Napahawak si Celine sa kaniyang ulo."Aray!" daing niya.Tumagilid siya ng higa. Nakapikit pa rin siya."Bakit ang lambot ng higaan ko?" bulong niya sa sarili.Napangiti siya nang maalala niya kung paano niya isinuko ang kaniyang sarili sa lalaking mahal niya."Dustin, gising ka na ba?"Kumunot ang kaniyang noo nang walang tumugon sa tanong niya.'Siguro nagluluto na siya ng umagahan,' she thought.Naghikab siya at nag-inat-inat. Pinunasan niya ang tabi ng kaniyang labi at kinusot ang kaniyang mga mata. Ramdam na ramdam pa rin niyang kumikirot ang bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita.'Masyado yata akong napagod kagabi.'Nang dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, isang puting kisame ang tumambad sa kaniya. Nagsalubong ang kaniyang kilay. Nang mapalingon siya sa may bandang bintana ay tuluyan na siyang napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga."Where am I?" she asked with a quavering voice.She looked at herself. Nakasuot siya ng kulay itim na dress. Her feet automatically ra
"NASAAN SI CELINE AT ANG APO KO?" Halos lumabas ang lahat ng ugat sa leeg ni Don Alexander nang malaman niyang mag-isang umuwi ng Batangas si Dustin. Nang hindi agad tumugon ang kaniyang anak ay ibinato niya ang hawak niyang kopita na may lamang vodka sa direksyon nito."Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan papa? She left me and I had no idea about her whereabouts!" Dustin said."Did you f*ck her already?" diretsahang tanong ni Don Alexander.Dustin clenched his fists upon hearing it. Bumagting ang kaniyang panga at tumango na lamang bilang tugon sa tanong ng kaniyang papa."And you have confirmed that she's still a virgin?" Don Alexander added."Ano bang mga klaseng tanong 'yan papa?" nanggagalaiting sabi ni Dustin."Answer me!" Sinuntok ni Don Alexander ang kaniyang table at pinanlisikan ng mga mata si Dustin.Tumango lang ulit si Dustin dala ng takot na baka atakihin sa puso ang kaniyang papa. Gusto niyang magwala hindi dahil sa mga walang kwentang tanong ng kaniyang papa kung hindi d
"I understand sir. Yes po. Opo. Masusunod po." Pirming nakatitig si Shantal sa boyfriend niyang si Feever na ngayon ay may kinakausap sa cellphone. "He sounds like a robot. Yes po. Opo. Masusunod po." Shantal mimicked her boyfriend. Mayamaya pa ay lumakad siya palapit kay Feever at hinaplos ang dibdib nito na siyang nagpasinghap sa binata. Pinandilatan ni Feever ng mata si Shantal ngunit lalo lamang siya nitong tinutukso. Marahan niyang inalis ang kamay ni Shantal sa kaniyang katawan at hinawakan ito ng mariin bilang babala sa dalaga. After talking to someone, ibinaba na niya ang kaniyang cellphone at walang sabi-sabing siniil ang labi ni Shantal. "Ugh," ungol ni Shantal sa pagitan ng kanilang mga halik. After five minutes of kissing torridly, kapwa sila naghabol ng hininga. "What's that kiss for?" pabirong tanong ni Shantal. "That's your punishment. Alam mo namang may kausap ako kanina, dinedemonyo mo ako eh." Inayos ni Feever ang kaniyang kurbata bago iniikot ang kaniyang mga
"Kumusta na Feever? Did you miss me?" nakangiting tanong ni Dustin. Matapos niyang tingnan si Feever ay inilipat niya ang kaniyang paningin kay Shantal na ngayon ay tila nababalisa."Okay naman po ako at ang company. I'm so glad to see you today, Sir Dustin," mabilis na tugon ni Feever. Pasimple niyang tiningnan si Shantal. Napabuntong hininga siya nang mapansin niyang kinakabahan si Shantal sa harap ni Dustin."Shantal, you look nervous. Did you do something to upset me?" Tumaas ang kilay ni Dustin. Isa si Shantal sa pinaghihinalaan niyang dumukot kay Celine. Hinihintay niyang sumagot si Shantal sa ibinato niyang tanong ngunit wala siyang napala.Hinawakan ni Feever ang kamay ni Shantal at lumakad siya sa harapan nito dahilan para maitago niya sa kaniyang likuran ang babaeng nagpatibok muli ng kaniyang puso."Woah! Don't tell me .. '' Dustin's eyes widened as he put his hand on his mouth. Itinuro niya rin sina Shantal at Feever."Sir, girlfriend ko na po si Shantal," buong tapang na
