“Ano sa tingin mo?” tanong ni Jacob sa akin pagkapasok namin sa construction site. Inalagay ko ang aking kamay sa aking noo para magsilbing panakip ko sa aking may na nasisilaw sa liwanag ng araw.Mabilis naman niyang sinenyasan ang isa niyang staff na may hawak na payong. Lumapit ito sa akin at mabilis na binuksan ang payong para magsilbing lilim ko. Mainit na kasi at mataas na rin ang araw nang makarating kami rito sa General Luna.Ang sabi niya sa akin kanina, hindi na raw kami pupunta dahil tanghali na. Ewan ko ngayon kung bakit biglang nagbago ang isip niya. Marahan niya akong pinaisod sa tabi ng kaniyang staff dahil natatamaan ng araw ang balikat ko. Naka-sleeveless pa naman ako ngayon.“You’ll get burned by the sun.”I pouted at him. Pinaningkitan niya naman ako ng mata kaya inayos ko ang aking sarili. Ang sungit talaga.“Okay naman. The location is good. Good for you dahil naisip mong sa pagitan ng restaurant at fitness gym inilagay ang bar na ito. Marami ring mga establishme
“May girlfriend pala ang kapatid mo ‘no? Ngayon ko lang nalaman.”Nakita ko ang pagngisi ni Jacob nang marinig niya ang tanong ko. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na kami ng San Isidro paghkatapos naming i-check muli ang site kanina. Bumaling siya sa akin. May halong pang-aasar ang kaniyang tingin.a“Bakit? Curious ka? You’re jealous? You like my brother?” suod-sunod niyang tanong.Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin.“Nagtatanong lang ako, ang dami mo nang sinabi. Hindi ba puwedeng nagulat lang?”“Why would you be shocked? Eh guwapo ang kapatid ko, normal na maraming magkakagusto sa kaniya. Kaya ibig sabihin, normal din na magkaroon siya ng girlfriend.”Umangat ang sulok ng labi ko.“Eh ikaw rin naman guwapo ka, pero bakit wala kang girlfriend?”“Meron kaya.”“Sino?”Mas lumawak ang kaniyang pagngisi.“Ikaw.”Mabilis na nag-arko ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Ha! Ang assuming. Hindi ko pa nga siya sinasagot.“Sinagot na ba kita?”“Kailangan pa ba noon? Eh ‘
Guyam, Pansukian, and Daku are the three beautiful islands that we’ve visited today. Bandang hapon, pagkatapos naming mag-ikot, niyaya ako ni Luanne na magpahinga muna kami sa isang tropical resort sa Pansukian. Doon na rin daw kami kakain dahil ayon sa kaniya, masarap ang mga pagkain doon.“Sigurado akong magugustuhan mo roon. Maraming puno ay mayroong magagandang villas. Gusto mo bang magpa-massage? My treat.”Umiling ako agad. “Naku, Luanne. Hindi na. Hindi naman ako mahilig sa pagpapamasahe. Saka hindi mo naman kailangang gumastos para sa akin.”Nakangiti siyang bumaling sa akin.“You’re like a sister to me now. Ano ka ba, walang problema sa akin yung gastos. Ang gusto ko, mag-enjoy ka rito. Nabanggit din kasi ni Kuya Jacob na hanggang matapos lang ang construction ng bar ka mananatili rito sa Siargao. Might as well spend your days here in a very good and entertaining way.”Hinawakan niya ako sa braso at hinila patungo sa bangka.“Tara na at baka maiwan pa tayo ng bangka.”Sandali
Habang nakatingin ako kay Anton ay hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ganoon nalang ang kaniyang reaksiyon sa nangyari? Bakas ang galit sa kaniyang mga mata habang nakatingin kay Lara na kabababa lang sinakyan nitong jet ski. Naka-two-piece lang ito at konti nalang makikita na ang parte ng kaniyang katawan na dapat ay nakatago pero tila balewala sa kaniya ang tinginan ng mga tao. Pagkarating niya sa dalampasigan ay agad na may lumapit sa kaniyang isang naka-unipormeng babae at inabutan siya nito ng tuwalya. Kinuha niya ito at itinapis sa kaniyang katawan bago naglakad palapit sa amin.Nakaupo pa rin ako sa buhanginan, hingal na hingal habang pilit na pinakakalma ang aking sarili. Nasa tabi ko si Anton at panay ang tanong kung kumusta ang pakiramdam ko.“Oh, bakit mo ako hinahanap? How dare you shout for my name, Anton!” Dinig ko ang pagtaas ng boses ni Lara. Gusto kong matawa sa ugali ng babaeng ito. Siya na nga yung may hindi magandang ginawa, siya pa yung matapang.Inayos ko an
