Share

SMK 2- Her new KUYA

(Xavier)

Sabay na inihinto namin ni Xander ang sinasakyan naming kabayo. Bumaba si Xander mula sa kanyang kabayo at bumaba din ako mula sa kabayo ko. Pareho namin itinali ang mga kabayo namin sa mga punong nandun.

Magkatabi kaming nakatayo, nakatingin sa ibabang bahagi ng Saturno ranch.

"Pare, malapit na akong pumunta sa Mexico. Pwedeng humingi ng isang pabor sayo." Ani nya, sa seryosong mukha.

"Anything pare--"Ani ko. "Hindi naman siguro 'yan nakakamatay sa akin."

Mahina syang napatawa.

"Hindi naman siguro nakakamatay, depende lang kung gaano katibay ang loob mo."sumeryoso sya at bumugtong- hininga. "Pwedeng bantayan mo si Abby. Ang ibig kong sabihin, pwedeng ikaw muna ang papalit bilang kuya nya habang wala ako."

Alam kong mahal na mahal nya ang kapatid nya. Kaya nga, sobra ang pagka- spoiled ni Abby dahil pinagbibigyan ito sa halos lahat ng gusto nito sa mga taong nakakapaligid dito.

"Of course pare, alam mo naman na mahalaga din si Abby sa akin. She's like a little sister to me." totoong pagkakasabi ko sa kanya.

"Salamat pare, I know hindi madali itong hinihingi kong pabor sayo. Alam ko naman, hindi madaling e- handle ang ugali ni Abby. Pasensyahan mo nalang paminsan- minsan. Bata pa naman sya, kaya masyado pang immature kung mag- isip."

Tumawa sya.

"Kung alam mo lang Bro kung ilang beses kong pinagpasensyahan ang kapatid mo."

Napatawa narin ako.

Hindi lang spoil brat si Abby. Talagang m*****a ito lalo na sa akin. At talagang ipinaramdam nito sa akin kung gaano nya ako ka- hate.

Naalala ko pa, ilang buwan na ang nakakalipas. Si Abby ang dahilan kaya nagkaroon kami ng matinding away ni Krizie na humantong sa paghihiwalay naming dalawa.

"Don't worry bro, pagbalik mo dito. Hindi na m*****a si Abby. Puputulin ko ang sungay ng kapatid mo."

Disidido kong sabi pero nagtawanan naman kami kalaunan.

-----

-----

(Abby)

Hanggang ngayon, pulang- pula parin ang aking mga mata. Kani- kanina lang, inihatid na ng mga magulang ko sa airport ang kuya Xander ko. Pumunta ito sa Mexico, para doon mag- aral ng kolehiyo. Dalawa lang kaming magkakapatid kaya mahal na mahal ko ang kuya Xander ko.

Nasa may kwadra ako na bahagi ng rancho namin. Nakatayo ako sa labas ng stall ng kabayong si "Spirit". Si Spirit ay pagmamay- ari ni kuya Xander. Ang kabayo din ito ang madalas gamitin ni Kuya Xander pag nangangabayo sya.

"Tayong dalawa nalang ngayon, Spirit. Iniwan na tayo ni kuya!" mangiyak- ngiyak na sabi ko sa kabayo, na para bang tao ito na kinakausap ko. Umungol ang kabayo na parang nakikipag- usap din sya sa akin. "Matagal pa bago sya bumalik. Namimiss ko na sya agad."

Maya't maya lang, naramdaman ko ang paghinto nang isang kabayo sa likuran ko. Hindi na ako nag- abalang lumingon dahil ayaw kong mas sasama lang ang pakiramdam ko.

"Guess, you're still crying!" barintonong boses sa likuran ko. Hindi ko na ito pinansin.

Kahit hindi ako lilingon, pero kilalang- kilala ko parin ang nagmamay- ari ng nakakainis na boses. Talagang pakialamero ang lalaking ito.

Naramdaman ko ang pagtayo nya sa likod ko.

"I know that you didn't like me. Pero, sana bigyan mo ako ng chance na pumalit sandali bilang kuya mo." malumanay nyang sabi.

Napalingon ako sa kanya. Nagkatama ang mga paningin naming dalawa.

Maaturidad ang mukha ni Xavier. Sa tingin ko, mahigpit sya bilang kuya, at nakakatakot din.

"Matagal ko na talagang pangarap na magkaroon ng nakababatang kapatid, lalo na kung babae. Kaya nga, inggit na inggit ako kay Xander dahil sayo." dagdag na sabi nya.

Imbes na sagutin sya. Inirapan ko sya. Asa pa sya na pagbibigyan ko sya.

"From now on, you can call me kuya, Abby." ngumiti sya sa akin.

Mas lalo akong nagalit.

Hindi ba nya nahalata na ayaw ko talaga sa kanya. Hindi pa nga ako naka recover sa pag- alis ng kuya Xander ko, ginugulo na nya ako agad. Hindi ba talaga nya ako bigyan ng peace of mind man lamang para magmoment sandali.

"I don't want to call you kuya. Not even in my nightmare. " bulyaw ko sa kanya. "At saka, iwan mo nga ako. Hindi mo ba napansin na kinakausap ko si Spirit?"

Napatawa sya ng mahina sa sinabi ko. Napakunot- noo ako na nakatingin sa kanya.

"Bakit kabayo ang kinakausap mo? Pwede mo naman akong kausapin. Mas maintindihan ko pa ang damdamin mo."

Pairap kong binawi ang paningin ko mula sa kanya.

"Spirit is better! Dahil hindi sya hambog at pakialamero."

"I just want to take care of you Abby, dahil nangako ako sa kuya Xander mo." buo nyang pagkakasabi. " Just don't give it another meaning."

"Whatever!"

Padabog ko syang tinalikuran.

Mukhang wala syang plano na iwan ako. Kaya ako nalang ang lalayas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status