Dumaan muna sa comfort room si Freya para ayusin ang kaniyang sarili. Hindi siya maaaring humarap kay Dustin nang may mga luha sa kaniyang mga mata. Habang naglalagay ng foundation ay hindi niya mapigilang kausapin ang sarili sa harap ng salamin."Hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng luha ang mga taong kagaya ni Feever. Hindi lang siya ang lalaki sa buong mundo! Tama! Marami pa akong makikilala!"Matapos niyang mag retouch ng makeup ay dumiretso na siya sa opisina ni Dustin. Inabutan niya itong tulala. Ni hindi man lamang nito napansin ang pagpasok niya sa office."S-sir D-Dustin, ba-bakit niyo po ako ipinatawag?" nauutal na tanong ni Freya."Kanina ka pa ba? Sorry. Hindi ko napansin ang pagpasok mo. Huwag mo na akong tawaging Sir. Just call me by name.""Okay, sabi mo eh. Madali naman akong kausap. Teka, nasa'n si Celine? Kumusta ang honeymoon niyo? Magiging ninang na ba ako?" Sa isang iglap ay tila nakalimutan na ni Freya ang pag-papa-asa sa kaniya ni Feever.Tumawa nang malakas si Du
"Miss na agad kita, Feever," malungkot na sambit ni Shantal habang lulan siya ng elevator. Nakatungo si Shantal habang nakatitig sa sapatos na iniregalo sa kaniya ni Feever. Napaangat ang kaniyang ulo nang marinig niya ang pagbukas ng elevator. Umikot ang kaniyang mga mata nang makita niya si Freya. Tinaasan naman siya nito ng kilay.Tahimik silang dalawa habang naghihintay na magbukas ang elevator. Pareho silang patungo sa pinakatuktok ng gusali."Shantal.""What?"Humakbang si Freya palapit kay Shantal at matalim niyang tinitigan ito sa mga mata."Kapag nalaman kong ikaw ang may mastermind, kakalbuhin talaga kita," seryosong sabi ni Freya.Ikinrus ni Shantal ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib. Kumunot ng kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan kung ano ang kahulugan ng sinabi ni Freya."You're out of your mind. Ano bang pinagsasasabi mo? Ganiyan ba ang epekto kapag bigo sa pag-ibig? Huh," natatawang wika ni Shantal."Sa'yo na si Feever. Infatuation lang ang nararamdaman k
Matapos magsumite ng reports ni Freya ay agad na itong bumalik sa kaniyang office. Naiwan sina Dustin at Shantal sa opisina."Good morning, Sir Dustin. You have a schedule meeting with Mr. Costa at – " Napahinto si Shantal sa kaniyang sinasabi nang biglang magsalita si Saavedra."It's nice to see you again. Did you miss me?" mapang-akit na sambit ni Dustin habang nakatingin ng malagkit kay Shantal.Pumikit ng mariin si Shantal bago niya tinitigan ng direkta sa mga mata ang lalaking minsan na niyang minahal."I'm sorry sir pero I'd like to inform you na Feever and I are officially seeing each other. Kung anuman ang nangyari noon, kalimutan na lang natin.""Whoah. Am I dreaming? Shantal, tayo lang dalawa rito. You don't need to pretend anymore." Lumakad si Dustin palapit kay Shantal at hinaplos ang braso nito."Dustin, you're married and your wife is MY SISTER so please stop it!" Inalis ni Shantal ang kamay ni Dustin sa kaniyang braso at lumakad paatras."I thought you like thrills in a
Nang makita ni Freya na nakalabas na sa opisina ni Dustin si Shantal ay agad niyang pinuntahan ang kaniyang amo para makibalita. "Kumusta? Ikinanta na ba ni Shantal kung saan niya dinala si Celine?" tanong ni Freya. Habang nagbabasa ng mga reports galing sa accounting department ay tinugon ni Dustin si Freya. "Wala siyang alam. Sinubukan ko rin siyang akitin pero iniwasan niya lang ako." "You mean, nagbago na si Shantal? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kilala ko ang bruhang 'yon! Napakagaling niyang umarte!" ani Freya. Hindi siya makapaniwala sa inistorya sa kaniya ni Saavedra. "She's in a relationship with Feever. I think, he helped her realized her mistakes. Shantal was already out of my list," mahinang sambit ni Dustin. Tumawa ng pagak si Freya at pagkatapos ay lumakad palapit kay Saavedra. Hinawakan niya ang necktie nito dahilan para mapahinto si Dustin sa pag-aanalyze ng income statement ng Saavedra Groups of Companies. "Are you out of your mind? Siya lang ang may malaking ga