Share

Kabanata 28

"You're not virgin."

Parang bomba sumabog iyon sa pandinig ni Yamirah. Inaasahan na niya ito pero iba pa rin kapag nanggaling mismo ito sa taong mahal niya, sa taong gusto niyang nakauna sana sa kanya.

Si Ash, siya sana ang pag-aalayan niya ng pagka-birhen. Sa kanya sana lahat ng UNA niya-unang lalaking mamahalin, unang iiyakan, unang aalagaan, unang pag-aalayan nang buong-buo.

Pero sumablay siya sa panghuli.

"Ash."

Hindi ito humiwalay sa kanya. Kitang-kita sa mga mata nito ang isang blangkong ekspresiyon.

"Amir," bulong nito. "Tell me you are virgin. Baby, please." Nagsimula nang makitaan ng lungkot ang mga mata nito, ang boses ay unti-unti na ring pumipiyok. "Please tell me I am the first. Please."

Umiling-iling siya habang umiiyak, pinipigilan ang paghikbi. Gustong-gusto niyang um-oo, pero alam niyang kasinungalingan lang iyon.

"Tell me you still are," pagsusumamo nito sa kanya. "Even if you're not. Even if it's a lie."

Kumawala ang sunod-sunod na hikbi sa kanyang bibig. Ang sakit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status