Yareli's POV KINAKABAHAN ako. Sa isang iglap lang ay nandito na ako sa labas ng bahay na una kong kinalakihan at kinagisnan. Tinupad ni Grant ang sinabi niya sa akin na pagkatapos nang dalawang linggo na maganda at maayos kong pakikitungo sa kanilang magkakapatid ay palalayain niya ako at muling ibabalik sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, kahit ang kapalit ay ang pagtraydor niya sa mga kapatid niya, pero baka napagtanto niyang mali ang ginagawa nila sa akin. Kailangan ko rin na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ezekiel. Alam kong nakamasid sa akin si Grant sa paligid habang nasa labas pa rin ako ng bahay namin at kinakabahan sa magiging reaksyon ng pamilya ko sa oras na makita nila ako. Huminga ako nang malalim at unti-unting humakbang, pero hindi pa ako nakakalapit sa labas ng pintuan ay may nakita akong dalawang taong magkapatong at naghahalikan sa mismong sofa namin. Naaaninag ko sila sa labas ng bintana. Si Juancho ito at ang dati niyang nobya na si
Amir's POV GUSTO kong matawa sa pinagsasabi ni Dad sa aming limang magkakapatid at kay Juancho. Paano ko naging kakambal si Juancho? Magkamukha ba kami para maging kambal? At isa pa, I hate this moron, ni hindi nga kami magkasundo niyan, e, kaya paano ko siya magiging fraternal twin kung wala naman akong maramdamang lukso ng dugo sa kanya? I didn't hesitate to punch Juancho's goddamn face, which caused chaos inside the mansion. Grant already sent Yareli back to her family, and we will only find out from River, Efraim, and Irvin that this bastard of a man cheated on Yareli with Amanda! Ano ang karapatan niyang pagtaksilan si Yareli na babaeng kinababaliwan namin magkakapatid na Steffano? Napakasuwerte niya dahil siya ang minahal ni Yareli, tapos sasaktan niya lang ang babaeng mahal namin? "Amir, don't hurt your brother!" pag-awat sa akin ni Dad dahilan para kuwelyuhan ko siya habang nanginginig ang mga kamao ko sa galit. "What? He is my brother? I have no time for your jokes, Dad!
Yareli's POV NASA bahay namin si Mayet kasama si Jestin. Kinakumusta ako ng mga ito sa biglang pagkawala ko. Alam kong marami silang gustong itanong sa akin pero mas pinili na lang nilang hindi na magtanong dahil naramdaman nilang ayoko munang pag-usapan ang mga nangyari sa akin. "Nangupahan daw d'yan si Juancho sa pinaparentahang paupahan ni Aling Pacing sabi ni Kuya Dante." sabi ni Mayet na ikinahinto ko. Nalaman ko lang kahapon kay Amir na kakambal niya si Juancho at hindi ito tunay na anak nina Governor Vicente at Madame Josefina. Nang makita ko na umiiyak si Amir ay hindi ko mapigilang maawa para rito. Kahit sinong tao, kapag nalaman mong kakambal mo pala ang taong ipinakilala sa'yo bilang pinsan mo ay hindi mo maiwasang masaktan. Kaya pala gano'n na lang ang malaking pagkakahawig nina Juancho at Amir na napapansin ko noon pa dahil magkapatid pala sila at magkakambal pa. "Gano'n ba," tangi kong nasabi. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na pinagtaksilan ako ni Juancho
Yasewah's POV PINIGILAN ko ang sarili kong sugurin ang magkakapatid. Sa ibinalita sa amin ni Yareli ay hindi ko 'to lubos na matanggap. Buntis siya at isa sa magkakapatid ang ama ang ipinagbubuntis niya. Sinigurado nila na maaangkin nila si Yareli. Napakawalanghiya nila para buntisin ang kapatid ko sa edad nitong labinwalong taong gulang. Marami pang pangarap si Yareli sa buhay tapos ganito ang gagawin ng mga lalaking iyon? Hindi pa sila nakontento sa pagdukot sa kapatid ko at binuntis pa nila! Parang nitong mga nakaraan lang, maliit pa si Yareli at ako lang ang tanging lalaki sa buhay niya bukod kay Itay pero ngayon, hindi lang isa kundi lima ang bigla na lang dumating sa buhay niya at aangkinin siya sa puntong kaagad siyang bubuntisin ng mga ito. "Anak, kailangan siguro nilang malaman ito. Kahit ano pang gawin natin ay isa pa rin sa kanila ang ama nang ipinagbubuntis ni Yareli," maluha-luhang sabi ni Inay na pinapakalma ni Itay na nasa tabi niya. Napasabunot ako sa buhok dahil sa
