KAKAALIS lang ni Zayn upang pumasok sa opisina. Kasalukuyang nanunuod silang dalawa ng kanyang anak sa entertainment room ng paboritong palabas ni Zayrene. Nakaupo si Zayrene sa sahig na may mattress na sapin at nakakalat sa tabi nito ang mga laruan habang si Xandria ay nakaupo sa sofa at nakaharap sa kanyang anak. Hands-on pa rin siya sa pag-aalaga kay Zayrene kahit na may kinuha na si Zayn ng yaya para sa anak nila lalo na nga at maselan ang pagbubuntis ngayon ni Xandria. Lagi siyang nakakaramdam nang pagkahilo at nasusuka tuwing umaga, pihikan din siya sa pagkain hindi tulad noon, noong ipinagbubuntis niya si Zayrene. Kahit muntikan nang nawala sa kanya ang anak niya noon, hindi naman siya pinahirapan noon ni Zayrene sa pagbubuntis at paglilihi niya. Marahil dahil alam siguro ng anak niya na malayo ang kanyang daddy.
Habang nalilibang ang anak ni Xandria sa kakapanuod habang naglalaro, nagbabasa naman siya ng pregnancy book. This is her second child, pero g
"Zayn." Nag-angat ng tingin si Zayn sa tumawag sa kanya. Nasa hotel siya ngayon, isa sa kumpanya na pag-aari niya. Nasa opisina siya at hinihintay sina Xandria at Zayrene.Pagkatapos ng nangyari sa pananakot sa kanyang asawa, naisipan niyang dito muna ang mag-ina niya para mas mababantayan niya. Kinailangan kasi siya ngayon sa hotel. Si Wax ang pansamantalang nagaasikaso sa Ace and Builders."What are you doing here? " Nagtaas ang boses niya sa pagkainis pagkakita kay Celine. She is wearing a ruched dress. Hapit na hapit sa katawan na hindi naman nito karaniwang inaayos. Litaw na litaw ang hubog ng katawan at kaputian nito sa kulay burgundy na kulay ng dress niyang suot. Nakamake-up din ito at ayos na ayos ang buhok na bagong kulay.Napalunok si Zayn sa nakitang ayos ng dating kasintah
Xandria wore a two piece bikini. Nasa itaas pa si Zayn at susunod na lang sa kanila ni Zayrene. Pagkagising ng anak niya ay nagmerienda lang sila pagkatapos ay nagyaya na si Zayrene na magswimming silang dalawa. Hindi pa malaki ang tiyan niya kaya nagagawa pa rin niyang magsuot ng gano'n. Ewan ba niya, pagkakita kanina kay Celine ay nakaramdam siya ng kakaiba kaya sinuot niya ang two piece na dala niya. Balak sana niyang patungan iyon ng chiffon cover up dress pero dahil sa nakita niyang ayos ng dalaga kanina ay nakaramdam siya ng inis at selos. May ilang lalaki nang napapatingin sa kanya. Hindi naman niya iyon pinapansin dahil busy silang dalawa ng anak niya. Iniisip niyang dala marahil ng pagbubuntis kaya siya nakaramdam nang inis sa dalaga. Ayaw naman niyang palakihin ang nararamdaman na iyon dahil mabait si Celine sa kanya. Tinulungan siya nito sa pagpapaopera sa Tatay niya noon."Da
LUMAPIT si Clara kay Xandria at ginagap ang kamay nito."How are you, hija?" Tanong nito sa kanya pagkatapos nilang kumain ng tanghalian.Hindi na siya kagabi nakababa dahil sa pagod. Buong gabi halos inangkin siya ni Zayn kaya kaninang umaga ay nahirapan siyang bumangon dahil masakit pa ang katawan niya. Isa pa, nahihilo siya tuwing umaga. Hinayaan naman siya ni Zayn na tanghali na bumangon. Pinadalhan lang siya kanina sa room nila ng breakfast niya. Si Clara ang nagbantay sa apo niya. Binilin ito ni Zayn sa kanyang mommy na siya muna ang bahala kay Zayrene dahil nagpapahinga ang kanyang asawa. Hindi nila kasama si Alfonso dahil ayaw pa rin ito kausapin ni Zayn. Masama pa rin ang loob niya rito."Maayos naman, Mom. Nahihilo lang ako madalas.""Mabuti naman, hija... Xandi, I hope you can convince your husband to talk to his daddy. Matagal nang pinagsisihan ni Alfonso ang ginawa niyang pagkakamali noon. He changed."Tipid na ngumiti si Xandria. "Sus
