Share

Chapter 16

Tila ba naging maamo bigla ang mukha ni Mike at kaagad siyang lumapit sa akin. “Please, ‘wag naman sana tayong umabot sa gan’yang punto, Andrea. Alam kong magiging mahirap na para ayusin o buuin ulit ang pamilya nating dalawa, pero ‘wag mo namang gamitin ‘yon na dahilan para manira ka ng ibang relasyon.”

Gusto kong halakhakan si Mike. Kahit sakrastiko man o peke, gusto ko lang ipakita sa kanya na mas lalo lang siyang nagiging walang-kwenta sa paningin ko. Kung kaya’t para mas lalo kong maasar ang mukha niya, I smirked at him while raising my brows.

“Ang unfair din naman pala ng buhay, ‘no? Ako itong nananahimik at mayroon akong sariling pamilya na pinoprotektahan. Wala akong inaagrabyadong ibang tao sa pananahimik ko pero bakit ako itong pinarurusahan ng buhay?” may halong bitterness kong sambit nang hindi ako makatingin sa mga mata ni Mike nang diretsyo. “Hindi naman ako naninira ng ibang relasyon, so bakit kailangang ako ‘yong masaktan?”

Naglakad ako’t nilagpasan ko siya, at nang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status