Share

CHAPTER 61- COME BACK TO ME

Ilang beses akong pinilit ni Jacob na bumalik sa hotel na dati naming tinutuluyan, pero ilang beses ko rin siyang tinanggihan.

“Sigurado ka bang ayaw mong bumalik kay Jacob?” tanong ni Kuya Aaron.

Nasa kusina kaming dalawa. Nagluluto siya ng pagkain namin ngayong gabi habang ako naman ay abala sa ginagawa kong proposal na kanina lang sinabi sa akin ni Jacob kung kailan pauwi na ako.

“Hindi naman sa pinapaalis kita rito. Because I think this place needs you lalo na at parang sa hospital na ako nakatira. Pero hindi ba, mas okay kung doon ka sa kaniya. Baka sakaling mabawasan ang trabaho na pinagagawa niya sa’yo,” dagdag niya pa at inginuso ang laptop na kaharap ko.

Mahina akong tumawa at umiling.

“Halata bang pinahihirapan niya ako?”

Tumawa si Kuya. “Akala mo ba ako lang ang nakakahalata? Even Papa knows what he’s doing. Pero dahil hindi ka naman daw nagre-reklamo kaya hinahayaan niya nalang. Basta, Gab. Matulog ka pa rin kapag may oras ka.”

Inirapan ko siya.

“Sabi ng Doctor na laging g
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status