"NOOO! Hindi totoo 'yan!" Saad ni Xandria habang umiiyak ito. Napaiyak na rin si Zayn habang nagwawala si Xandria at humagulgol dahil sa pagkawala ng kanilang anak. Awang-awang siya sa asawa. Kung p'wede na siya na lamang ang masaktan, 'wag lang niyang makita na ganito na nasasaktan ang ang asawa. "I'm sorry Mrs. Montecillo, but you lost your baby. You had a miscarriage." Saad ng Doctora kay Xandria. Niyakap niya ito at pilit na pinakalma.Hinawakan siya nito sa damit habang umiiyak at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kan'ya. "Sabihin mo sa 'kin na hindi totoo na wala na ang anak natin. Please, Zayn. Sabihin mo..." Nagmamakaawang saad nito. Hindi sumagot si Zayn at niyakap lang ang asawa. "Sabihin mo! Sabihin mo na hindi totoo, 'di ba?" Umiiling na saad ni Xandria. "Hon... I'm sorry..." Tanging nasabi ni Zayn sa garalgal na rin na boses. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Xandria sa sinabi ng asawa. Hindi nito matangga
"ALFONSO..." Mahinang sambit ni Selena sa pangalan nito pagkakita sa bisita.Nagdadalawang isip kung lalapitan ba niya ito. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago nilapitan ang dating kaibigan."Alfonso, what brings you here?" She forced to smile at him.Hindi pa man ito nagsasalita, alam niyang galit ito base sa ekspresyon ng mukha ni Alfonso."Nasaan si Barbara?" Galit nitong pagkakatanong sa kanya."Nasa Singapore. Anong-""Huwag mo ng pagtakpan ang kaibigan mo! Nasaan si Barbara!" Nagtaas na ito nang boses sa kanya na ikinaatras niya nang kaunti.She composed herself ag
XANDRIA Nakaupo ako sa gilid ng kama nang lumabas si Zayn galing sa banyo. Nag-aayos pa ito ng kurbata nang lumapit sa 'kin at hahalikan sana ako sa labi pero mabilis akong umiwas at tumayo. Hindi ko pa siya kayang harapin. Pakiramdam ko kasi, kasalanan niya kung bakit nawala ang anak namin. May taong may galit sa kanya kaya nadamay kami. Kung nagawan niya agad nang paraan iyon para mahanap ang taong iyon, hindi sana aabot sa ganito. Hindi sana nawala ang anak namin. He failed to protect us like what he promised to me. "Hon?" Nilapitan niya ako at niyakap mula sa likuran. "A-no ba, Zayn. Male-late ka na. " Malamig kong saad bago humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. "Pupuntahan ko lang si Zayrene." Dagdag ko bago lalabas ng silid. Pinigilan niya ako sa kamay. "May problema ba tayo, Andri?" Hinarap niya ako sa kanya pero nag-iwas ako ng tingin. "Sa pagkawala pa rin ba ito ng anak natin?" Tila pagod niyang saad. Hindi ako nagsalit
XANDRIANAGTAAS baba ang dibdib ko sa galit pagkakita kay Tita Barbara. Kabababa ko lang sa sasakyan at nasa parking lot kami ng isang mall. Si Tita Barbara naman ay paalis na, may nilalagay lang ito sa likod ng kanyang sasakyan.Agad akong hinarangan ni Jim, isa sa mga bodyguards ko para pigilan sa paglapit kay Tita Barbara."Pabayaan mo ako kung ayaw mong mawalan nang trabaho." Madiin kong saad kay Jim. Matalim ko rin siyang tinapunan ng tingin.Pinakatitigan ako nito nang matagal bago tumabi at hinayaan ako."Huwag na huwag kang magsusumbong kay Zayn. Kayong lahat, nagkakaintindihan ba tayo?" Pahabol
XANDRIA"WHERE have you been?" Galit na tanong sa 'kin ni Zayn pagkauwi ko galing sa mall.Hindi agad ako umuwi pagkatapos naming mag-usap ni Johnson. Natakasan ko ang mga bodyguards ko kanina at pinatay ang phone dahil nakipagkita ako kina Amanda kanina. Mag-aalas diyes na ng gabi ako umuwi ngayon. Nakunsensiya ako dahil naalala ko ang anak ko. Pero talagang gusto ko lang ilabas ang sama nang loob ko kanina sa nalaman mula kay Johnson. Hindi ko kaya na parang magiging normal ulit kami pagkatapos nang nalaman ko. Bumalik lahat ng sakit. 'Yong pakiramdam na pangalawa na naman sa buhay ni Zayn. 'Yong pakiramdam na may kahati na naman ako sa puso niya. Gusto ko nang sumuko. Pakiramdam ko, pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa buhay niya. Naoobliga lamang si