Napaisip ako sandali sa sinabi ni Luanne. Napatitig ako sa aking baso at inisip paano kung ako nga si Gabriella? Pero agad din akong umiling. Masyadong malabo dahil mayroon akong pamilya. I have my parents. Kahit na hiwalay sila, at least, alam kong mayroon akong mga magulang.“Ikaw talaga, kung anu-anong iniisip mo,” naiiling na saad ko kay Luanne.“I wish you are Gabriella. I wish she didn’t die that early. Siguro ngayon, baka isa na rin siyang artist.”Kumunot ang noo ko.“Artist? Like painter? Ganoon ba?” Tumango si Luanne. “Bata palang kami, pangarap na ni Gabriella maging isang painter balang araw. Bata palang kami, magaling na siyang mag-drawing. Iyon ang nabanggit niyang pangarap niya noong bata kami, pero gusto niya rin namang maging isang house wife.”Habang patuloy ang pag-unlad ng aking kaalaman tungkol sa pagkatao ni Gabriella, hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. Ang sabi nila, siyam na taon siya noong naaksidente siya at nawala sa dagat. Siguro talagang mahal na mahal
“Kailangan ko ba talagang sumama? Hindi ba puwedeng iba nalang ang partner mo?” nakangusong pakiusap ko kay Jacob habang patuloy pa rin ako sa ginagawa kong painting. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Hinawakan niya ang aking balikat at marahang minasahe iyon. “Andra, kapag hindi ka pumunta, wala akong ka-partner. Don’t tell me I could find another, ayoko ng iba, ikaw lang ang gusto ko.” Huminto ako sa aking ginagawa at pansamantalang ibinaba sa lagayan ng gamit ang paint brush na hawak ko saka humarap sa kaniya. Ilang beses niya nang binanggit ito sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, ay pang-apat na beses na ito ngayon. Pinipilit niya akong sumama sa last practice ng wedding entourage para sa kasal ng kaniyang ama. Nahihiya naman akong pumayag dahil una, sino ba ako para sumali sa isang family event? At pangalawa, hindi naman ako importanteng tao para maging ka-partner niya. I am a nobody. Natatakot din ako na baka maging sentro ako ng atensiyon ng mga bisita sa kasal ng
“You’re nervous?”Tumango ako agad nang marinig ang tanong ni Jacob. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kaniyang sasakyan at bumabiyahe patungong General Luna para sa practice ng mga kasali sa entourage sa kasal ng kaniyang ama at ng ina ni Jace na si Amara Legaspi. Sa Sto. Tomas de Villanueva Parish Church ang practice dahil doon din mismo gaganapin ang kasal ng mga ito.At heto ako, kanina pa inom nang inom ng tubig dahil kanina pa rin kumakabog nang malakas ang dibdib ko.“Relax, Andra. Hindi ka nila kakainin. My family members are great.”I gave him a smug smile. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kahapon ko pa pinakakalma ang sarili ko pero hanggang ngayon, kabado pa rin ako.Imbes na i-comfort ako ni Jacob, tinawanan lang ako nito.Pagkahinto ng sasakyan niya sa parking area ng simbahan, pinaypayan ko ang sarili ko at marahang tinapik ang aking dibdib.Kaya mo ito, Leandra!Pagbaba ko ng sasakyan, inilahad agad ni Jacob ang kaniyang kamay sa akin. Tina
Matagal akong napatitig sa nakalahad na kamay ng magandang babae sa aking harapan. Hindi ko alam kung tatanggihan ko ba ang tulong niya o hindi. Pero ayaw ko namang maging bastos kaya tinanggap ko nalang ang kaniyang kamay.Nang makatayo ako nang maayos ay agad akong nagpasalamat sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin. Matagal din siyang tumitig sa aking mukha.“Dito rin po ba kayo pupunta? Kasali po ba kayo sa wedding entourage nina Mr. Castillo at Ms. Legaspi?” magalang na tanong ko rito.Umiling naman siya.“Oh, no. Nandito lang ako para sunduin ang pamangkin ko. Si Lara Del Rio.”Napatango ako nang marahan.“Ah, ganoon po ba? Nasa loob pa po siya.”She just smiled at me.“Ah, siya nga pala, my name is Ariella Benitez. I’m a former Del Rio. Back then when I was still married with my husband.”My eyes widened when I realized that the woman who helped me was Gabriella Del Rio’s mother.“Ako naman po si—”“Leandra Bernardo, right? I’m heard a lot about you already. My son, Aaron mention