri ko rito.
Ilang segudong namayani ang katahimikan nang wala nang tinugon si Noah. Sinilip ko naman ang phone ko kung namatay ba ang tawag.
[Kailan po kayo babalik, mama?]
Saglit akong natigilan sa tanong ng anak ko.
“I’m taking care of your Tita Ganda kasi, Noah, anak. I don’t know kung kailan ako babalik basta always remember that mama loves you so much Noah, okay?&rdq
“Mama!” Masayang sinalubong ako ni Noah pagkapasok ko ng bahay. Tumakbo ito sa akin at nagpabuhat.“I miss you too, Noah.”“Mas miss po kita, mama.”“Talaga ba? Kiss mo nga si mama kung miss mo talaga ako.”Hinalikan naman ako ng anak ko sa kaliwang pisngi.Napanguso ako. “Iyon lang?”Pinabaling ni Noah ang kabila kong pisngi at iyon naman ang hinalikan niya.“Dapat matagal,” ani ko.Sunod-sunuran naman ang anak ko at tinagalan ang pag-kiss sa akin. Natawa ako dahil may tunog pa talaga.“Aww inggit ako, darling, anakan mo na kasi ako.”Napalingon ako sa sumulpot na mag-fiancè. Nakaakbay si Ms.Boa kay Heloise. Masama ang tingin na pinukol ni Ms.Boa sa nakangusong kasintahan. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kanilang dalawa.“Dyowk lang po, darling. Sa honeymoon na pala natin tayo gagawa babies,” hagik
Arkesha’s POVs:After three consecutive days of confinement sa wakas ay pinalabas na ng hospital si President Leigh, but the doctor strictly advised her for a complete bed rest. Kaya maigi akong hinabilinan ni Mr.Alastair na bantayan at alagaan si President Leigh sa condo nito, at siya na daw ang bahala sa kompanya. Alam niya kasing pasaway ang president at baka tumakas pagkatapos ay pumasok pa rin.Ngayon ay mataman akong pinapanuod ni President Leigh mula sa isang sulok habang nililinis ko ang condo niya. Magluluto pa ako pero maya-maya na masyado pang maaga upang kumain. Kung tutuusin hindi kasama sa trabaho ko ang pagsilbihan siya pero ewan ko ba kung bakit walang reklamo ko itong ginagawa.“My love,” maya’t-mayang pagtawag nito sa akin.Kanina pa siya namimilipit na tulungan ako, ngunit dahil mahigpit na ipinagbabawal ng doctor na mapagod siya, kaya nang makulitan ay hindi ko na siya pinapansin. Bahagya ko siyang sinulyapan, n
Galing ako sa paghatid kay Noah sa school nang pagdating ko sa condo ni Leigh ay agad akong nataranta nang maabutan si Leigh na naiyak. “The hell Leigh. What happen? Why are you crying?” taranta kong tanong. “Si Lori kasi.” Umiyak ito. “Nakipag-break kay Bobby.” “Huh? Sinong Lori at sinong Bobby?” Tinuro naman nito ang naka-bukas na tv kung saan pinapalabas ang The Loud House cartoon na madalas nitong panuorin. Agad kong pinigilan ang sarili ko na tumawa. “Leigh, cartoon lang iyan. Iniiyakan mo na?” “Mahal na mahal nila ang isa’t-isa pero nagkahiwalay pa rin sila.” Ngumawa ito. “Love, paano kapag ikaw, iniwan mo ako sa huli?” Hagulhol nitong iyak. Napangiwi naman ako. “Eh?” “Hindi ko kakayanin, Arkesha, kapag ikaw nawala sa akin.” Patuloy na iyak ni Leigh. Bahagya naman akong nahabag nang makita ang masasaganang luha nito na umaagos sa kaniyang pisngi. Hindi ko na napigi
Tatlong buwan makalipas ay nakapag-desisyon kami ni Leigh na doon na lang kina Ms.Boa tumuloy muna pansamantala. Kailangan ko na kasing pumasok sa kompanya. Hindi madali para kay Mr.Alastair ang patakbuhin ang kompanya nang siya lang mag-isa, kailangan ko nang tumulong. Hindi naman pupwedeng pumasok si Leigh dahil maselan talaga ang pagbubuntis niya. Advice lang ang maibibigay niya pero yung katulad nang dati niyang mga ginagawa ay bawal na.Ang alam ng buong kompanya ay nasa isang long business trip si Leigh outside of the country para wala nang masyadong mga tanong ang mga director at board members.Isa pa, kailangan ko na rin nang makakatulong sa pag-aalaga sa kondisyon kay Leigh. Halata na ang paglaki ng tyan ni Leigh. Hindi na ako naghanap pa ng nurse o maid na makakasama ni Leigh kapag wala ako nang umaga sa condo. Iisang tao na ang pumasok sa isip ko na maaring gumawa na ng lahat ng iyon.Si Heloise.Ang totoo pala talaga ay graduate ito ng nursing