Yareli's POV After 2 years... TOTOO na nakahihilom ng sugat at pasakit ang panahon. Sa loob ng dalawang taon ay natuto akong maging mas matatag para sa sarili ko at sa anghel na ipinagkaloob sa akin. Wala na yatang mas sasaya pa na makita mo ang isang bata na inilabas sa sinapupunan mo at dinala ito sa loob ng siyam na buwan sa iyong katawan. Marami man akong naging komplikasyon bago manganak ay naging sulit iyon nang ipinanganak ko si baby Hershe. Baby girl ang anak ko, ang anak namin ni River. Bago ma-admit sa mental health facility ang Steffano brothers ay nagpa-DNA Paternity test muna kami nila River, Irvin, Grant, at Amir para matukoy kung sino ba ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ko. Nang lumabas ang resulta sa isang linggo naming paghihintay ay nalaman naming si River ang ama ni baby Hershe. Nang magsagawa kami ng DNA Paternity test ay hindi pa kami maayos ni River at ng mga kapatid niya. Gusto nila akong kausapin noong mga panahon na iyon pero pinigilan ko ang sarili kong
Yareli's POV PUMAYAG na ako sa kagustuhan ng Steffano brothers na tumira na kami sa Maynila. Sa sinabi sa akin ng pamilya ko na dapat ay bigyan ko ng tsansa ang magkakapatid para makabawi sa lahat ng pagkukulang at mga naging kasalanan nila sa akin ay nakumbinse ako. Ito na rin siguro ang simula para tuluyan ko na silang tanggapin ulit sa puso ko. Susugal ako dahil kung hindi ay baka pagsisihan ko ito sa huli. Lumalaki na rin si baby Hershe at gusto ko na matutukan siya ni River at maibigay ang lahat ng pangangailangan nito. Ibabaon ko na sa limot ang mga hindi inaasahang nangyari dahil kung patuloy ko lang itong babalik tanawin ay hinding-hindi ako makakamove-on sa nakaraan at hindi mararanasang maging masaya. Ngayon na kami lilipat sa Maynila at nakahanda na ang lahat ng mga gamit na dadalhin namin ni baby Hershe. Hindi na ako nagdala pa ng maraming gamit dahil sinabi nila Irvin na may binili na silang gamit para sa amin ni Hershe. Iwan ko na lang raw muna ang iba pa naming mga ga
Third Person's POV SA buong buhay ni Yareli ay ngayon lang siya nakaramdam ng inis at selos sa isang tao. Kahit noong naging magkasintahan sila ni Juancho ay hindi naman siya iyong tipo ng babae na naiinis at nagseselos. Likas nang babaero si Juancho kaya parang wala na lang sa kanya kung may kasama itong ibang babae kahit mahal niya ito. Ngayon ay iba na, pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Joanna. Ang babaeng halatang may interes pa rin kay River. Hindi yata makaramdam ang babaeng ito dahil kahit nalaman nitong may anak na sila ni River ay todo pa rin ang harapang panlalandi nito. Mas nagngingit siya sa inis at selos dahil si River naman ay mukhang aliw na aliw kay Joanna habang nagkukwento at kumakain sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Sumama na lang bigla sina Joanna at Jordan sa kanila dahil nagugutom na raw sila at naghahanap ng kakainan kaya sumabay na ang mga ito. _Hindi rin ba makaramdam ang River na 'to na ayoko kay Joanna? Lalo pa't n
Yareli's POV BUONG maghapon ay hindi ko pinansin si River. Ewan ko, basta naiinis ako sa kanya! Nakita ko namang pati siya ay nabigla rin sa paghalik sa kanya ni Joanna kanina sa restaurant pero naiinis pa rin ako dahil in-entertain at kinausap niya ang babaeng iyon. May ideya naman siguro siyang pinagseselosan ko si Joanna pero pinapansin niya pa rin ito sa tuwing nakikita namin sila kasama ang kapatid nitong si Jordan. Umaakto nga siguro ako na parang bata pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan sa eksenang nakita ko kanina. Nabahiran na ng maduming laway ni Joanna ang labi ni River na mas lalo ko pang ikinainis. Hindi ko alam kung ilang balde na ang nailuha ko habang nagkukulong ako sa loob ng kuwarto namin. Nakaramdam rin ang Steffano brothers lalo na si River na gusto ko munang mapag-isa. Ako lang ang mag-isa sa loob ng kuwarto dahil si baby Hershe ay inaaliw ni Amir sa bakuran ng bahay. Naalala ko na nabanggit pala sa akin ni Amir na kailangan naming dumalo sa Graduation