Leigh’s POVs:Ayaw ko man ngunit hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng tampo. Lately, pansin kong masyado na akong nagiging transparent sa nararamdaman ko. I hate this.Si Arkesha kasi eh. Hmp. Umalis pa rin siya kahit sinabi kong ayoko siyang pumasok. Pakiramdam ko sawa na siyang alagaan ako kaya pinapasa niya ako doon sa Heloise na iyon. Hindi niya lang siguro masabi ngunit marahil nakukulitan na siya sa akin. Hindi naman ako masyadong nagpapasaway sa kaniya ah.Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon umiyak. Pagkaalis nina Arkesha ay hindi na ako umalis sa pagkakahiga dito sa kama niya. I sniff her scent on her pillow. Nami-miss ko na siya.“Miss President, it’s time to take your vitamins and medicine na po,” rinig kong tawag sa akin ni Heloise ngunit hindi ko siya pinansin.Kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Pumasok na si Noah sa school at ganun rin sina A
“Leigh, tapos ko nang paliguan si Noah. Bumangon ka na, ikaw naman papaliguan ko,” paggising ko kay Leigh.Gumalaw lamang ito nang kaunti para magtalukbong pa ng kumot at higpitan ang pagkakayakap sa unan ko.I placed my hands at my waist at malalim na bumuntong hininga. “Leigh, papasok pa ako. Gumising ka na, papaliguan pa kita.”Ilang segundo makalipas ay dumilat nga ito. Matamis na ngiti ang agad na gumihit sa labi niya pagkakita sa akin.“Hmm, good morning, my love,” nakangiting pagbati nito. Namumungay pa ang kaniyang mga mata, marahil inaantok pa talaga.Kinuha nito ang buong kaliwanag braso ko at niyakap nang mahigpit.“Good morning too. I love you.” I gently kissed her forehead. “Tumayo ka na.”Bumalik ito sa pagkakapikit.“Leigh,” pagtawag ko rito, mukhang may balak pa itong matulog uli.“Hmm?” she groaned.Hinaplos ko ang
Nangunot ang noo ni Eva nang masilaw sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Marahan siyang napakusot ng mata nang tuluyang magising.Matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang bumungad sa kaniya ang napakagandang mukha ng kaniyang kasintahan na nakahilig sa kaniyang dibdib at mahimbing na natutulog. Kusang kumilos ang kaniyang kamay upang hawiin ang nakakalat na hibla ng buhok nito sa mukha. Imbes na iipit ito sa likod ng tenga ni Heloise ay hindi naiwasan ni Eva na laruin ang mahaba at natural na kulay maputlang puti na buhok ni Heloise.Dahil sa ginawa ay naalimpungatan ito ng gising at napangiti na lang rin nang magandang mukha naman ni Eva ang sumalubong sa kaniya. Muling napapikit si Heloise at hinigpitan ang pagkakayakap dito."Good morning," masuyong bati ni Eva."Hmm. Morning," Heloise groaned."What time is your class?""8am," she answered.Dahil sa sinabi ay inabot ni Eva ang phone na nasa bedside table upan
Malungkot akong napangiti nang maalala ko ang kinuwento sa akin ni Ms. Boa sa nung nakaraan. We’re step-sister pero iginigiit niyang isa lamang akong mission para sa kaniya.Naalala ko na si Ms.Boa, siya ang gustong-gusto kong kalaro noong bata ako. Dahil nag-iisang anak lang ako nun ay lumaki akong walang gaanong kalaro. Ayaw rin kasi ni papa na lumalabas ako ng bahay.Sa tuwing nakikita ko nun si Ms.Boa sa bahay ay agad ko siyang niyayayang maglaro. Noon pa man ay sinusungitan na niya talaga ako, ngunit nakikipaglaro rin naman siya sa akin sa huli.Naging ‘ate’ talaga ang turing ko sa kaniya. Siya ang naging takbuhan ko nun sa tuwing umiiyak ako. Noon pa man ay pino-protektahan na niya ako kahit sa mga nang-aaway sa akin.Halos mabitawan ko naman ang baso ng iniinom kong tubig nang magitla ako nang may pumulupot na braso sa aking katawan mula sa aking likuran. Nang lingunin ko naman upang silipin ay sumilay ang matamis na ngiti sa akin